Chapter Two

4106 Words
In the corner of his eyes ay kitang-kita niya ang humahangos na si Xianna na kararating lang sa labas ng room nila ni Riu. "O, Xianna?"he heard his friend greeted her. "Si Riel?"tanong nito. Liningon siya ni Riu. "Hanap ka?"nakasimangot na siyang pumunta sa kinaroroonan ng dalawa na nasa b****a lang ng pintuan. "Riel, it's already time. Halika na mag-lunch na tayo."yaya nito sa kanya. Hinila nito ang kanyang kamay. He felt his heart skipped when their hands touches. Napatingin siya sa magkahawak-kamay nila. "Tabi, ano ba?!"dinig niyang sigaw ni Xianna. Pag-angat ng ulo niya ay kita niya ang maraming nagkukumpulan na babae sa daraanan nila. "Pa-picture naman, Riel please.."dinig niya. Itinago siya ni Xianna sa likod nito habang hinahawi ang daraanan nila. She's always like this, protecting him sa mga babaeng tahasang magpakita ng pagkagusto sa kanya. "Xianna, ako na ang bahala sa kanila."he heard the voice of Riu at their back. "Thanks, Riu."nakangiting sabi ni Xianna. Kinuha ni Riu ang atensyon ng mga babaeng nakaharang sa daraanan nila. Riu is handsome too. Sa tangkad nitong 6'0 flat at ang matangos nitong ilong at ang singkit nitong mga mata na minana sa ama. Malakas rin ang s*x appeal nito sa mga babae kaya isang salita lang nito ay sumunod na kaagad ang mga kababaihan. Naglatag ng tela si Xianna sa lilim ng puno. Narito sila ngayon sa likod ng school building nila. Dito na sila magla-lunch dahil kung sa canteen ay di rin naman sila makakain ng maayos. Kung bakit ba naman kasi artistahin ang mukha niya. Kaya tuloy hindi na matahimik ang buhay niya sa school. Naupo siya sa may tabi habang pinapanood ang dalaga sa ginagawa nito. "Kain na tayo?"aya ni Xianna sa kanya. "Ay, teka."biglang sabi nito at may kinuha sa bag. Kumuha si Xianna ng towel at lumapit sa kanya. "Yung likod mo, basa na ng pawis."sambit ni Xianna na pumunta sa kanyang likuran at nilagyan ng towel ang kanyang likod. His heart thumped again. He's like that, every time she's near with him. He still can't explain to himself, what was that kind of feeling? Basta, naiirita siya kapag may ibang lalaking lumalapit rito. "Kain na tayo. Iinom ka pa ng gamot mo."sabi ng dalaga. He just silently eat his lunch habang nakatanaw sa malayo. "Riel?"napalingon siya sa dalaga. "Are you okay? May masakit ba sayo?"she suddenly asked. Tumigil na siya sa pagkain at uminom ng tubig. Kinuha niya ang gamot na inihanda ni Xianna at ininom iyon. Tapos ay tumayo na siya at naglakad paalis. "Hoy, teka Riel, saan ka pupunta?"sigaw ni Xianna. Hindi na siya nag-abalang sagutin ang dalaga sa halip ay dumiretso sa paglalakad ng walang lingon-likod. "Aish! Talagang ang suplado!"bulong ni Xianna habang inililigpit na ang kanilang pinagkainan. May one hour pa siyang vacant kaya heto siya ngayon sa archery club nila nagpapraktis o mas tamang sabihin, gusto niya lang pawiin ang inis na nararamdaman sa paulit-ulit na pagpana sa bull's eye. Archery club ang sinalihan niyang sports sa school kasi hindi siya pwedeng magbasketball o magkarate o di kaya sumali sa football team kaya napunta siya dito. Masyado kasi siyang maselan dahil sa dinaramdam na sakit. Kung wala lang sana siyang sakit sa puso, sana mas marami pa siyang nagagawa tulad ng mga normal na tao. Di kagaya niya na kulang na lang pati sa pagkain ay subuan na rin siya upang huwag lang mahapo. Nakakasama kasi sa kanya ang sobrang mapagod. Nang magsawa na siya