chapter 1 Unang tagpo
Kasalukuyan inaayos ko ang gamit ko pauwi ng bahay namin sa may Quezon City.
Isa akong doctor ng mga bata na kung tawagin ay pediatrician at galing sa isang maayos na pamilya.
Ang hospital na pinapasukan ko ang isa sa mga negosyo ng aming pamilya na minana pa ng aking ama sa kanyang mga lolo at lola.
Ang mga magulang ko ay kapwa rin doctor ng hospital na ito.
Isang neurologist at ang aking ama at Ob-gyne naman ang aking ina.
Pero dahil tapos na ang duty ko, naisipan ko na lang na umuwi na sa bahay hanggang sa makasalubong ko si Mommy.
“Nikkie, pauwi ka na ba? “
“Opoh, Mom,”
“Hindi ka ba susunduin ni Charles? “
“Ahhh… tambak poh kasi ang trabaho niya nitong mga nakaraang araw, Mom.”
“Ganoon ba? Sige, baby girl, mag-iingat ka sa pag-uwi mo, huh…”
“Opoh mom, wag kayo mag alala sakin at isa pa malaki na naman poh ako.“
“O siya sige sabi mo eh, “ Agad ko hinalikan si Mommy sa pisngi nito, saka ako lumabas ng hospital.
Pagdating ko sa parking area ay agad kong minaneho ang aking sasakyan pauwi ng bahay, pero isang rumaragasang sasakyan ang sumalubong sa akin.
Muntikan pa ako mabangga noon, pero buti na lang ay nagawa ko pa iiwas ang aking kotse.
Nakita ko ang pagsalpok nito sa isang barrier kaya agad akong bumaba para tulungan ito.
Nang buksan ko ang pinto ng kotse, nakita ko ang isang lalaki na walang malay doon.
Tiningnan ko ang pulso nito at ok pa naman ang t***k nito, pero duguan ang buong mukha nito. Agad ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang ambulance ng aming hospital para papuntahin iyon dito.
Medyo malapit lang ang hospital dito sa kinatatayuan namin kaya mabilis lang ito makakarating.
Nang maibaba ko ang cellphone, narinig ko ang boses nito na humihingi ng tulong, kaya lumapit ako sa kanya para pakalmahin ito.
“Sir, ako po si Doctora Nikkie ng Angels Hospital. Relax lang po kayo at wag muna kayo kumilos. I relax lang ninyo ang sarili ninyo. Hintayin natin ang rescue ng hospital namin. Tumawag na ako ng tulong. Hindi kita pwede basta likutin dahil baka may iba Kang fracture sa katawan mo kaya hintayin na lang natin sila. Sa ngayon, pakalmahin mo muna ang sarili mo. Habang hinihintay natin ang rescue, hayaan mo munang lunasan ko ang sugat mo.
Hintayin mo ako at kukuha lang ako ng first aid kit.“ Agad ko tinakbo ang first aid kit na nasa loob ng aking kotse.
Naglagay ako ng latex gloves, at saka ko iyon binuhusan ng alcohol. Kumuha rin ako ng bulak, at saka ko nilinisan ang ulo nito na may sugat, at nilagyan ko iyon ng gasa para mahinto ang pagdurugo nito.
Matapos noon ay narinig ko na ang ambulance na biglang dumating kasama ang mga pulis na mag-iimbistiga sa mga nangyari.
“Mam, ano po nangyari dito? “Tanong ng isang rescue sa akin.
“Bumangga ang sinasakyan niyang kotse kanina dahil sa mabilis niyang pag-papatakbo. Nilinisan ko na ang sugat niya. Kayo na ang bahala sa kanya, ha? Dalhin ninyo siya sa hospital ng maayos. “
“Ok poh mam, kami na poh bahala sa pasyente.“ Wika ng isang lalaki. Agad nilang binuhat ang lalaki sa isang stretcher.
Pero nang dumaan ito sa aking harapan at hinawakan nito ang aking kamay. Kita ko sa mga mata nito, nahihirapan siya, pero nakuha parin nitong magpasalamat sakin.
“T-hank you.“ Tipid na wika nito kaya tanging isang matamis na ngiti ang sinagot ko sa kanya.
Nang maisakay na ito sa ambulance, ay kinausap naman ako ng pulis para alamin ang nangyari sa aksidente, kaya isinalaysay ko ang mga pangyayari sa kanila bago ako umuwi ng bahay.
Pagdating ko sa bahay ay pabagsak na nahiga ako sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ng sandaling iyon. Nang makapagpahinga na ako, ay bumangon ako para kumuha ng maiinom sa baba.
Pagdating ko sa kusina ay binuksan ko ang ref at kumuha ng fresh milk para inumin.
Nakita ko ng mag-ring ang aking cellphone, kaya agad ko tiningnan kung sino ang tumatawag.
Napangiti ako ng makita ko si Mommy na tumatawag, kaya agad ko sinagot iyon.
