Ilang weeks na rin mula noong manyari ang pinaka-epic date sa balat ng universe at ngayon ay nandito kami sa mall para bumili ng kakailanganin para bukas sa mini french restaurant namin as an entry sa booth. Ako, Delayla, at si Aimey ang inatasang mamili ng mga ingredients, ang iba naman ay inaasikaso na ata ang mga ibang gamit na kailangan para bukas tulad ng paggawa ng karatula, mga upuan, lutuan, at marami pang iba. "Where are we going first?" "Farahley?" Tawag ni Aimey dahil hindi ko sinagot si Delayla. I'm still thinking about the food we will going to make, iyong magugustuhan ng lahat. Marami kasing masasarap na putahe, pero kailangan iyong affordable, budget friendly na mga pagkain. "Oh! Let's make four recipes for tomorrow, since medyo malaki naman ang ambagan natin." Tumango