sa pagpana ay umalis na siya at nagtungo naman sa library. Nagbasa siya ng mga medical books pampalipas ng oras. "Manong si Xianna, po?"tanong niya sa driver nila. "May pinuntahan lang sandali. Babalik din daw siya agad."sagot ng driver nila. Hindi na muna siya pumasok sa loob ng sasakyan. Sumandal siya sa passenger's seat sa labas para hintayin ang dalaga. Uwian na nila tapos kung saan-saan pa ito nagpupunta, himutok niya sa sarili. Maya-maya pa ay natanaw niya na ito na nagmamadali sa paglalakad. His brows arched when he saw them again together. "Maraming salamat, Riu."nakangiting wika ni Xianna na inabot ang paper bag na hawak ni Riu. "Sige una na ako Xianna, Riel."paalam ng binata. Tumango lang siya at padabog na pumasok sa frontseat. Samantalang naiwan si Xianna na kumakaway pa kay Riu. "Ba-bye, Riu. Mag-ingat ka!"dinig niyang sigaw ni Xianna. Ang saya-saya ng mukha nito kaya mas lalo siyang nainis. "Hoy, Xianna! Ano? Gusto mong magpaiwan?"inis niyang sabi. Mabilis naman na pumasok ang dalaga sa loob ng sasakyan. "Tayo na po, manong."nakangiting sabi ng dalaga. Pagdating sa bahay ay padabog na umakyat siya ng hagdanan at dumiretso sa kuwarto niya. Pahinamad na sumalampak siya sa kama. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang maramdaman niyang umuga ang kanyang kama. When he open his eyes, he saw her beautiful eyes and those kissable lips. Muli siyang napapikit. Argh! Nakalimutan niya pa lang i-lock ang pinto. Nahilot niya ang sentido. "Uy, Riel? Masakit ba ang ulo mo?"tanong nito sa kanya na hinaplos ang kanyang noo. Napaigtad siya sa ginawa nito. Marahas niyang kinuha ang kamay ng dalaga. "What are you doing, here!"bulyaw niya na hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Xianna. Bumangon siya at hinila ito palabas subalit kumapit sa may pinto ang dalaga. "Labas!"gigil niyang sabi. "No! Sandali nga lang, ang highblood mo eh." "Ano? Lalabas ka o kakaladkarin kita?" "Sandali nga lang eh. May ibibigay lang ako sa'yo."nag-puppy eyes pa ito sa kanya para lumambot ang puso niya. Binitiwan niya na ang kamay nito. Mabilis naman na kinuha ni Xianna ang paper bag na dala na di niya napansin na nasa ibabaw na pala ng kanyang kama. "Ano 'yan?"tanong niya. "Dito ka nga sa tabi ko."ani Xianna na pinagpag ang tabi. Kahit naiinis ay tumabi siya sa dalaga. Inilatag na ni Xianna sa kanyang harapan ang laman ng paper bag. Mga chocolates at love letters ang laman nun. "What is this again? Inabala mo na naman ako para lang dito?"inis niyang pakli sa dalaga. "Syempre para sayo naman to eh. Sandali may babasahin lang akong love letter. Sinulat to ni Mia ng college of journalism."umpisa nito. "Sabi niya, Dear Riel, Hi? This the word the first thing I want to say when we always meet at the corridor or in the field but until now, I can't find my voice to say it louder so I think I'll just write it to convey to you. I may not the--"hindi na niya pinatapos si Xianna sa pagbabasa at nilamukos niya na ang papel. Pinulot niya ang lahat ng mga love letters at tinapon lahat sa basurahan. "Now, get out!" "Uy, teka! Ba't mo tinapon? Di mo pa nga nababasa ang mga iyon. Sayang naman."inis na reklamo rin ng dalaga. Akmang pupulutin niya na ang mga chocolates pero mabilis siyang pinigilan ng dalaga. "Kung ayaw mo sa mga ito, akin na lang."mabilis na sabi ng dalaga at inakap lahat ng chocolates. "Ang sarap kaya nito, mukhang imported pa naman. Akin na lang, hehe.." nailing