Napabalikwas siya ng bangon nang pagkapa niya sa kanyang tabi ay wala na ang dalaga. Tahimik siyang napamura nang tingnan ang wrist watch niya. Alas-otso na pala ng umaga. Agad siyang bumaba at iginala ang paningin sa kabuuan ng sala.
"Xianna."tawag niya pero walang sumagot. Nagtungo siya sa kusina and there he found a breakfast for him na sigurado siyang niluto ni Xianna para sa kanya. Lumapit siya sa dining table at nakita ang note na nakapatong.
It says,
Have your breakfast Prince sleepyhead. Don't find me, magsisimba lang kami ni Riu, inaya niya kasi akong magsimba and we'll gonna watch movies kaya baka late na rin akong makauwi. Take care. Don't forget to take your medicine!
Nalamukos niya ang papel matapos basahin, how dare she go out with that guy na hindi man lang nagpapaalam sa kanya! Naiinis siyang pumanhik sa kanyang silid at kinuha ang cellphone. Paulit-ulit niyang tinatawagan si Xianna pero walang sumasagot.
Nag-aalburoto na naman ang kanyang dibdib sa inis. Pasalampak siyang naupo sa kama at sinabunutan ang sarili. Kahapon si tito Gray niya ang kasama nito, tapos ngayon si Riu na naman. Talagang sumusobra na ang Xianna na iyon!
Naiinis siya sa dalaga at sa sarili.
Maya-maya pa ay lumabas na siya ng kuwarto para kumain ng agahan at nang makainom ng gamot.
Habang kumakain siyang mag-isa ay may naisip siyang bright idea! Tingnan lang niya kung di kakaripas ng uwi at iwan ni Xianna ang lalake niya.
Napa-smirk siya habang kumakain.
Matapos niyang kumain ay prente siyang naupo sa sofa sa sala. And dialed the number of Riu. Tatlong ulit na nagring iyon bago may sumagot.
Siya na talaga ang makulit.
"Hello, Riel? Bakit?"sagot ng kaibigan niya.
"S-si...Xian..na."wika niya sa nahihirapang boses.
"Teka? Why are you stuttering? Are you in pain?" Sige siya na talaga ang best actor.
Nadinig niya ang boses ni Xianna. Mukhang inagaw yata nito ang phone ni Riu.
"Hello, Riel? Ano ba ang nangyayari sayo dyan?" halatang nagpa-panic na ang boses nito, kaya ginalingan pa niya ang pag-arte.
"X-xian...na... I-I can't breathe."
"A-ano? T-teka, ano ba? W-wait...teka nasaan ba ang g-gamot mo? K-kunin mo, please uminom ka ng gamot mo Riel. Sandali lang babalik na ako dyan!"naiiyak na nitong sambit sa kabilang linya.
"O-okay, I'll w-wait for you."wika niya and end the call.
Halos humagalpak siya ng kakatawa sa sarili dahil napaniwala niya ang dalaga. Ngayon sigurado siyang pauwi na ito.
"Uy, Xianna teka! Sasa-ma-"di niya na naituloy ang sasabihin. Agad kasing sumakay ng taxi ang dalaga at pinagsarhan siya ng pinto at pinaharurot sa driver ang sasakyan. Nakita niya ang pagpapanic sa mukha ng dalaga. Nanginginig ang mga kamay nito at nangangatal ang labi. Tears also escapes in her eyes.
"Manong, bilisan niyo po! Emergency po ito!"utos niya sa driver na sinunod naman siya. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha when she saw her phone. 24 missed calls ang di niya nasagot na tawag mula kay Riel. She cursed herself kapag may nangyaring masama rito. Naroon na naman ang takot na namamahay sa kanyang dibdib. The fear of losing him again.
Pagkababa niya ng taxi ay tumakbo agad siya papasok ng bahay.
"Riel!"sigaw niya. And when she opened the door, she saw him sitting on the sofa, habang nakahilig ang ulo nito sa headrest while his eyes are closed.
Maya-maya pa ay inangat nito ang ulo and he looked at her straight into her eyes.
He has this serious look pero malamlam naman ang mga mata nito.
"R-Riel..."sambit niya at dahan-dahan na lumakad papunta sa kinaroroonan ng binata.
She hugged him tightly nang makalapit na siya rito. Nakatayo siya sa harapan nito habang isinisiksik niya ang ulo ni Riel sa tummy niya. Hinaplos-haplos niya ang ulo nito.
