Nakangiting kumakain ako ng fruit salad, at hindi na nag-abala pang pakinggan ang mga kaibigan ko. Si Williams naman ay nasa tabi ko at medyo naiilang pa ako kapag pinupunasan niya ang labi ko. The hell! Ano ako, bata? Kaloka! "Can you please stop it, Williams. Pinamumukha mo atang dugyot ako kumain," iritableng usal ko at saka sumubo ulit. Parang nawalan tuloy ako ng gana. "Williams kasi, huwag mo nang i-baby. Galit na tuloy." "Spoiled brat iyan." "Attitude ka, girl? Buntis ka na nga, ganiyan pa rin ang ugali mo? Grabeh na 'to! Parang mas lumala pa ata." Napanguso ako sa mga banat ng aking mga kaibigan at saka marahas na tumayo at nag-martsa pabalik sa aking kuwarto. Padabog kong isinara ang pinto ng aking kuwarto, at in-locked ito para hindi sila makapasok. Pagkatapos ay ngumiti ak