na lang siya sa sinabi nito. Alam niyang gusto lang namang hingin ni Xianna ang chocolates sa kanya marami pa itong daldal. Noon high school pa naman kasi sila ay marami nang nagbibigay sa kanya ng mga ganito. Syempre, si Xianna ang taga-tanggap at taga-kain ng mga chocolates niya dahil wala naman siyang interes na magbasa ng mga love letters. Naiinis siya sa mga babaeng hayagan kung magpakita ng damdamin sa mga lalaki. Kaya si Xianna ang sumalo ng lahat hanggang ngayon. Sabi nga nito sayang naman ang mga chocolates, wala naman daw iyong kasalanan. "Thank you, Riel."tuwang sabi nito at patakbo ng lumabas ng kanyang silid. Muli na lang siyang napasalampak ng upo sa ibabaw ng kanyang kama. "Aw! Kuya, sandali huwag mo muna akong bitiwan! Uy, teka!" dinig na dinig niyang ingay sa labas. Tinakpan niya ng unan ang ulo pero dinig pa rin niya ang tili ni Xianna mula sa labas kaya bumangon siya at lumapit sa bintana upang tingnan kung ano ang ginagawa nito. Tahimik siyang napamura when she saw hear wearing his gear at sinasakyan nito ang mamahalin niyang bike habang tili ito ng tili. Nasa likuran nito ang tito Gray niya na inaalalayan si Xianna para di ito matumba. Naroon na naman ang di maipaliwanag na damdamin sa kanyang dibdib. Bumalik siya sa paghiga at nagtakip ng unan. Sabado ngayon kaya wala silang pasok. Siguro, day off rin ngayon ng tito Gray niya kaya napasyal ito sa kanila. His tito Gray is just twenty four years old, the younger and only brother of his dad. He's an engineer just like his father. Aminin man niya o hindi, talagang ma-appeal ang tito niya. In short, guwapo rin ito. Dito kaya nagmana ang kalahati ng genes niya. At palagi iyong ipinapangalandakan sa kanya ni Xianna. After a few more minutes na nagtakip siya ng unan ay pumanaog na rin siya. Pumunta siya ng kitchen and he saw her mom preparing some food. Naghila siya ng upuan. "Riel, ikaw na muna bahala sa kapatid mo ha. May ka-business deal kami mamaya ng dad mo baka matagalan o kaya bukas na kami umuwi." sa narinig ay biglang nagpanting ang kanyang mga tenga. "She's not my little sister, ma."suplado niyang sagot. Nginitian lang siya ng ina. "O heto, kumain ka muna. Mukhang masama ang gising mo ngayon." "Ang ingay kasi nila. At sino bang may sabing pwede niyang pagpraktisan ang bike ko?" "Hayaan mo na lang iyon. Nagkakatuwaan lang sila ni Gray." Nagtagis ang bagang niya. Talagang di niya makontrol ang masidhing damdamin. "Relax. Tingnan mo, lalo kang nagiging evil prince sa itsura mo?"wika ng kanyang mama na kinurot pa ang kanyang pisngi. "Stop it, ma." "Kumain ka na lang kasi para mawala na iyang pagka-bad trip mo." Kahit nawalan na siya ng ganang kumain ay kumain pa rin siya. Ayaw niya kasing magtampo ang mama niya. "Good morning, Riel. Mabuti naman gising ka na."dinig niyang bati sa kanya ni Xianna sa bungad ng kusina. Napasimangot siya nang makita ang dalawa. Suot pa nito ang helmet niya at knee pad pati guwantes niya. And she's only wearing a short shorts. Litaw na litaw ang mapuputi nitong hita. Naupo sa kanyang tabi si Xianna samantalang sa harap naman nila ang tito Gray niya. "Akin na!"baling niya kay Xianna. Nagtataka namang tumingin sa kanya ang dalaga. Tumayo na siya at hinubad ang helmet sa ulo ng dalaga. Tumayo na rin si Xianna at hinubad ang knee pad at guwantes niya. "Sa susunod, huwag mo ng gagamitin ang bike ko!"inis niyang hagkis sa dalaga. Tapos ay padabog siyang umalis sa kusina. "Okay, lang 