Chapter 24 3rd Person's POV "Emperor, ayaw mo maligo? Ang sarap ng tubig dito," ani ni Ragen. Kalahati sa katawan niya ay nasa ilog. Walang tao doon bukod sa kanila ni Lazaro. "No, ikaw na lang," sagot ni Lazaro. Nakaupo ang lalaki sa bato at pinanonood lang si Ragen na ngayon ay naghihilamos at hinuhugasan ang buhok niya. Maya-maya tumayo na din si Ragen. Basang-basa si Ragen at dahil tanging manipis lang na puting roba ang nabalot sa katawan ng lalaki bumabakat ang magandang katawan ni Ragen. Umalis si Ragen sa tubig at natutuwang lumapit kay Lazaro at sinabing hindi gaanong malamig ang tubig. Nakapako lang ang tingin sa kaniya ni Lazaro. Bahagyang lumingon si Ragen. Dumating si Laurent kasunod ang ilang kawal. Agad na lumuhod ang mga ito at nanatiling nakayuko. Wala silang n