"I-I'm sorry..."she said between her sobs.
Nagulat rin si Riel sa biglang ginawa ni Xianna. She hugged him tightly at umiiyak ito.
His heart races again. And he feels so good being wrapped in her arms. A smile formed from the corner of his lips. He wins over Riu! Talagang iniwan ito ni Xianna, mapuntahan lang siya.
Gumanti rin siya ng yakap sa dalaga. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa beywang nito at mas hinapit pa ang dalaga close to him.
"Are you okay? Should I take you to the hospital?"tanong nito sa kanya. "Sandali, tatawagan ko sina mama at papa."sabi nitong binitiwan siya at hinanap ang cellphone sa dala nitong bag.
"No!"medyo napalakas ang boses niya kaya nagulat din si Xianna. Tiningnan siya nito wari sinusuri kung ano ang ibig niyang sabihin.
"I-I mean...huwag na. Mag-aalala lang sila. Nakainom na naman ako ng gamot. I'm okay, now."sabi niya. Oo, siya na talaga ang sinungaling.
"T-talaga?"she asked looking into his eyes.
Muli niyang hinapit ang beywang nito and hugged her.
"Yeah. I'm okay now. Konting pahinga lang siguro ang kailangan ko."he said na isinisiksik ang sarili sa dalaga. He really loves her smell.
Maya-maya pa ay itinulak na siya ni Xianna palayo.
"Stay."sabi nito sa kanya. Umalis saglit si Xianna. At sa pagbalik nito ay may dala ng face towel at maliit na batya na may lamang maligamgam na tubig.
Umikot ito sa kanyang likuran at walang pasabing inililis nito pataas ang suot niyang t-shirt.
"Hey."
"Huwag kang malikot. Pupunasan ko lang ang likod mo. Nagpapatuyo ka na naman ng pawis eh."sambit nito at sinimulan ng punasan ang kanyang likuran.
He felt the erratic beating of his heart again everytime she's near and their skin touches. Halos pigilin niya ang paghinga when he felt her hands traces its way to his back.
Napapapikit siya sa ginagawa nito. He suppressed to escape the moan from his throat.
Takte! Ano ba ang nangyayari sa kanya.
After the touching, ay pagpupunas pala ni Xianna ay na-shock siya.
"Taas na ang kamay, Riel."dinig niyang utos nito. Napalingon siya kay Xianna, question mark talaga ang mukha niya.
"Tss. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan. Bibihisan lang kita ano. Mas maganda pa rin ang katawan ni kuya Gray, ikaw payatot."natatawa nitong sabi sa kanya. He arched his brows. Kanina lang umiiyak ito, tapos ngayon, inaasar na siya. Kay bilis lang rin mag-shift ng mood nito.
"Ano? Taas na ang kamay sabi."untag nito sa kanya. Sinunod niya na lang ang dalaga. Naramdaman niyang sinuotan siya nito ng bagong t-shirt.
"Okay, you can rest na."sabi nito na hinila na siya patayo.
"Teka."pigil niya.
"Bakit?"nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Dito na lang ako hihiga."sabi niya.
"Sa kuwarto mo na lang para makahiga ka ng maayos."giit ni Xianna sa kanya.
"No! Dito na lang."hinila niya si Xianna paupo sa sofa at mabilis na umunan sa kandungan ng dalaga. Nangingiting ipinikit niya ang mga mata.
"Hoy, Riel!"tawag nito sa kanya na niyugyog pa siya.
"Huwag kang maingay, Xianna. Nagpapahinga ako."sambit niya. Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. Tss. Wala na itong magagawa. Siya talaga ang masusunod.
Ipinikit niya na ang mga mata.
Saglit pa ay naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Xianna sa kanyang balikat at paghaplos sa kanyang noo. Nag-hum rin ito ng kanta para i-hele siya.
He felt happiness just being with her.
Napangiti si Aya pagbukas niya ng pinto. Ang sarap kasing picturan ng mga anak niya.
Ang sweet kasi ng mga ito.
"Baby, ba't hindi ka pa-"
"Ssshh... Huwag kang maingay."saway ni Aya kay Ash. Natuon rin ang paningin ni Ash sa dalawa na natutulog sa sofa. Nakaupo si Xianna habang nakaunan naman sa kanyang lap si Riel. Mahimbing na pareho ang tulog ng dalawa.