'yan, Xianna. Ibibili na lang kita ng bike mo."dinig niyang sabi ng tito Gray niya. Saglit siyang huminto at nilingon ang dalawa. Sana hindi na lang siya lumingon. Nakita niya kasing tuwang-tuwa na yumakap ang dalaga sa tito niya. "Talaga po, kuya. Kahit po di ako marunong mag-bike tuturuan niyo ako?" "Oo. Kapag may free time ako."nakangiting tugon ng tito niya. "Salamat po kuya. Ang sungit kasi ni Riel. Ayaw akong turuan eh!"reklamo nito. Tuluyan ng umalis si Riel at nagpunta sa kuwarto niya. Hindi niya malaman kung bakit nag-aalburoto ang kalooban niya. Alas dos ng hapon ay may kumatok sa pintuan niya. "Sino iyan?" "Ang mama mo ito, Riel." Bumangon siya at pinagbuksan ng pinto ang kanyang ina. "Aalis na ako. Si Xianna at tito Gray ay namasyal. Alagaan mo ang kapatid mo ha? Huwag mong aawayin." "Mom! Hindi ko nga siya kapatid eh! Ampon niyo lang siya! Wala akong kapatid na tulad niya!"galit niyang sagot sa mama niya. Gulat si Aya sa naging reaksiyon ng anak. Mas lumalala na yata ang pagiging masungit ng anak niya. Umupo siya sa ibabaw ng kama at niyakap ang anak. "Ok na, hindi mo na siya kapatid. Bakit ka ba nagagalit sa kanya? Dahil ba sa bike mo? Pasensyahan mo na si Xianna, talagang makulit lang iyon. Dapat masaya ka kasi di na siya tulad ng dati na di umiimik. Be nice and good to her Riel. Mabait naman si Xianna di ba? Naglalambing lang siya palagi sayo kasi ang sungit mo?"mahabang litanya ng mama niya. Inilayo siya ng mama niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Huwag mo siyang aawayin. Sige ka pag umiyak iyon, ikaw rin." "Oo na po, ma. Sige na po." "Ang gamot mo. Inumin mo, okay?" "Opo." "Si Xianna, take care of her okay?" "Opo." "Alis na ako."wika ng mama niya na hinagkan pa siya sa noo bago tumayo. "Sige na po ma." "Mag-iingat kayo. Huwag mag-aaway okay?" "Oo na nga po, ma." "Alis na ako." "Opo. Ingat kayo."ang kulit lang din talaga ng mama niya. Ngayon, mag-isa na lang siya sa mansion nila. Ang tahimik ng paligid. Tanging mga huni lang ng ibon sa labas ang maririnig. Wala silang katulong sa bahay. Tanging si Xianna lang at mama niya ang nagtutulong na maglinis sa mansion nila. Ang daddy Ash naman niya ang naglilinis ng swimming pool nila. Kung minsan ay ang tito Gray niya. Si Xianna ang foster sister niya came in the picture sa family nila when he was six years old. It's after his heart operation at matapos ikasal muli ang mga magulang niya nang maisipan ng mama niya na ampunin na lang si Xianna. Malapit ang loob ng mama niya rito dahil matagal nila itong naging kasama noong nakatira pa sila sa orphanage. Hindi naman ganito kasigla noon si Xianna. Kung ide-describe mo siya. Totally opposite siya ngayon. Siya ang batang sobrang tahimik at palagi na lang nagmumokmok sa may sulok. Matipid itong magsalita at tanging siya at mama niya at si sister Anna lang ang kinakausap nito. Iyon nga lang sobrang tipid sa pangungusap. Nagbago lang ang pag-uugali nito simula nang ampunin ng mama at papa niya. Sa pagiging malungkutin ay naging masayahin na si Xianna. At ngayon, sobrang ang daldal na nito na kung minsan ay naiinis na siya. Alas sais na ng gabi ay di pa nakababalik ang dalawa. Nagluto na lang muna siya ng hapunan nila. Nang maluto ay inihanda niya iyon sa mesa. Naupo siya sa silya at kinuha ang cellphone. He dialed her number pero hindi ito sumasagot. Napansin niyang nagsisimula na ring lumakas ang ulan sa labas. 