I started tapping my pen over my table while waiting for our professor. Medyo iniiwasan ko ring mapalingon sa gawi ni Williams. I don't know why I feel this, pero naiilang ako! Nararamdaman ko ring napapatingin siya sa'kin kaya pinilit kong tumitig na lamang sa pen ko.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. It is because I'm comfortable when men are the first one who'll look after me? The first one who'll insist.
"Hay! Buti wala pang professor!" Napairap na lamang ako sa taong dumating.
"Why are you late?" Mahina kong tanong kay Aimey na kakaupo pa lamang.
"Wow! Teacher ka na ngayon?" Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at pabagsak na inilapag sa desk niya ang paper bag.
"Woah! Thanks!" Napailing na lamang ako at muling binalik ang buong atensyon ko sa pen.
A penny for my thoughts? Inilabas ko ang piso na mula sa bulsa ko't pinagkatitigan. Gosh! Nababaliw na ako! I can feel his stares pa rin. Bakit ba siya natingin dito?
"Uy, si Williams nakatingin dito," bulong ni Aimey at sinundot pa talaga ang tagiliran ko kaya napadaing ako.
Gosh! Alam ko namang nakatingin siya at... At... At kinikilig ako! My goodness.
"Tingnan mo! Patingin-tingin talaga siya!" Impit na sigaw niya at saka hinampas ang braso ko. Wala sa sarili ko namang pinalobo ang aking pisnge't inayos ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha.
Lihim akong napabuga ng hangin at saka seryosong tinitigan si Aimey. "Oo na! Wala akong paki!"
Gosh! Medyo nanginginig na ako. First time in history na nagkaganito ako sa isang lalaki! Ano ba 'to? Kaloka!
"Good morning." Napahinga ako ng matiwasay nang sa wakas ay dumating na ang professor namin.
Pero... Ako naman ang napapatingin kay Williams, kahit na likod lamang niya ang nakikita ko. Alam ko namang 'di siya lilingon dahil seryoso siya sa pag—gosh! Joke lang pala!
Bigla tuloy akong napatingin sa iba dahil sa biglaaan niyang pagtingin. s**t! I'm hopeless! Ano ba kasing trip ko ngayon?
Napailing na lamang ako't nagsulat ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Medyo epektibo rin naman dahil nawala ang atensyon ko kay Williams. Pero wala naman akong naintindihan sa tinuturo. Baka kulang ako sa tulog, kaya ako nagkakaganito? Dapat nga ay makipagtitigan ako kay Williams dahil hindi ugali ng isang Farahley Deraini na umiwas.
Pero anong nangyari self? Daig mo pa ang isang high schooler na may crush dahil sa ginagawa mo ngayon.
"By the way, I decided to choose Ms. Deraini and Mr. Falset to join the upcoming Mr. And Ms. College 2018." Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pangalan ko.
Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. "Po?"
"You and Mr. Falset will join the Mr. And Ms. College 2018. Each levels and courses should have a representative to join. I already wrote you on the list because I feel that you two are the best for this." Napanganga ako't hindi makapaniwala sa sinabi ng aming professor.
Is this true? Hindi naman sa hindi ko gusto dahil sa reaksiyon ko. Pero! Nagulat lang ako dahil ako pa talaga ang napili! I mean, yes I'm pretty. s**t! I didn't expect this. This is the first time I will be joining a pageant or what do you call it? And I can't help but to feel excited! At makakapartner ko pa ang isang Falset! Just what the hell! He's a hottie and of course, a campus hearthrob! I can't believe it!
"The rehearsal for the said pageant will start tomorrow morning, and exempted na kayo sa lahat ng subjects niyo. I'm trusting you two, good luck!" Tumikhim siya at saka inayos ang kaniyang salamin. "So let's go back to our discussion."
Hindi ko na inintindi pa ang tinuturo ng professor namin dahil kusa nang naglakbay ang isipan ko patungkol sa pageant, pero siguradong malalagot ako nito kapag nalaman nila mom. You know them, they want me to focus on studying. Siguradong aayaw sila 'pag nalaman nila, kaya hindi ko na muna sasabihin. Magpapatulong na lang ako kay Aimey.
