CHAPTER 3
MARGUERITE
“Uy, congrats Marg. Balita ko kinuha kang model ng isang sikat na agency,” sabi ni Suzy habang sinusukbit niya yung braso niya sa braso ko.
Lunes ng umaga ngayon at papasok na sana ako sa first class ko nang salubungin ako ni Suzy.
“Hindi pa naman. Titignan pa raw nila kung papasa akong modelo.” Pasimple kong hinila yung braso ko mula sakaniya dahil sa higpit nang pagkakahawak niya, pero lalo lamang niyang hinihigpitan ang pagkakapit niya sa akin.
“Ano ka ba. Sa ganda mong iyan, malamang sa malamang ipapasa ka nila.” Nginitian ko siya, dahil kahit ako ay hindi sigurado kung matatanggap ba ako bilang isang modelo.
“Salamat-“ hindi pa ako tapos magpasalamat ay may isiningit na agad siya sa usapan na nagpangiti sa akin.
“Baka naman pwede mo akong isama minsan. Alam mo namang matagal ko nang gustong maging isang modelo.” Tinitigan niya pa ako nang may malaking ngiti sa labi.
Hindi kami ganoon ka-close ni Suzy rati. Nakilala ko lamang siya dahil may iilang kurso ako kung saan naging kaklase ko siya at minsan ay nagiging kagrupo ko rin siya sa mga project. Pero dahil sa ilang ulit naming pagsasama at pag-uusap ay unti-unti rin kaming nagkagaanan ng loob.
“Oo naman, pwede naman kitang ipakilala kay Miss Tiff.” Mas mapapalagay siguro ang loob ko sa pagmomodelo kung kasama ko siya, atlis mayroon na akong magiging kakilala sa industriya.
Isa rin kasi si Suzy sa mga nakakasama ko sa pagsali sa mga pageant, minsan ay siya ang nanalo, pero may mga panahon rin naman na ako.
Manalo o matalo man kami ng isa’t isa, sa huli ay pareho pa rin kaming masaya sa mga naabot namin. Para nang magkapatid ang turingan namin, dahil nakasama na namin ang isa’t isa sa hirap o sa ginhawa. Minsan pa nga ay si Suzy pa ang nagpapahiram sa akin ng gown tuwing may pageant kaming sinasalihan.
“Ay bongga, madali naman sigurong makapasok no kasi kahit ikaw nga nakapasok,” sabi niya sabay alis ng kamay niya sa pagka-kapit sa braso ko.
“Sa tingin mo makakapasok rin ako?” Hinarap niya ako habang tinatanong yun. Pinipikit-pikit niya pa ang mata niya sa akin na para bang nagbe-beautiful eyes na siyang nagpangiti sa akin.
“Oo naman Suzy. Maganda nga kapag nakapasok ka para sabay nating aabutin yung mga pangarap natin.” Nginitian ko siya habang naiisip ko na kung gaano kasaya kung pareho kaming makakapasok at sabay naming matutpad yung mga pangarap namin. Yung mga bagay na dating ini-imagine lang namin ay maaari na naming gawin.
“Salamat Marg ha. The best ka talaga. Una na ko ha, may klase pa kasi ako sa third floor.”
“Ingat.” Kinawayan ko siya habang papalayo sa akin.
Natapos na ang klase kaya naman tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Twelve o’clock in the afternoon na kasi kaya lunch break na namin. Ime-message ko sana si Suzy na sabay na kaming mag-lunch, pero hindi na pala kailangan.
Nakita ko siyang nakatayo sa may tapat ng classroom namin. Nakatalikod siya habang busy na busy sa pagpindot sa cellphone niya. Unti-unti ko siyang nilapitan para sana gulatin siya. Napansin siguro niya na may papalapit sakaniya kaya napalingon agad siya sa akin bago ko pa man siya malapitan.
Nang nakita niya ako ay nginitian niya agad ako at dali-daling tinago ang cellphone niya sa kaniyang bulsa.