's**t, nasaan na ba ang babaeng iyon?' he asked himself. Nag-aalala na siya kahit alam niyang ang tito Gray niya ang kasama nito. After thirty minutes na paghihintay ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas. Eksaktong pagpunta niya ng sala ay kumakatok na ng pinto si Xianna. Pinagbuksan niya ito and he silently cursed. Basang-basa si Xianna. At bakat na bakat ang suot nitong bra sa puting t-shirt na suot nito. Naiiwas niya ang paningin. "Riel." "Stay there! Huwag ka munang pumasok."utos niya. Di naman ito kumilos. Umakyat siya sa taas at sa pagbaba niya ay may dala na siyang towel. Mukhang basang-sisiw na si Xianna sa paningin niya. Lumapit siya sa dalaga at wala sa sariling pinunasan ng towel ang ulo at mukha nito. "Ba't ka nagpaulan?"umpisa niyang tanong. "Ha? Ah, kasi ni-lock ko po yung gate. Umalis na si kuya Gray. At binili niya ako ng bike."tuwang sabi nito sa kanya na ikinainis niya. Diniinan niya tuloy ang pagpupunas sa magkabila nitong pisngi. "Ouch! Riel, naman eh!" "Bagay iyan sayo!” "Ano?" Hindi na siya sumagot at pinunasan na lang niya ang mga kamay ng dalaga. "Sa susunod huwag kang magpaulan, baka sipunin ka." "Opo, kuya."natutuwang tugon ni Xianna. Inaasar na naman siya nito sa pagtawag ng kuya sa kanya. He put his middle finger in her lips to shut her mouth. Natutuwang nag-puppy eyes pa sa kanya ang dalaga. "Sabi ko sayong huwag mo akong tawaging kuya, di ba?"inis niyang wika rito. Sa halip na sumagot si Xianna ay kinagat lang naman nito ang daliri niya. "Ouch! Ba't mo ko kinagat?"inis niyang hagkis rito. "Wala lang."sagot nito. Nasapo na lang niya ang noo. She totally looks very seductive by doing that! Itinapon niya na lang sa mukha ng dalaga ang towel at tumalikod na. Pinipigil niya ang nagngangalit niyang puson. Baka kung ano pa ang magawa niya rito. "Magbihis ka na. Kakain na tayo." "Opo."tugon nito. Naihilamos ni Riel ang mga palad sa mukha. Muntik na siyang di makapagpigil kanina eh. Nangalumbaba siya sa mesa pilit na pinapahupa ang nadarama niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya, everytime she's near with him. Bakit ba tingin niya kay Xianna ay sobrang sexy nitong tingnan with her messy hair. Naipilig niya ang ulo. "Yes, kain na tayo!"dinig niyang tinig nito. Kumuha ito ng plato at naglagay na ng pagkain. Nagsimula na itong kumain na animo gutom na gutom. "Hindi ka ba pinakain ni tito, kanina?"tanong niya. Tumigil naman ito sa pagnguya at tiningnan siya. "No. I mean, kumain naman. Ang sarap kasi ng luto mo kaya uubusin ko 'to lahat."nakangiting tugon ni Xianna sa kanya. He felt his heart skipped again by what she said. Nararamdaman niya ang pagwawala nun sa kanyang dibdib. And he thinks he's blushing right now. Nag-init kasi ang magkabila niyang pisngi. Dali-dali niyang tinapos ang pagkain at tumayo na. "Tapos ka na?"tanong ni Xianna sa kanya. "Yeah. Ikaw na ang magligpit. Aakyat na ako." "Okay." He turned away at mabilis na nakaalis sa kusina. Sa labas ng kanyang bintana ay mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Humiga na siya matapos niyang mag-shower. Pipikit na sana siya nang sunud-sunod na kalabog ng kanyang pinto ang narinig. Agad siyang bumangon at pinagbuksan ang pinto. He saw her wearing a pair of pajama, with her messy looks at may bitbit na unan. "W-what-"di na siya natapos sa pagsasalita nang bigla siyang tinabig nito at dumiretso ang dalaga sa ibabaw ng kama niya. Inis na naman siyang bumaling rito. "What