Chapter 25 3rd Person's POV Napatigil si Ragen matapos magliyab ang espada ni Lazaro. Ngumisi si Lazaro at sinabing ang huling nagpaiyak sa empress niya ay inuuod na ngayon. "Gusto mo sumunod," ani ni Lazaro. Inatake siya ng halimaw ngunit agad iyon naiwasan ni Lazaro. Tinalon lang ni Lazaro ang ilang metro na taas ng halimaw at ibinaon ang espada niya sa ulo ng halimaw. Pinutol ni Lazaro ang ulo ng halimaw ng ganoon kadali at hinati-hati. Hindi pa nakuntento si Lazaro dahil pinaliyab niya ito gamit ang itim na apoy hanggang sa naging abo ito. Lumingon si Lazaro kay Ragen na binitawan ang espada at yumakap kay Lazaro. Niyakap ni Lazaro si Ragen pabalik. Tiningnan niya si Colton na nakasandal ngayon sa natumbang puno. Maya-maya bumaba na ang mga kawal at sinabing effective ang mag

