Chapter 1: A parent's love
"Sita, gising na ba ang Sir Healer mo?"
"Don Pablo, natutulog pa."
"Natutulog? Alas nuebe na ng umaga! Iwan mo muna ang pagdidilig ng halaman gisingin mo at sabihing naririto ako."
"Sige po, Don Pablo," tugon ni Sita na binitawan ang ginagawa at lumarga na iyon.
---------
"Saglit! Huwag ka muna umalis.. `Pakiusap," wika ni Healer, habang hawak pa rin ang makinis nitong kamay. Bigla itong lumingon at sa pagkakataong iyon ay ito ang unang pagkakataon nasilayan niya ang magandang mukha ng babae.
"Sir Healer, gising.... Ipinatatawag ka po ni Don Pablo."
Humahangos siyang iminulat ang mga mata at tagaktak ang pawis niya kahit malakas ang aircon sa kanyang silid.
"Sita! `Diba sabi ko bawal ako puntahan pag natutulog ako!"
"Pasensya na po sir, utos po ng daddy mo. Nagaantay siya sa `yo sa hardin." nakatungong tugon ni Sita.
"Sige, lumabas ka na, sa susunod huwag mo ng uulitin dahil kung hindi malilintikan ka sa akin!" bulyaw ni Heler sa kasambahay. Bago lumabas si Sita bakas sa mukha nito ang takot.
Malakas niya isinara ang pinto at umupo sa gilid ng kama at nilamukos ang sariling mukha. Pagharap sa salamin ay naalala niya ang naputol na panaginip kaya`t saglit na ipinikit ang mga mata at pagkatapos tinungo ang banyo upang maligo muna bago humarap sa kanyang ama.
-----------
"Suhana, ang aga mo naman yatang aalis? `Di ba mamayang tanghali pa ang pasok mo sa trabaho?"
"Opo ma, pero may dadaanan pa ako bago pumasok," tugon ni Suhana at hinalikan ang ina sa pisngi.
"Ay siya kumain ka na muna para makasabay ka sa pagalis ng papa mo sa pamamasada ng taxi."
"Nariyan na pala ang aking mag-ina na parihong maganda," wika ni Sunny, na nakangiti habang naghahanda ng agahan.
"Ang papa talaga hindi nawawala ang pagiging bolero," ani ni Suhana sa ama at yumakap siya rito.
"Suhana, kahit noon pa man na nanliligaw sa akin ang papa mo, bolero na na talaga yan," Wika ng kanyang ina at ngumisi ito sa kanya.
"Tama na `yan, kumain na tayo! Kahit kailan hindi ako mananalo sainyong mag-ina."
Pagkatapos sabihin `yon ni Sunny niyakap nito ng ang mag-ina.
"Papa, maraming salamat sainyo ni mama dahil inampon ninyo ako. Minahal inalagaan kahit hindi naman n`yo ako tunay na anak."
"Suhana, anak. Kahit hindi kami ang totoong mga magulang mo sa puso namin ng mama mo, anak ka namin at mahal na mahal ka namin," wika ni Sunny, sabay pinunas ng dalawang kamay ang butil sa pisngi ng anak.
-----------
"Dad, good morning..What are you doing here?" kunot noo taong ni Healer sa ama.
"Di `ba dapat ako magtanong, kung bakit ganitong oras ay kagigising mo pa lang?" wika ni Don Pablo na tila dismayado sa anak.
"Dad, kung pumunta ka dito para sermonan ako.. Bumalik ka na sa Manila, ayos na ako mag-isa dito sa probinsya!"
"Healer, ayan ang hirap sa 'yo kung hindi barkada ay pambabae ang inaatupag mo! Matanda na ako at ikaw ang kaisa-isa kong anak na pwedeng asahan sa mga negosyong pinaghirapan kung itaguyod."
"Yes, dad. Itinaguyod mo ang mga negosyo ngunit nakalimutan mo na may anak kang nangangailangan ng aruga ng isang ama! Kahit noong nabubuhay pa si mommy, pakiramdam ko mag-isa lang ako na ang papel ko lang sa bahay na ito ay kailangang sumunod palagi sa mga ipinag-uutos mo!" wika ni Healer na dumilim ang mukha.
"Healer hijo, ang lahat ng pagsisikap ko sa buhay lahat `yon para sa 'yo! Mag almusal ka na at ng makalarga ka papuntang Manila. Nasabihan ko na ang mga tao ko do`n na ikaw na ang mamahala sa mga negosyo natin."
"Pero dad, wala akong alam sa pagpapatakbo ng mga negosyo mo!"
"Healer, naro`n ang Tito Grego mo para ituro sa 'yo ang lahat. Pero bago `yon, pagdating mo sa Manila puntahan mo ang ipinahanda ko para sa mga bata na salo-salo at mga regalo. Si Pedring ihahatid ka niya doon at pagdating mo naroroon na ang mga tao ko."
"Dad, naro`n na pala ang mga tao mo! Bakit pa ako pupunta do`n?" wika ni Healer sa ama habang nakatayo sa harap ng hardin.
"Simula ng tinulongan ko ang Marie Orphanage ay naglulunsad kami kada taon ng isang party para sa mga bata at nasanay na sila na palaging naroon ako every year."
"Dad, kaya ako ang gusto mong pumalit sa 'yo! Gano`n ba `yon? Alam mo naman na hindi ko ugali ang mag bait-baitan.. Wala akong pakiaalam sa mga hampas lupa na `yun!"
"Enough! Healer, that's my decision it's final!"
"Okay dad, ito na at paalis na ako! Dahil wala naman akong pag-pipilian!", wika nito na itinaas ang dalawang kamay.
Lahat pwede niyang walanghiyain pero hindi ang kanyang ama, kahit malaki ang pagkukulang nito sa kanya ay isina-alang alang niya ang kalusugan nito.
"Kumain ka na muna, habang inihahanda ni Sita ang mga gamit mo."
"Sige, dad. Hindi ka ba sasama pabalik sa mansion?"
"Dito muna ako sa probinsya. Magpapalakas dahil mas sariwa ang hangin dito kay sa Manila."
Pagkatapos sabihin yon ng ama sa kanya ay tumalikod na siya rito para pumunta ng kusina.
----------
Pagkatapos ng agahan ay nagpaalam na sila ng ama sa kanyang ina na aalis na.
"Suhana, saan kita ihahatid?"
"Papa, sa bahay po nila Andrea,"
Maya-maya ay narating na nila ang bahay ng kanyang kaibigan.
"Anak, ako ay aalis na, kung wala akong pasahero mamaya susunduin na lang kita sa trabaho mo mamayang uwian."
"Papa, maraming salamat po sa paghatid. Huwag mo na akong sunduin mamaya dahil iisa lang kami ng pina-pasokan ni Andrea, kaya mayroon akong kasabay sa paguwi."
"Gano`n ba? Siya sige anak, mag-iingat ka palagi. Love you!"
"Salamat, pa. Ikaw rin po ingat sa pagmamaneho. Love you too!"
****
"Good morning, besh. Ang aga mo naman? Mamaya pa naman ang pasok natin," wika ni Andrea, habang sinasalubong ng yakap ang kaibigan.
"Besh, alam mo naman na kailangan kung pumunta sa bahay ampunan. Samahan mo naman ako tas sabay na tayo papasok sa trabaho."
"Sige.. Sasamahan kita pero alam ba ng parents mo na pupunta ka sa bahay ampunan?"
"Hindi nga, besh. Alam mo naman na pinagbawalan na nila ako bumalik sa ampunan. Pero hindi ko matiis na hindi bumalik sa mga batang naroroon at syempre gusto ko rin makita sila Sister Grace at ang ibang pang madre."
"Nagtataka lang ako besh, kung bakit pinagbabawalan ka ng parents mo bumalik ng bahay ampunan kung saan ka nila inampon."
"Kaya nga, besh. Sa tuwing tatanongin ko sila wala sila maisagot sa `kin na dahilan. Sige na, maligo ka na at para makaalis na tayo."
---------
"Mang Pedring malapit na ba tayo sa lugar na sinabi ni dad na kailangan natin puntahan?"
"Opo, Sir Healer. Malapit na tayo."
"Sige.. Gisingin mo na lang ako pag nakarating na tayo. Idlip muna ako."
"Sige po, sir," tugon ni Mang Pedring, habang patuloy iyon sa pagmamaneho.
------------
Kung pwede lang sana niya sabihin sa anak ang totoo hindi sana ganito kahirap ang sitwasyon nilang mag-ama. Sana pag dumating ang araw na iyon ay makayanan ni Healer na harapin ang bunga ng nakaraang kasalanan ng kahapon. Hangang sa dumating ang paniningil ng kasalukuyan.
"Don Pablo, mukhang malalim ang iniisip mo?"
"Sita, inaalala ko lang ang anak ko."
"Huwag ka po mag-alala kay Sir Healer. Malakas pa sa kalabaw `yon. Ang alalahanin mo ang ang iyong kalusugan,"saad ni Sita na ngumiti pa iyon kay Don Pablo.
------------
Bigla siyang nagising dahil sa malakas na prino ni Mang Pedring. At kung wala siya suot na seat belt masubsub siya sa lakas ng pagkaprino nito.
"Mang Pedring, papatayin mo ba ako! Huh!", Malakas na sigaw ni Healer kay Mang Pedring.
"Pasensya na po sir, may biglang tumawid na babae."
"Sino na naman ang tatanga-tangang babae na `yon?"
"Bumaba kayo d`yan!" Sipa tadyak na wika ng isang babae sa sasakyan.
Hindi siya nakapag-pigil bumaba siya ng sasakyan.
"What the hell are you doing in my car?", Pabulyaw na sabi ni Healer na madilim ang mukha.
"Aba makapal rin pala ang mukha mong lalaki ka! Mas inalala mo pa ang sasakyan mo, kay sa kaibigan kung muntik mo ng sagasaan?", wika ng isang babaeng nakapamaywang at nanggagalaiti sa galit.
Magsasalita na sana siya ng may nagsalita mula sa likuran nito na umagaw pansin sa kanyang mga mata.
"Besh, hayaan mo na.. Galos lang naman ito at kasalanan ko rin naman dahil bigla akong tumawid." ani ni Suhana.
"Suhana, paano kung namatay ka dahil sa walang hiyang lalaki na ito? Hindi porket mayaman ka aatrasan na kita!" nanggagalaiti sabi ni Andrea, habang umuusok ag ilong nito sa galit.
Akmang susugurin na siya nito ay duon pa lang siya bumalik sa ulirat dahil sa pagkakatitig sa babaeng muntik na nilang masagasaan.
"Tama na miss pasensya na, walang kasalanan ang boss ko! Ako `yong nagmamaneho at hindi siya," wika ni Mang Pedring na inawat ang babaeng susugod sana kay Healer.
Tila parihong nagulat ang dalawang babae sa pag sulpot ni Mang Pedring mula sa sasakyan papunta sa harapan nila.