Wait! What will I wear? Gosh! This is my dream! Sana ma-discover, para naman makawala ako sa kursong 'to.
But again, what will I wear for that pageant? Hindi naman ata pangmalakasan 'yon. Siguro 'yong simple lang, baka kasi mamaya ay talunin nila ang Miss World sa sobrang bongga. Kaloka!
Shit! I need to contact my designer without my mom knowing it. Close pa naman sila, sana ay mapakiusapan ko later or maybe I'll scheduled a meeting with her tommorow afternoon.
"Class dismissed!" Napahinto ako sa iniisip at napatingin sa professor namin na tuluyan nang nilisan ang classroom namin.
Ni hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa pageant. Duh! I need to be ready kaya. Bawal sirain ang tiwala ng professor namin.
"Hey girls, what do you think? Manalo kaya 'yan?" Napalingon ako kay Icey nang marinig ko ang boses niya. Lihim na lamang akong napairap at saka nagligpit ng gamit.
"Of course, no! Dapat talagang ikaw ang pinili ng professor, Icey. You're professional in joining pageants. Baka mangulelat ang level at kurso natin kapag 'yan ang pambato natin. Hmp!"
Napailing na lamang ako.
"Well, good luck to her na lang," sabi ni Icy at saka sila lumabas ng classroom.
"Sus! Huwag mong pansinin 'yon. Insekyura lang ang mga 'yon," humihikab na sabi ni Aimey at saka tumayo.
"I know. I'm pretty and confident kaya!"
"Ah... Excuse me?" Napahinto naman kami ni Aimey at saka napalingon sa likod ko. At dito ay nakita namin si Renzo Falset na nakangiti't pakamot-kamot pa sa ulo niya.
May kuto ba siya? Char! Baka nahihiya siya sa'kin. Sa ganda ko ba naman na ito ay hindi ka ba mahihiya? Hmp!
"Oh, hi!" I smiled at him and got my purse. I combed my hair using my fingers while waiting for him to talk.
"Can I come with you? You know... Para naman wala nang ilangan pa." Bigla akong napaisip at napatingin sa likod niya kung saan nakita ko si Williams na seryosong tinitingnan kami. Kaya lihim akong napalunok at kinabahan.
"O-of course!" Masaya kong sabi at wala sa sariling umangkla sa braso niya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. "You're handsome pala!"
Nakita kong napangisi si Renzo kaya lihim akong napailing at dahan-dahan ding napatingin kay Williams. "A-ah... Eh tara na!" I said in panicked and dragged them.
Gosh! Bakit gano'n 'yon makatingin? At bakit ba kinakabahan ako? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"I will buy our foods. What do you want to eat?" Renzo asked.
"Anything," said by Aimey while smiling widely.
"Just buy me anything." He just nodded at saka pumila na sa counter.
"Oh my! I can't believe na makakasama nating kumain ang isang campus hearthrob! My goodness! Is this the end of the earth?" Napapaypay pa siya sa sarili niya at saka emosyonal na kunwari ay nagpupunas ng luha.
"Ang over mo na. Tumigil ka nga."
"Oh my!" Gulat na sigaw ni Aimey at saka nanlalaki ang mga matang nakatingin sa bandang likuran ko.
"O? Ano?"
"L-look!" Nginuso niya ang nasa likod ko. "Si papi Williams may dalang flowers!"
Bigla akong natigilan at napalingon sa likod. At dito ko nakita si Williams na may dalang sunflowers. Naglalakad siya palapit dito sa puwesto namin. Nanlaki ang mga mata ko't napakagat sa aking labi. Bigla kong naramdaman ang kalabog sa aking dibdib at ang excitement.
Bibigyan niya ako ng sunflowers? But how did he know na favorite ko ang mga iyon?
"Here's your order ladies!" Biglang nawala ang atensyon ko kay Williams at napatingin kay Renzo na nilalapag ang mga pagkain.
"Waaah!"
"Oh my!"
"Nagbalikan na sila?"
"Oh my! Gosh! Bagay na bagay talaga sila!"