“Grabe Marg, kanina pa ako naghihintay rito sa labas. Buti at naisipan pa ni Prof. Hilario na palabasin kayo.” Natawa ako sa kumento niya. Paano ba naman ay halos kalahating oras ng tapos ang oras ng klase bago tapusin ni Prof. Hilario ang lesson niya.
“Kanina ka pa ba rito?” Tanong ko sakaniya dahil mukhang inip na inip na siya sa kahihintay sa akin.
“Ay hindi Marg. Nagpa-early dismissal lang naman yung Professor ko, tapos dumiretso agad ako sa classroom mo. Hay nako, kung alam ko lamang na walang balak yung Prof. mo na mag-dismissed, sana ay tumambay muna ako sa cafeteria.” Tuloy-tuloy na litanya niya habang pakunot nang pakunot ang noo niya.
“Alam mo naman yung si Prof. Hilario. Gustong-gusto niya na kinakain yung time na hindi naman na oras ng klase niya.” Prof. Hilario was one of the most skilled professors in the field of Mathematics. Pero minsan lang talaga ay nakaka-high blood siya tuwing late na siya nagdi-dismissed ng klase.
“Tara na nga, bago pa kung anong masabi ko sakaniya.” Hinila ako ni Suzy hanggang makarating kami sa cafeteria. Nag-order muna kami bago kami naghanap ng lugar na mapwe-pwestuhan.
“Marg, may gawa ka na ba sa Art Appreciation?” Tanong ni Suzy habang kumakain kami ng Menudo. Isa ang Menudo sa mga paborito naming orderin ni Suzy rito sa cafeteria.
“Wala pa.”
“Same same.” Natawa kaming dalawa dahil sa pagkapareho namin. May iba’t ibang bagay sa mundo na makakapagpagaan ng loob mo. Ang pagkakaroon ng kaklase na katulad mo ay isa sa mga bagay na nakakapagpagaan ng loob ng isang estudyante.
Hindi naman sa tamad kaming mag-aral ni Suzy. Sadiyang naging mediyo busy lang kami dahil sa kakatapos lamang ng pageant na sinalihan namin. Inabot rin kasi ng dalawang linggo ang naging preparasyon naming dalawa para sa props, make-up, gowns, etc.
Hindi man ako yung nanalo ay masaya pa rin ako dahil sa nakilala at napansin naman ako ng isang agency. Ang hinihiling ko na lamang ngayon ay matanggap ako bilang isang modelo.
“Kelan ba ulit yung pasahan noong project sa Art Appreciation,” tanong ni Suzy sa akin habang busy siya sa pagtingin sa to-do list niya.
Sasagot na sana ako sa tanong niya nang maramdaman ko ang pagri-ring ng cellphone sa bag ko. Tinignan ko muna ang numero at nakitang hindi ito naka-save sa contact ko. Hindi ko agad ito pinansin dahil baka na wrong number lang ang tumatawag.
Wala pang limang minuto ay nag-ring muli ito, at saka ko lamang ito sinagot.
“Hello?”
“Good afternoon Ms. Grande. I’m Tiffany Santos from Star Entertainment. May I ask if you can come today in the studio?” It took me a minute before I was able to comprehend what I just heard.
Star Entertainment? Yung agency na pinag-modelan ko noong isang araw. Totoo ba ito? Tinawagan nila agad ako?
“Ms. Grande? Are you still there?” Kung hindi pa nagsalita muli si Ms. Tiff sa kabilang linya ay baka hindi ko na na-realize na ang tagal ko nang nakatulala.
“Yes po. I can come in the studio today.”
“Okay Ms. Grande. We will be expecting you today. Thank you!”
“Thank you!” Naputol na ang linya at hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang narinig ko. Pinababalik ako sa studio, ibig sabihin ba noon tanggap na ako?
Makikita ko ba siya ulit? Makikita ko kaya ulit yung lalaking nakapagpatibok ng mabilis sa puso ko noong isang araw? Would Ten be there just like the first time that I came in the studio?
I hope so. I hope that I can see him again because there was something in him that I want to know more.