the hell are you doing here, Xianna?"galit na siya talaga. "Tabi na lang tayong matulog, Riel."wika nito na umayos na ng higa sa kanyang kama. Lumapit siya rito. "And why? Tumayo ka na nga dyan, bumalik ka na sa silid mo!" "No. May mumo dun. Dito na lang ako."sagot nito na nagtalukbong pa ng kumot niya. "Xianna, labas na sabi." "No. Please dito na lang ako. Ang lakas kasi ng kulog at kidlat sa labas at wala sina mama at papa. Natatakot ako, kaya tabi na lang tayo please."pagsusumamo nito. "Ayoko."sabi niyang hinila ito patayo. "No. Dito lang ako." "Hindi nga pwede sabi eh! Labas!"sigaw niya at buong lakas na hinila si Xianna kaya natumba sila pareho sa sahig. Ang posisyon nila, nakapatong sa ibabaw niya ang dalaga. Parang napapasong agad niyang itinulak ang dalaga palayo sa kanya. "Get out!"sigaw niya. Mabilis namang tumayo si Xianna at kinuha ang unan niya. Mangiyak-ngiyak itong lumabas ng kanyang silid. Pabalibag niyang isinara ang pinto tanda na galit na siya kaya huwag na huwag siyang istorbohin. Padapa niyang ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. Talagang tinatawid ni Xianna ang gahiblang pagpipigil niya sa sarili. Kaya mas lalo siyang naiinis rito. Tinakpan na naman niya ng unan ang ulo at nagtalukbong ng kumot. Pipikit na sana siyang muli nang may marinig siyang mga hikbi. Napabalikwas siya ng bangon at naupo. Pinakinggan niya ang paligid dahil baka guni-guni niya lang iyon. Subalit sunud-sunod pa na hikbi ang kanyang narinig. Padabog na siyang tumayo at tinungo ang pintuan. He opened it at nakita niyang nakaupo si Xianna sa tabi ng kanyang pinto habang nakasubsob ang mukha sa unan na dala nito. Napasuklay siya sa buhok. Ang kulit lang rin talaga nito. "What are you still doing here, bumalik ka na sa silid mo."walang tugon mula sa dalaga. Nagpatuloy lang ito sa paghikbi. My God! Ano ba ang gagawin niya rito? Napasabunot na lang siya sa ulo nang di ito kumibo. Umupo siya sa harap nito upang magpantay sila. Pilit niyang iniangat ang ulo nito. "Hoy, ano ba, Xianna?" Tinabig lang nito ang kamay niya. Tapos ay bigla na lang itong tumayo at pumasok sa kabilang silid. Naiinis na nasundan niya ang dalaga sa silid nito. "Xianna..." "Get out! Ayaw mo naman akong patulugin dun eh! Sana pumayag na lang akong matulog sa condo ni kuya Gray."wika nito. "Ano? Talagang naisipan mo talagang matulog dun?"inis niyang bulalas rito. "Oo. Sa susunod doon na lang ako matutulog pag wala sina mama at papa." "Shut your mouth, Xianna! Ba't ka dun matutulog may bahay ka naman dito!"singhal niya na. Talagang inuubos nito ang pagtitimpi niya. Mas lalo lang napaiyak ang dalaga. "D-don't try to think about it anymore."walang emosyong sabi niya. "Why? Will you let me sleep with you?"tanong nito sa kanya. Napasabunot na naman siya sa buhok. He's badly controlling his urge to wrapped her in his arms and kissed her pero mukhang parang balewala lang ang pinagsasabi nitong matutulog ito katabi siya. Di ba nito naiisip that he's a man! And she's a very gorgeous woman that no man could never resist. "Yes. Matulog ka na."malumanay niyang sagot. "Saan?"inosenteng sagot nito. "Dito. Matulog ka na. Babantayan kita." "Talaga?"sabi nito na pinunasan na ang mga luha sa magkabilang pisngi. "Yeah. Go ahead, baka magbago pa ang isip ko." "Yeey! Pumayag din siya."tuwang sambit nito na umayos na ng higa. Sa tingin niya dinaan-daan lang siya sa pag-iyak nito para mapapayag siya. Naupo siya sa gilid