Nakatulala ako sa engagement party invitation na hawak ko at kahit kahapon pa ito, ay hindi ko pa rin mapigilan na magulat because all this time, akala ko ay silang dalawa ni Williams. Pero I didn't know na matutuluyan silang dalawa ni Duke, at talagang magkaka-anak na sila. Bakit kasi nawala sa isipan ko ang Duke na iyon? Kaloka! Napailing na lamang ako't inilapag sa lamesa na nasa gilid ng aking kama ang sobre at saka kinuha ang laptop. Titingnan ko sa social media kung totoo ba talaga ito, siguro naman ay may mga interviews sila. Gosh! Bakit ba kasi ngayon ko lang ito naisip? Pero ano bang ina-akto ko't parang sising-sisi ako sa nangyari? Kaloka! "What the hell!" Sigaw ko nang lumabas ang video ng press conference ni Azhantry, at ang pag-announce niya na sila na ni Duke, na isa na

