Buhay si Kamira? Hindi maaari, namatay na siya sa sunog noon," wika nito na halos hindi makapaniwala ng makita ang larawang ipinadala ng anak. "Honey, anong nangyayari sa'yo?" Bumalik siya sa ulirat at dun niya nakita na hawak ng asawa ang mga kamay niya. "Honey, ang mabuti pa ay matulog na tayo dahil bukas ay may trabaho pa tayo," Pagiiba niya sa usapan dahil hindi niya pwedeng sabihin sa asawa ang isang sekreto na dadalhin niya hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay. Pinulot niya ang selpon na nabasag at inilagay ito sa bulsa at matapos hinawakan niya ang kanang kamay ng asawa at sabay sila na pumasok sa silid nila. //// Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga ng mapagalitan ito ng ama. Gustuhin niya yakapin ito ngunit naisip niya na baka mas lalo lamang magalit ang ama nito. Bumali