ng kama and watched her. Nakangiting ipinikit nito ang mga mata. Tuwang-tuwa siguro dahil ito ang nagwagi sa kanila. Tatayo sana siya para umayos ng upo when she suddenly pulled his hand kaya natumba siya sa tabi. "Don't try to escape. Sabi mo, sasamahan mo ako."bulong nito sa kanya. Napatitig na lang siya sa maamong mukha ng dalaga. "Fine."tugon niya at umayos ng higa sa tabi nito. Parang sasabog na ang puso niya sa bilis ng pagtibok nito. Bigla na lang kasi siyang hinagkan ni Xianna sa kanyang noo. "Good night!"dinig niyang sabi nito na nakapikit na ang mga mata. Siya naman parang tangang hindi makakilos sa tabi nito. Bakit ba ganun na lang kabilis ang pagtibok ng puso niya. Naisip niyang baka ganun lang iyon dahil naka-heart transplant siya. Mariin siyang napapikit at napatalikod kay Xianna. Pagiging doktor ang kinukuha niyang kurso pero di man lang niya alam ang mga ganitong feelings. Naiinis siya sa sarili kung bakit nararamdaman niya pa ang mga iyon. Siguro mga after thirty minutes pa bago siya humarap sa natutulog ng si Xianna. Mahimbing na ang tulog nito sa tingin niya. He just stare at her innocent and angelic face. Napakaganda nito at sa tingin niya hindi aware si Xianna na sobra niyang ganda. Napaka-boyish at childish kasi nitong kumilos. Hindi ito katulad ng ibang babae na aabutan ng siyam-siyam sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Hinahayaan lang nitong nakalugay ang hanggang balikat na buhok. Pulbo lang rin ang inilalagay nito sa mukha. And she has the natural pinkish cheeks at mamula-mulang labi. Napalunok siya nang mapadako ang paningin sa mga labi ng dalaga. Naipikit niya ang mga mata. Bakit ba natutukso siyang tikman ang mga labi nito. Hindi na tuloy siya mapakali sa kinahihigaan. He stiffened when he felt her hand wrapped around his waist. They were so close to each other na halos mahirapan na siyang huminga dahil sa emosyong pinipigilan. Talagang ang manhid lang rin ng babaeng ito. Wala lang kay Xianna ang mga kilos nito pero di ba talaga nito alam na sobrang pagpipigil na ang ginagawa niya huwag niya lang matawid ang gahibla niyang pagtitimpi rito. Hindi pa ito nakuntento, talagang idinantay pa nito ang mga paa sa hita niya. Diyos ko! Mukhang aatakihin na naman siya sa puso sa ginagawa ng dalaga. Kaya nga ayaw niya itong makatabi sa pagtulog eh. Siguro noong mga bata pa sila ay okay lang iyon. Pero ngayon, no way! Ang likot kasi nitong matulog at mahilig mangyakap ng katabi. Napapalunok na lang siya ng laway. Ugh! He felt something came alive down to his abdomen. Paano bang hindi, nakalingkis na kasi sa kanya si Xianna ngayon. Pilit niyang tinanggal ang paa nito pati ang kamay ng dalaga. Hindi siya makakatulog kapag ganito. Bumangon siya at inayos ang ulo nito sa pagkakahiga. Kinumutan niya rin ito saka muli siyang humiga sa tabi ng dalaga at pinagmasdan na naman niyang muli ang mukha nito. Hinawi niya rin ang ilang hiblang tumabing sa mukha nito. Hanggang natagpuan niya na lang niya ang sariling pinagnanakawan ng halik ang inosenteng anghel sa kanyang tabi. He gently brushed his lips to her. Marahan lang ang paghalik niya sa mga labi upang huwag magising ang dalaga. That would be a secret of him he would keep until forever. She is his first kiss at di alam iyon ng dalaga. Siguro ito na ang kauna-unahang gabing hindi siya makakatulog ng maayos. Kay lapit lang kasi ng tukso sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD