ALOHA woke up with her stomach churning with hunger. Agad siyang bumiling at tumingin sa wall clock na nakasabit malapit sa ulunan ng kama. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa style n’yon. It’s a modern boat sailing iron metal wall clock. Napabuntonghininga na lang siya nang makitang alas dos na ng madaling araw. Pero agad ding kumunot ang noo niya nang mapatingin siya sa kama at wala na roon si Phoenix. Bumangon siya, at mas lalong kumunot ang noo niya nang malaglag sa katawan niya ang itim na comforter blanket. Sa pagkaalala niya ay natulog siyang walang kumot sa katawan dahil naiinis siya sa lalaki. Napangiti siya. Mukhang may puso rin naman pala ang asawa niya. Medyo nabawasan tuloy ang pagkainis niya sa lalaki. Nang tumunog ulit ang tiyan niya ay tumayo na siya at lumabas