"Tingnan mo Ash, ang cute lang nilang tingnan dalawa di ba?"sambit ni Aya.
"Yeah."sang-ayon naman ni Ash.
"Teka, makuhanan nga ng picture."nangingiting kinuha ni Aya ang cellphone and flash the camera sa dalawang natutulog pa.
"Sige, dadalhin ko muna itong bag ko sa taas."wika ni Ash.
"Okay."sagot naman ni Aya. Sa pag-iingat ni Ash na huwag makagawa ng ingay ay di sinasadyang nahulog niya pa tuloy ang hawak na tumbler. Nakabibinging-ingay ang dulot nun sa sobrang tahimik ng paligid. Nakagat ni Aya ang pang-ibabang labi.
"Patay."naiusal ni Ash. Mabilis namang itinago ni Aya ang cellphone nang gumalaw si Xianna. Mukhang nagising na nga ito. Kinusot pa nito ang mga mata.
"Mama. Daddy?"sambit nito. Nginitian ni Aya ang prinsesa niya.
"Ma, narito na nga talaga kayo ni dad."muli pang sambit nito na tumayo na. Nagising na rin si Riel. Agad na yumakap si Xianna sa tinuturing niyang mama at papa.
"How's my princess?"tanong ni Aya sa dalaga.
"Ayos lang naman po, ma. Pero po si Riel-"biglang tumikhim si Riel at lihim siyang sinenyasan kaya di niya na natuloy ang iba pang sasabihin.
"How about Riel?"ulit pang tanong ng mama niya.
"Ah, po. K-kasi...nagpasaway na naman po siya. Ayaw niya pong uminom ng gamot, pinilit ko pa talaga."sabi nito na pinandilatan ng mata si Riel.
"Hoy, Riel. Pinahihirapan mo na naman si Xianna."saway ni Aya sa anak. Nagkibit-balikat lang si Riel sa sinabi ng ina tapos tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng ama. Nagmano ito sa papa niya tapos humalik naman sa pisngi ng mama niya.
"Sige na, magbihis na kayo. Aalis tayo."wika ni Ash.
"Talaga po, dad?"namimilog ang mga matang tanong ni Xianna.
"Yes, princess. We'll go shopping and eat outside."tugon ni Ash sa anak-anakan.
"Thank you po, daddy."saad ni Xianna na agae na umakyat ng hagdanan upang makapagbihis.
"Ikaw Riel, magbihis ka na rin."utos ni Aya sa anak na nanatili lang nakatayo.
"Opo, ma."tugon nito na tumalima na.
"Ay, teka lang Riel."pigil niya sa binata. Narito sila ngayon sa loob ng isang sikat na mall. Nagpasama lang sa kanya si Xianna na bumili ng stuffed toy habang nasa isang restaurant ang mama at papa nila na naghihintay ng order para sa kanilang tanghalian.
"Bakit na naman?"yamot na tanong ni Riel sa dalaga.
"Sandali, may titingnan lang ako."sabi nito na hinila siya palapit sa isang appliance store.
"Ano? Balak mong bumili ng 72 inch OLED tv?"sarkastiko niyang tanong kay Xianna. Umiling-iling lang ang dalaga sa kanya at animo nangangarap na humarap sa napakalaking flat screen na tv.
"Hoy? Ano? Ngingiti ka na lang diyan na parang timang."
"No. Tingnan mo? Ang ganda ng autumn at winter di ba? Pangarap ko tumira sa lugar na may autumn at winter. Para lang kasing nasa isang story book. Napaka-idealistic ng lugar. Gusto kong maglakad sa ibabaw ng mga pulang dahon, tapos gumawa
ng snowman pagdating ng winter. At makipagbatuhan sayo ng yelo."kasiyahan ang rumehistro sa mukha ng dalaga habang sinasabi nito ang pangarap niyang iyon. Nang mapatingin siya sa screen ng tv ay napagtanto niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Autumn at winter kasi ang ipinapalabas doon. Parang screen saver lang ng computer. Natigil sa pagkunot ang noo niya at biglang lumambot ang nagmamatigas niyang puso. That is one of her dreams, he remembered.
"Tayo na Riel. Baka hinahanap na tayo nina mama at papa."sabi nito at hinila na ang kanyang kamay. Napatingin siya sa likuran ng dalaga habang nagpapatangay rito sa paglalakad.
That memories of her he always remembered.
Matapos niyang maligo ay gumayak na siya para umalis papuntang ospital. After long years na pinangarap niyang maging isang pediatric surgeon, ngayon isa na siyang intern sa hospital na pagmamay-ari na ng tita Venice niya. Yeah, connections, marami talaga ang nagagawa ang mga bagay na 'yun even if he's sick he still manage to get the course he wants. But sadly, connections is not enough to find her. It has been two years since she was gone. And he was totally insane to think about ending his life. Mabuti na lang at nariyan ang mama at papa niya na tinulungan siyang maging normal muli ang pamumuhay niya. He misses her a lot. 'Cause there's a lot of things he remembered about her.
Palabas na siya ng silid nang mahagip ng kanyang mga mata ang bow and arrow na ginagamit niya noon sa archery club.
At muli nagbalik na naman sa kanya ang masasaganang alaala together with her princess.
......
Ang gulo at ingay ng buong paligid. Di magkamayaw sa pagtili ang mga kababaihan. Mga bagay na di niya gusto.
Narito sila ngayon sa gym ng university nila at palaro ngayon ng inter-school at sa university nila ginanap. Kaya ang ingay ng buong paligid dahil marami ring taga-ibang school ang narito.
"Riel, ready ka na?"biglang untag sa kanya ng coach nila sa archery team ng kanilang university.
"Opo, coach."sagot niya.
"Be prepared. After James, ikaw na ang susunod."wika nito kaya nag-stretching na siya sa may bench nila.
"Riel!!! Galingan mo?"dinig niya mula sa kung saan. Napalingon siya at hinanap ang pamilyar na boses na iyon. Sa may bandang kaliwa sa kanyang harap nakita niya si Xianna na may bitbit pa talaga ng banner kasama ang mga kaklase nito pati na rin sina Riu at Elise na kaklase niya. Todo cheer ito sa kanya. Sinimangutan niya lang ito at tumalikod na.
"I-bull's eye mo, Riel!"dinig niyang sigaw rin ni Riu.
"Uy, Riel. Pataubin mo sila lahat!"sigaw pa ng dalaga.
Napangiti siya habang inaayos ang sintas ng kanyang rubber shoes. A very genuine smile of him. Minsan lang siyang ngumiti. And she's the reason of his smile. Ayaw man niyang aminin pero masaya siya at narito ang dalaga ngayon. Sa lahat yata ng tili na naroon. Tanging tili lang ni Xianna ang hindi maingay sa kanya. Para iyong musika sa kanyang pandinig.
"Dela Merced! Ready na! Ikaw na ang sunod."tawag sa kanya ng coach nila.
"Yes, coach!"tugon niya na kinuha na ang kanyang bow at sumalang na.
Hiyawan ang mga kababaihan nang sumalang na siya.
"Huwag kang kakabahan, Riel! Concentrate! Huwag mo silang pansinin!"dinig pa niyang sigaw ni Xianna. Di naman talaga siya kinakabahan kanina eh, bumilis lang ang pagtibok ng puso niya when he heard her voice again.
"Ang cool mo, Riel! Galingan mo!"sigaw ng ibang kababaihan.
"Tss."naiusal niya bago pumosisyon.
Hanggang magsimula na siyang tumira.
Hiyawan ang lahat nang tumama ang arrow malapit sa bull's eye. Ikalawang pana niya ay bull's eye kaya mas lalo silang nagkagulo sa kanya. Hanggang pangatlo, pang-apat at pang-lima and so on ay bull's eye! At nang matapos ang palarong iyon ay siya ang ideneklarang gold medalist sa archery.
Tuwang-tuwa na lumapit sa kanya si Xianna after niyang ma-received ang medal.
"Teka!!!"biglang sigaw nito na ihinarang ang mga kamay. Natigil naman ang ibang kababaihan na balak ring siyang sunggaban. "What?!"dinig niyang reklamo ng isang maarteng babae.
"Walang hahawak sa kanya?!"lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Tss...possessive talaga sa kanya. Pero natutuwa siya sa isiping iyon.
"Baka mawasak pa ang mukha niya sa pag-aagawan ninyo. Picture na lang one meter away sa kanya."wika nito. Ang sarap ding batukan ni Xianna, nagbigay pa talaga ng ganoong ideya.
Okay na sana eh.
"Congrats, Riel!"kiming bati sa kanya ni Elise. Kaklase rin nila ito ni Riu. Di niya alam kung ano ang ginagawa ng babae rito at wala siyang pakialam.
"Thanks."maikling tugon niya.
"Uy, Riel! Mas lalong maraming babae ang na-inlove sa 'yo kanina ah."sita ni Riu sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo. Nag-smirk lang siya rito.
Habang sa sulok ng kanyang mga mata ay kita niya si Xianna na di magkandaugaga sa pagpigil sa mga kababaihan na nais lumapit sa kanya. O, siya na talaga ang bouncer niya.
"Ano ba kayo! Huwag nga sabing lumapit. Sige, pag may mangyaring masama kay Riel, talagang makukutusan ko kayong lahat."malditang wika nito sa nagkukumpulan na mga babae.
"Hep! Teka! Walang gagalaw!"muli na namang sigaw ni Xianna.
Nakinig din naman ang mga babae. Mabilis na kinuha ni Xianna ang kanyang bag sa bench. At mula sa sariling bag nito ay naglabas ng mask at isinuot sa kanya. Samantalang naa-amused naman na nakatingin sa kanila sina Riu at Elise.
"Uy, Riu. Let's go!"baling nito kay Riu. Ano na naman kaya ang pakulo ng dalawa, sa isip niya. Walang sabi-sabing hinila na siya ni Xianna palayo sa lugar na iyon kasama sina Riu at Elise.
Humantong sila sa sasakyan ni Riu. Humihingal pa siya nang makaupo na sa passenger seat. Takte! Talagang tumakbo talaga sila kanina. Sa backseat umupo sina Xianna at Elise habang sa driver's seat naman si Riu. Syempre, siya ang magmamaneho eh.
Pinaandar na ni Riu ang sasakyan.
Sa likuran niya nakaupo si Xianna.
"Teka, Riu. Slow down. Pupunasan ko lang ang likuran ni Riel. Baka, matuyuan siya ng pawis."maya-maya ay sabi nito. Gusto niyang ipangalandakan iyon kay Riu kung gaano siya kaalaga ni Xianna pero at the same time ay nahihiya siya dahil nandun si Elise. Yeah, halos alam na ng buong campus kung kaanu-ano niya si Xianna. She is his foster sister.
At malamang mas lalo nilang alam ang kalagayan niya, that he was badly sick. Lalo na ang mga desperadang babae.
Sinipa niya ang paa ni Riu nang ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya.
"Ouch!"mahinang aray ng katabi nya. Sarap talaga nitong sapakin. Nag-menor naman ito.
Mabilis na pinunasan ni Xianna at nilagyan ng tuyong towel ang kanyang likuran. Sa pagmamadali nila kanina di na siya nakapagpalit pa ng damit.
"Mamaya ka na lang magpalit."bulong ni Xianna sa tenga niya na kanyang ikinagulat. It send thousands of bolts down to his spine. That tingling sensation makes him uneasy.
"Hoy, ano yang bulungan ninyo ha?"natatawang sita sa kanila ni Riu.
"Tse! Magdrive ka na lang."tugon ni Xianna.
"Ang sweet niyo. Kung iba ang makakakita talagang mapagkakamalan kayong magboyfriend at girlfriend."biglang komento ni Elise na kimi na namang ngumiti sa kanilang dalawa ni Xianna.
"Ito? Boyfriend ko? Tsk! Ayokong magka-boyfriend ng masungit noh? Sakit lang sa ulo. And he's not my type!"nakairap pa nitong sabi. Di niya alam pero a sudden pain crossed his heart when she said those words. Hindi na siya mapalagay magmula noon. The uneasiness he felt ay mas lalo pang nadagdagan.
Ipinarada ni Riu ang sasakyan sa labas ng isang mamahaling Japanese restaurant.
Bumaba na sina Riu at Elise pero nagpaiwan pa si Xianna.
"What?"tanong niya sa dalaga.
"Sige, na. Hubarin mo na iyang damit mo. Bibi-" he cut her words.
"Get out! I can manage on my own!"mariin at iritable niyang sabi. Oo, nag-shift na naman siya ng mood.
"O-kay."sagot nito at pabalyang isinara ang pinto.
"Ang sungit!"pahabol pa nitong sabi bago umalis.
Nakita niyang sumunod ito kina Riu at Elise.