Bigla ay napahinto ako't unti-unting nawala ang ngiti ko nang makitang nasa harap si Williams ng ex niya at ibinigay sa kaniya ang mga bulaklak. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa aking dibdib.
Akala... Akala ko para sa'kin? So, hindi pa rin pala siya nakaka-move on sa ex niya. Tsk. Sa bagay, kung makapag-expect naman kasi ako... Naku!
"Uy teh, kain na."
"Are you okay?" Tinanguan ko lamang sila at saka nag-umpisa nang kumain.
Naiirita ako sa hindi malamang dahilan. Gosh! Mas lalo pa dahil sa mga tilian ng madlang people. Kailangan ba talagang magtilian kapag may nakitang nagbigay ng flowers?
I heard Renzo's chuckled, kaya napaangat ako ng tingin. "What?"
"You have something..." Kinuha niya ang tissue at saka pinunasan ang gilid ng aking labi. "Ang cute mong kumain."
"Ang kalat kamo!" Hirit naman ni Aimey, kaya bigla akong natawa.
"This is my first time to be with you. Pero ang bilis mo palang maka-close, akala ko ay maiilang ka sa'kin."
Ay weh? Baka ikaw ang naiilang sa'kin.
"How about me? Siya lang?"
"Of course, ikaw din Aimey. Ang kulit mo pala, hindi halata." Napabungisngis naman ako, kaya sinipa ni Aimey ang paa ko sa ilalim ng lamesa.
"By the way, pwedeng sabay na tayong pumasok bukas? I'll fetch you, para na rin sabay na tayong pumunta sa rehearsal."
Maaga nga pala ang rehearsal bukas. "Yes. I'll give you my address—"
"No need, we live in the same village. Madalas kitang makita." Napatango na lamang ako at saka humagalpak ng tawa.
"Why are you laughing?" Tanong niya. Si Aimey naman ay taka akong tiningnan.
"You're cute. You have something on your lips," I said as I saw a butter in his red lips.
"Where?" Napailing na lamang ako. Hay naku! Gusto pa ata ay ako ang kumuha.
Imbes na kumuha ako ng tissue, ginamit ko ang aking hinlalaki para punasan ang labi niya. Kusa akong napakagat-labi nang maramdaman ang pag-ngisi niya.
"Gosh! Williams! Why are you leaving! I thought you want a comeback? Williams!"
Napalingon ako sa bungad ng cafeteria nang marinig ang matinis na sigaw ng ex ni Williams. Nagkibit-balikat na lamang ako at saka kumuha ng tissue para punasan ang aking daliri.
"Let's go back na sa classroom? Five minutes na lang at mag-start na ang klase." Tumango naman kami ni Aimey at saka sabay-sabay naming nilisan ang cafeteria.
Habang naglalakad kami ay medyo nahuhuli ako dahil sa naaalala ko ang nangyari kanina sa cafeteria. Grabeh! Akala ko talaga sa'kin. Masyado ata akong assuming. Gosh!
"Ackkk—" napatili ako nang may humatak sa'kin at saka tinakpan ang bunganga ko. Pilit akong nagpumiglas. Huminto lamang ako nang tumigil siya at bitiwan ako.
Napalunok ako nang makita si Williams na seryoso ang titig sa'kin. "B-bakit?"
"Are you having fun... Flirting?" Matigas na tanong niya. Hindi ako nakasagot at titig lamang ako sa kaniya.
I... I'm speechless!
"Tsk!" Napakurap-kurap ako nang maglakad na siya paalis.
Just... Just what the hell happened?
Napatingin ako sa paligid at saka sinampal-sampal ang pisnge ko. Napa-inhale and exhale pa ako dahil sa kabang biglang naramdaman ko nang malaman na siya pala ang humatak sa'kin. Pero naglalaro pa rin sa aking isipan ang reaksiyon niya at ang sinabi niya. Ilang oras akong nakatunganga sa aking kinatatayuan nang bigla ko ulit narinig sa aking isipan ang boses ni Williams. At wala sa sariling napangisi nang sa wakas ay tuluyan nang maproseso ng utak ko ang kaniyang sinabi.
"Are you having fun... Flirting?"