Prince Kira's POV
Tuwing lunes, miyerkules at sabado ay nagtatrabaho sa amin ang nanay ni Alex bilang isang labandera. Isang araw ay dinala niya si Alexis sa kastilyo dahil walang magbabantay sa paslit, sa tingin ko ay nasa anim pa lamang siya no'n at ako'y walong taong gulang pa lamang; doon ko siya unang nakilala.
Pasulyap-sulyap lamang ang kaya kong ibigay sa babaeng natatangi ang kagandahan dahil hindi ko siya maaaring lapitan. Sa tingin ko ay crush ko na siya that time. Love at first sight to be exact.
Hanggang sa araw-araw na siyang dinadala ng kaniyang nanay at dahil doon, naging playmate ko siya nang palihim. Sobrang saya niya kasama, siya ang kauna-unahang playmate ko. Ayaw kasi ni Daddy na nakikipag-interact ako sa ibang bata liban na lang sa mga mahaharlikang dugo.
At dumating nga 'yung punto na kailangan ko na siyang iwasan dahil ako'y haharap na sa mga pagsasanay tungo sa pagiging isang tunay na hari. Dahil balang araw, ako na ang mamumuno sa kaharian. Kaya tinalikdan ko ang pagiging bata, ang pagiging playmate niya at pati na rin ang walang patutunguhan na nararamdaman ko para sa kaniya.
Lumipas ang sampung taon, isang bagong tagapagsilbi ang ipinakilala ni Mommy sa akin at sobra akong nagulat dahil si Alexis iyon. Isang inosenteng ngiti lamang ang binigay niya sa akin no'ng araw na iyon, na para bang iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakausap niya ako, na para bang wala kaming masasayang alaala no'ng mga paslit pa lamang kami.
That's why I pushed myself to forget everything. Tinrato ko siya tulad ng trato ko sa ibang tagapagsilbi—fairly treated.
Pero hindi ko maitatanggi na may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya, pero konti na lang. 'Wag siyang mag-alala, konting galaw na lang at malilimutan ko na rin 'tong walang kwentang feelings.
"Lalalalalalalalalalalala," lagi kong naririnig ang paghuhuni-huni niya sa kantang tinuro ko sa kaniya no'ng mga bata pa kami. As in everyday niya ginagawa 'yan.
After all, tine-treasure niya pa rin pala ang mga nakuha niya sa akin no'ng mga araw na iyon, pero bahala na siya. Basta ako? Magmo-move on na ako.
Isang araw ay hindi ko siya mahanap, urgh! Nasaan na ba ang babaeng iyon? Uutusan ko siya!
Saan saan na ako naghanap pero wala talaga ang tagapagsilbi na iyon. Kusina na lang ang hindi ko pa napuntahan kaya't hindi ako nag-alinlangan na pumunta roon. Mainit ang ulo ko, urgh!
"Alex! Kanina pa kita tinatawa—" nahinto ako bigla sa pagsasalita nang makita ang usok sa palad niya. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig nang bigla niyang tinira sa akin ang bagay na namuo sa kaniyang palad.
Bigla naman akong nakaramdam ng pinaghalong init at lamig sa aking katawan, langya! Anong nangyayari sa akin? "Meow," what the effin'?! Ba't hindi ako makapagsalita?
"Mahal na prinsipe!" natataranta siyang lumapit sa akin at binuhat patungo sa sulok.
Ano ba ang ginawa sa akin ng babaeng ito?! Ba't niya ako binubuhat?! Ba't niya ako nabubuhat?!
"Meow," what the fudge?! Naging pusa ako!
Nanginig na naman ako at natakot din at the same time, "Meow," pinilit kong magsalita ngunit meow lang ang lumalabas sa bibig ko!
Binuklat niya ang isang libro at panibagong usok na naman ang nagawa niya, "Bakit? Bakit hindi gumana?!" gulong-gulo niyang tanong.
Pati ako ay naguguluhan din. Ano bang nangyayari? Bakit ako naging pusa? Bakit siya may kapangyarihan? At bakit tila hindi niya alam kung anong ginagawa niya? Urgh!
"What did you do to me, Alexis?!" nagulat ako dahil sa wakas ay nakabuo ako ng mga salita ngunit pusa pa rin ako.
Mukhang nagulat pa siya, langya talaga 'tong babaeng 'to. Anong ginawa niya sa akin?
So ayon, kinwento niya sa akin lahat ng nangyari. Nakakainis, isang diwata raw ang nagbigay ng libro, kainis talaga! Nakakadiri ang katawan na 'to! Ayaw ko na!
Gusto ko siyang kagatin dahil sa inis pero bigla ko na lamang nabasa ang nasa isip niya. Naguluhan ako no'ng una dahil sa kakayahan na 'to pero 'di naglaon ay naintindihan ko na rin.
Binigyan niya ako ng kakayahang makapagsalita kahit na pusa ako at kakayahang magbasa ng isip.
Base sa mga naiisip niya, talaga ngang puro't dalisay siya at pati na rin ang motibo niya. Talaga ngang 'di niya sinasadya na gawin akong pusa.
Hays, walang laban ang galit ng utak ko sa lambot ng puso ko, biglang nanlambot ang puso ko dahil sa busilak niyang pag-iisip.
Siya pa rin pala ang Alexis na nakilala ko noon.
Kami ay naglakbay, napadpad sa kung saan saan, to be honest, I'm enjoying it... na-miss ko kasi 'yung Alex na playmate ko. Pero mas maganda sana kung nasa anyong tao ako.
While we were in the middle of so-called searching for ms. Diwata, I was busy understanding what exactly was in her head. Paiba-iba, sobrang lawak, napuno ng pantasya, pero isa lang ang naintindihan ko, ni minsan ay hindi siya nag-isip ng masama.
Maliban na lang don sa part na iinisin niya ako! hindi pa niya nagagawa, alam ko nang iinisin niya ako. Hmp!
One day, we met a black witch, ewan ko kung witch ba talaga siya basta para sa akin witch siya. Natakot ako no'ng una pero nawala rin bigla no'ng nawala na rin siya sa harapan namin, mwehehe.
May sinabi siya kay Alexis, I don't know what was that pero para raw iyon sa aking pagbabalik anyo.
We came back to our castle, exactly placed ourselves where she first casted her frustrating magic, like duh.
"H-Hindi ko pa rin po mabasa, k-kamahalan."
And yeah, hindi niya ako naibalik sa normal. Our soldiers arrested her at agad akong nagtago, they were about to put her in the cellar but the leader had a little talk with her.
Habang tinatanong si Alexis ng punong kawal, I was busy reading his mind.
It was full of anger, darkness, he was being manipulated by someone—not my parents. Napakabigat ng dinadala niya at hindi ko iyon nakayanan, nahilo ako at panandaliang nawalan ng malay.
Pagkagising ko ay agad kong naalala si Alexis, kinuha ko ang libro at nagtungo sa selda.
When I got there, we had a talk about our situation. Her, being the queen of her fantasy, me, having this kind of ability, and those two mighty women...
At bigla na lamang niyang naisipan na tawagin ang diwata sa pangalan nito. Ako ay napatahimik at hinintay ang susunod na mangyayari.
There was a light appeared infront of us and then an enchantress revealed herself with that light.
"Ako'y nagagalak sa iyong pagtawag sa akin, kamahalan." she was talking to Alexis, she addressed Alexis as 'Kamahalan'
Ako'y naguluhan... at saka aksidente kong nabasa ang nasa isip ng diwata, her mind was loaded of purity.