Habang kumakain sila ay pansin niyang panay ang sulyap sa kanya ni Elise. Yeah, si Elise. Ang maganda at mala-anghel na mukha nito. Ang siyang tinaguriang muse ng college of medicine. Bagay na bagay rito ang white coat ng doktor. Halos lahat ng kalalakihan siya ang pantasya. Why? Cause she's a total package. Maganda, mabait, matalino at mayaman pa. At ngayon ewan niya at narito kasama nila ito ngayon. Kahit classmate sila ni Elise di naman sila gaanong close. Ewan niya lang kay, Riu. Baka ito ngayon ang bagong pinopormahan ng kaibigan niya, sagot niya na lang sa sariling katanungan na di niya maisatinig.
Magkatabi sila ni Xianna sa upuan habang magkatabi naman sina Riu at Elise sa kanilang harapan. Ang tahimik niya, kasi naiinis pa rin siya sa sinabi kanina ni Xianna. Tahimik din si Elise, na nakikinig lang sa daldalan ng dalawa.
"Hey, may ano ka?"maya-maya ay agaw ni Elise sa atensyon niya. Natigil naman siya sa pagsubo at tinitigan ang dalaga. And in an instant he felt her soft hands na may hawak na tissue na pinupunasan ang gilid ng kanyang mga labi. Talagang bigla siyang natigilan sa ginawa nito.
Natigil rin sa pagdadaldalan ang dalawa at napatingin sa kanila.
"Uy, I smell something fishy here."tukso ni Riu.
"Hey! Tigilan mo nga ako Riu."saway ni Elise sa katabi.
"Talaga, Riu? Ano ba'ng isda ang naaamoy mo?"painosenteng tanong pa ni Xianna. Isa pa din ito! Ang sarap pag-untugin ng ulo ng dalawa.
"Kumain na nga lang tayo."nawika na lang ni Elise. At hindi talaga nakaligtas sa kanyang mga mata ang pamumula ng mukha ng dalaga. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Nagtatanong na naman siya sa sarili.
Matapos nilang kumain ay hinatid na sila ni Riu pauwi sa bahay nila.
"Kumusta siya?"napaangat ang mukha niya nang marinig ang boses ni Xianna mula sa kanyang likuran. Nakalimutan niya na naman i-lock ang pinto. Pasimpleng umupo ang dalaga sa ibabaw ng kama niya, nakatingin sa kanya habang nakaupo siya sa silya ng study table.
"What?"confused niyang tanong.
"I mean, how is Elise with you? Ano ba sa palagay mo ang tingin mo sa kanya? Isn't she beautiful?"napamaang siya sa katanungan nito. Nalilito siya kung ano ba talaga ang tinutumbok ng usapan nila. Nakangiting nakatitig lang sa kanya ang dalaga.
"Why do you asked? Of course she is!"irita niyang sagot at ibinaling ang paningin sa laptop niya.
"Talaga?"nahimigan niya ang katuwaan sa boses nito kaya lalo siyang nairita.
"Get out!"bigla niyang sigaw! Mabilis namang tumayo ang dalaga. Akala niya, lumabas na ito pero halos mapasinghap siya nang paglingon niyang muli ay kay lapit lang ng mga mukha nila. He even smell her fresh breath.
"Congrats, Riel! Ang galing mo kanina. Proud na proud ako, sayo."maybe para sa kanya, she has the most beautiful smile. Napaigtad na naman siya when she gently brushed her lips onto his forehead bago ito tuluyang lumabas.
Alam niya, he's surely blushing right now. Sa lakas ng kabog sa kanyang dibdib, nag-aalala siya na baka nahalata na iyon ng dalaga. Napangalumbaba siya sa ibabaw ng mesa ng wala sa oras. Dinama niya rin ang magkabilang pisngi na nag-iinit pa rin. Takte, bakit ba siya nagkakaganito?
Everytime she's that close to him, pakiramdam niya sasabog na sa pagwawala ang puso niya. Mukhang abnormal yata ang puso na nai-transplant sa kanya at ganun na lang palagi ang pakiramdam niya. Mukha na siyang ewan dahil sa pag-congrats sa kanya ng dalaga. Napapangiti na naman siya ng lihim, ayaw niya lang iyon ipakita sa dalaga dahil nahihiya siya. Pagdating kasi kay Xianna, di niya maintindihan ang sarili kung ano'ng pakikitungo ang iuukol niya sa dalaga. Sobra lang kasing lambing nito sa kanya kahit awayin man niya.
Mukhang di na naman siya makakatulog ng maayos mamaya.
His mind is always occupied by the thoughts of his beautiful princess.