Week 6 How to create a dialogue?

1089 Words
CHAPTER 4 MARGUERITE     Nasa harapan na ako ngayon ng building kung saan nakatayo ang studio ng agency ni Ms. Tiff, ang Star Entertainment. Sa tabi ko ay nandoon si Suzy, isinama ko na siya ngayon para sana maipakilala kay Ms. Tiff. Nang malaman kasi ni Suzy na pinapabalik ako ay masayang masaya siya para sa akin. Hindi niya rin ako tinigilan hangga’t hindi ako pumapayag na isama siya.       Sa tingin ko naman ay matatanggap siya rito bilang isang modelo. Halos parehas lang kasi kami ng karanasan sa pagmomodel, sa palagay ko pa nga ay mas marami pa ang karanasan sa pagmomodelo si Suzy kaysa sa akin.     Halos lahat ng karanasan ko sa pagmomodelo ay mula lamang sa pagsali ko sa mga pageant ng school. Unlike Suzy that already became a brand ambassador of different clothes, make-ups, etc. Suzy made joining pageants and modeling her major priority, which was the opposite of me who chose to focus more on studying.     My grandparents always told me that I should finish my studies and get a degree. Ito lang daw kasi ang kayamanan na hindi mananakaw ng kahit sino mula sa akin. Kaya sinubukan ko ang lahat para makapagtapos ako ng high school nang may mataas na marka.  Para makakuha ako ng scholarship nang makapagpatuloy ako ng kolehiyo.     My grandparents teachings were the one that made me set aside my passion first, and focus more on studying. Pangarap din naman nila na makapasok ako sa entertainment industry, pero ang sabi nila ay mas mahalaga sa kanila na makapagtapos muna ako mh pag-aaral. Kasi hindi raw panghabang buhay ang industriya na gusto kong pasukin, pero ang talento at kaalaman na mayroon ako ang panghabang buhay.     Pagpasok namin sa loob ng building ay may naghatid sa amin papuntang studio.     Kapit na kapit sa braso ko si Suzy habang naglalakad kami sa loob ng building. “Grabe Marg. Ang laki pala ng agency na kumuha sa iyo. Sayang at hindi ko agad nabalitaan, para sana nakapag-apply na ako rito dati pa.”     Nginitian ko ang guard na naghatid samin sa studio bago kami pumasok ni Suzy.     Tinuro ko si Ms. Tiff na nag-aayos ng mga damit na susuotin ng mga modelo kay Suzy. “Siya si Ms. Tiff Suzy. Siya yung kumausap sa akin after noong pageant.”     “Good afternoon po Ms. Tiff. May kasama nga po pala akong kaibigan.” Hindi agad tumingin sa amin si Ms. Tiff dahil nakatuon pa ang buong atensiyon niya sa mga damit na inaayos niya.     “What do you think Marguerite would suit the best bottom to this top,” Ms. Tiff pointed to a plain white lace-up crop top. “It is a catalog photography for a fashion brand, and the layout has a summer vibe to it.”     I was about to point a denim short when Suzy talked. “I think that denim shorts would be the best fit for that top Miss.” Ms. Tiff looked at Suzy who was pointing at one of the denim shorts in the clothing rack while talking behind me.     “And you are?” Nabaling ang paningin ni Ms. Tiff sa amin at isinabit niya muli sa clothing rack ang mga damit na hawak niya.     “I’m Susiana Reyes po. Friend po ni Marguerite.”     “Gusto ko po sana siyang ipakilala sainyo Ms. Tiff. She’s a friend of mine that already have an experienced with modelling.” Kakaisip ko kung makikita ko ulit ang lalaking modelo na nakasama ko sa shoot noong isang araw, nakalimutan kong sabihin kay Ms. Tiff ang tungkol kay Suzy.     “Okay. How about you Marguerite, what do you think is the better fit for that top?” Ms. Tiff pointed again to the same white top.     I took a look around the studio. The layout of the studio has a sky blue background, with a yellow and white stripes umbrella as well as three surfing boards. In the middle of the layout, there were two circular yellow chairs.     “I agree with Suzy Miss. I think denim shorts would fit that top, and it would be better if the shoes will be a white gladiator sandal.”     “Great, those are also the pair that I have in mind. Now go to the changing room and wear this top.” She handed me a different white crop top that was more revealing than the first top, and denim shorts. Its puff sleeve had ruffles at the end, and only a ribbon-tied string connects the middle front part of the clothes.       Nagtaka ako nang hinatak niya na kami ni Suzy papunta sa changing rooms. Ang akala ko ay kakausapin niya lang ako about sa last shoot ko, hindi ko akalain na magmo-model pala ulit ako ngayon.     “I’m really sorry sa abala. Ni-rush kasi kami ng client kaya wala kaming makuhang ibang modelo ngayong araw. I think you can pull it off naman Marguerite,” sabi ni Ms. Tiff habang pinapaupo niya kami sa harap ng isang half-body mirror.     “Suzy right?”     “Yes po, Ms. Tiff.”     “I’m sorry for the inconvenience. Since it’s not your first time doing modeling, I’m sure you can also do a great job. Kindly help her Marguerite, since it’s not your first time here.” Tanging tango lamang ang nasagot namin ni Suzy kay Ms. Tiff dahil sa sunod-sunod na paalala niya.     Ilang minuto na ang nakalipas nang makalabas si Ms. Tiff ng pinto pero nakatulala pa rin kami ni Suzy sa bilis ng pangyayari.     “Oh my god Marg. True ba to? Magmo-model ako para sakanila.” Nakangiting bumaling sa akin si Suzy matapos ang ilang minutong katahimikan. “I will do my best in today’s shoot, para tawagan nila ako ulit,” dugtong pa niya.     “Hey Marg! Naiintindihan mo ba ako.” Nabalik lang ako sa realidad nang pumitik-pitik siya sa tapat ng mukha ko.     “Congrats!” Isang salita lang ang lumabas sa labi ko. I’m excited for Suzy, it's just that the thing that excites me from coming here today was nowhere to be seen.     Kanina ko pa nililibot ang paningin ko sa paligid simula ng pumasok kami ng studio hanggang sa dalhin kami ni Ms. Tiff dito sa changing room. Kanina ko pa rin hindi makita ang taong hinahanap ko para sana magkapagpasalamat sa pagpayag na maging kapareha ko sa unang shoot ko para sa Star Entertainment.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD