Chapter 26 3rd Person's POV Nanlalaki ang matang nakatingin si Ragen kay Lazaro. Umatras ang empress at sinabing nababaliw na si Lazaro. "Paano mo nagagawang sabihin iyan? Pinagtatangkaan mo patayin lahat ng tao even iyong mga taong tapat na naglilingkod sa iyo para sa obsession mo? Lazaro emperor ka!" sigaw ni Ragen. Nakayukom ang kamao nito. Iyong tingin ni Ragen kay Lazaro— parang ito ang pinakanakakadiring nilalang na nakita niya. "Nasaan na ba ang habag mo at awa!" sigaw ni Ragen. Tumalikod si Ragen at tumakbo patungo sa pinto. Lumabas ito at malakas na sinara iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Ragen. Kahit anong gawin niya nagba-back to zero pa din ang lahat. Ang dali pa din sabihin ni Lazaro iyong word na papatayin at sisirain masunod lang ang gusto niya. Hindi niya na

