Napaungot ako nang makarinig ng malalakas na katok mula sa pinto ng aking kuwarto. Ang aga namang mambulabog! "Farahley, gumising ka na!" Tinakpan ko ng unan ang aking tainga at saka tumagilid ng higa. I need more sleep! "Farahley, male-late ka na!" And because of that, para akong binuhusan ng yelo at bumangon, biglang nawala ang antok ko't halos matapilok pa ako dahil sa pagmamadali na makalapit sa pinto para pagbuksan si manang. "I'm awake! Yes, yes, I'm awake!" Natawa si manang. "Buti naman. Magbihis ka na at baka mahuli ka pa sa klase." "Salamat po." Nang makaalis siya sa aking harapan ay agad kong isinara ang pinto at saka nagmamadaling kumuha ng tuwalya, pero napahinto ako nang tumama ang aking mga paningin sa aking orasan. "Manang!" Sigaw ko nang mapagtantong alas-sink