“Anak, kamusta? Ano ang nangyari sa iyo? Nabalitaan ko ang nangyari. May sugat ka ba? “
“Wala poh ma, ok lang naman ako.“
“Jusko mabuti naman kung ganoon akala ko may masama ng nangyari sayo, Iha.“
“Mom, wag na po kayo mag-alala. Wala po ako miski isang halos sa katawan ko. Kamusta na nga poh pala ang pasyente?“
“Ok na siya, stable na ang lagay niya pero aalis na rin ito ngayong Gabi. Para dalhin sa abroad para doon magpagamot.“
“Safe ba siya ibyahe, Mom? “
“Uo Iha, maayos na naman siya narito ang lolo niya para ayusin ang mga papeles niya.“
“Mabuti naman po, Ma,” nakangiting wika ko.
“Oh, siya sige patayin ko na ang tawag dahil may aasikasuhin pa ako pasyente.“
“Sige, Mom, “
“Good night anak, mag pahinga kana dahil marami ka pa pasyente bukas ng umaga.“
“Sige poh, ingat kayo ni daddy diyan.“
“Ok anak, I love you.“
“I love you, Mom,” nakangiting wika ko at saka ko pinatay ang tawag.
Nang mapatay ko ang tawag, ay muli akong umakyat sa aking kwarto para magpahinga.
Nag-scroll lang ako sa cellphone ng ilang sandali bago ko napag-desisyonan na maligo para matulog.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa hospital at isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin.
“Congratulations, Nikkie, nabalitaan namin ang kabayanihan mo.“
“Ano ba naman kayo? Parang iyon lang normal na lang naman sa mga kagaya natin, doctor, iyon.“
“Uo nga pero iba iyong tao niligtas mo dahil isang billionaryo iyon.“
“Talaga? “
“Yup, narinig ko kausap nila ang daddy mo kagabi at sinabi nila na magpapadala sila ng mga dekalidad na gamit sa hospital na ito.
At take note, pinangako rin nila ang malaking investment sa ating hospital sa oras na gumaling ang pasyente.“
“Wow, magandang balita iyan,”
“Talaga noh, isipin mo malaking tulong iyon sa hospital natin at sigurado ako na maraming tao may mga sakit ang magpagamot sa hospital natin.“
“Tama ka, Doc Cloe. Sigurado ako magiging sikat ang hospital natin. At mas marami tayong matutulungan."
“Hindi lang ang hospital, noh, maging ikaw, hindi na ako magtataka kung isang araw ay may mga reporters na bigla na lang dumating at interviewin ka, hindi ba, at bongga.“
“Ikaw talaga, Doc Cloe, puro ka kalokohan. Halika na nga, ibaba ko lang itong gamit ko at samahan mo na ako mag-rounds sa mga pasyente ko. At kayo, lahat bumalik na kayo sa mga pwesto ninyo.“ Nakangiting wika ko sa mga nurse at ibang doctor na naroroon.
Pagdating ko sa office ay agad ko binaba ang aking gamit at saka ko kinuha ang clipboard ko kung saan nakalagay ang mga records ng aking mga pasyente.
At saka ako lumabas ng aking opisina para simulan ang aking pag-ra-rounds kasama si Doc Cloe.
“Kamusta na nga pala iyang boyfriend mo? “
“B.C. pa rin siya sa office. “
“B.C. sa office o B.C. sa ibang babae.“
“Cloe, ano ba sinasabi mo diyan? Pwede ba tigilan ko na ang boyfriend ko?“
“Bakit ba ayaw mo maniwala sakin na may iba ang boyfriend mo? Nakita ko siya sa isang club na may kasamang babae.“
“Meroon kaba ibedensya? “
“Wala lobat ako noon eh.”
“Kita mo na wala kang ibedensya kaya paano ako naniniwala sayo?"
“Hay, naku Nikkie, kung ayaw mo maniwala, bahala ka basta pag nahuli mo siya, wag Kang iiyak-iyak sakin, huh.”
“Tsssk, bahala ka diyan basta ako alam ko mahal ako ni Charles at hindi niya ako lolokohin.“
“Akala mo lang mahal ka pero mas mahal niya ang pera mo! “
“Pera ko, paano naman napunta sa usapan ang pera ko dito? “
“Nikki mayaman ka at nag iisang tagapag mana ng hospital na ito. Pag nakasal ka sa kanya, magkakaroon na siya ng access sa lahat ng pagmamay-ari mo.
Ikaw narin nagsabi na may problema ang company nila. Paano kung gamitin ka lang niya para sa pera?“
“Naku, Cloe, tigilan mo nga ako kung ano-ano ang sinasabi mo diyan. Pwede ba tigilan mo na kami ni Charles? Alam ko loyal siya sa akin kaya malabo iyang sinasabi mo.“
Nakangiting wika ko dito at saka ko ito iniwan para tingnan ang mga pasyente ko.
Ilang beses na tinawagan ako nito, pero hindi ko na ito pinansin pa.