PAGPASOK ni Aloha sa loob ng kusina ay agad niyang nakita ang dalawang babaeng naabutan niya rito kanina. Napakurap-kurap pa ang mga ito nang makita siya. Pagkuwan ay natatarantang agad na lumapit ang mga ito sa kaniya. “Ma’am may kailangan po ba kayo?” tanong nang babaeng may mahaba ang buhok at naka-ponytail. “Uh…” kimi siyang napangiti sa mga ito. “Si Nanay Susan?” tanong niya. Sabay naman ang mga itong itinuro ang pinto na malapit sa may kitchen counter. “Nasa banyo,” sabay pa ring sagot ng dalawa. Tumango naman siya at ngumiti nang tipid. Kung wala lang siyang problema ay gusto sana niya ang mga itong makausap at maging kaibigan kaya lang---agad siyang napatingin sa may pinto na itinuro ng mga ito kanina nang bumukas iyon at lumabas doon si Nanay Susan. “Ano na naman ba ‘yang

