SAFE na uli ang career ni Vanessa, salamat kay Fern.
Sa totoo lang, kailangan niya talagang bumawi nang sobra sa binata. Bukod sa pumayag itong maging food stylist niya para sa araw na iyon, na-impress pa nito ang kanyang mga kliyente na isang malaking achievement.
Ang brand manager pa lang ng hawak na account ni Vanessa, mahirap nang i-please. Kaya nang pati ang pinaka-big boss ay natuwa, halos magdiwang na agad-agad ang kanyang buong team.
Titig na titig si Vanessa kay Fern na nakatuon ang buong konsentrasyon sa pag-a-assemble ng tatlong scoop ng ice cream sa ibabaw ng haluhalo na nakalagay sa babasaging bowl. Well, hindi talaga ice cream iyon. Gawa lang iyon sa molding clay. Kung totoong ice cream kasi ang gagamitin nila, siguradong matutunaw agad bago pa man din makuhanan ng photographer ang gusto nitong anggulo. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nila ng food stylist para sa shoot.
Napatitig siya sa guwapong mukha ni Fern. Parati namang seryoso ang lalaki at kadalasan, mukhang bagot ito. Pero nang mga sandaling iyon, kahit na blangko ang mukha ng binata, may nakikita siyang buhay sa mga mata nito. Halatang masaya ito sa ginagawa. Ah, mukhang passion talaga nito ang pagiging chef.
Fern in his I'm-a-chef-and-you-can-lick-my-body mode was also super hot, just like the other sides of him that she had seen already. God, this man was so lickable!
Pasimpleng dinilaan ni Vanessa ang ibabang labi nang lumapit sa kanya si Fern pagkatapos humingi ng break ang photographer habang inaayos nito ang lighting setup. She was hoping he didn't notice that she was looking at him like he was a steak.
I swear I'm close to jumping at his bones, pag-amin niya. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili. Vanessa Algeria, mahiya ka nga! Tinulungan ka na nga n'ong tao, kung ano-ano pa ang iniisip mong makamundong hangarin d'yan!
Kinalma niya ang sarili nang nasa harap na niya si Fern. Sana lang ay professional pa rin ang dating niya sa binata, at hindi pervert na kanina pa chine-check out ang katawan nito.
"Thank you so much, Fern," sinserong sabi ni Vanessa nang sa wakas ay bumalik na siya sa sarili. "Dahil sa 'yo, may trabaho pa 'ko."
Tumango lang si Fern. Pero sa pagkakataong iyon, bahagya nang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You owe me big time, Vanessa. Iniwan ko ang restaurant ko sa mga staff ko. While I trust their capable hands, I don't think it's a good example if the boss doesn't show up at work on a Monday."
She bit her lower lip at Fern's teasing. Parang ibang lalaki talaga ang kaharap niya nang mga sandaling iyon. Bukod sa ang haba na ng mga sinasabi nito ngayon, ngumingiti pa ito at tinutukso siya.
"You seem to be in a good mood, Fern. Nagkabalikan na ba kayo ng girlfriend mo?"
Kumunot ang noo ni Fern. "I don't have a girlfriend."
Tumaas ang kilay ni Vanessa. Pinilit niyang huwag ipahalata ang tuwa kaya hindi siya ngumiti. Sa halip, binigyan niya lang ng nagdududang tingin si Fern. "Really? 'Yong babaeng nakita kong sumampal sa 'yo three weeks ago, hindi ba't girlfriend mo siya? Madalas ko siyang nakikita sa unit mo. At sa mga pagkakataong nakikita ko kayong magkasama, mahirap naman paniwalaan kung family member siya. So don't use that excuse on me."
Okay, fine. Alam niyang nagiging masyado na siyang pakialamera. Pero ano'ng magagawa niya? Interesado siyang malaman ang relationship status ni Fern. Kung totoong single ito.
Well, single din ako. Baka naman...
"She wasn't my girlfriend," kaila ng binata sa blangkong boses. "We used to go out, but we were never exclusive. What we had was an open relationship."
Napatango na lang si Vanessa. Alam na alam niya ang ganoong setup dahil iyon din ang preference niya sa mga nakakarelasyon. Look, she and Fern already had something in common. Napangiti na tuloy siya. "Okay. I didn't mean to stick my nose in your business, by the way. Nagtatanong lang ako dahil ayoko namang may babaeng sumugod sa 'kin at sabunutan ako dahil inistorbo kita mula sa trabaho mo para lang tulungan ang damsel-in-distress mong kapitbahay."
Tumaas ang kilay ni Fern. Kung naniniwala man ito o hindi, mukhang wala itong balak ipaalam sa kanya. "If you say so."
Ngumiti lang si Vanessa. Kung anuman ang nakain ng binata para maging madaldal at friendly ito ngayon, hindi na niya itatanong. She was starting to like the Fern in his I'm-friendly-yet-I-can-make-you-come attitude. "Pagkatapos ng shoot, let me treat you to lunch para makabawi naman ako sa 'yo."
Tumango lang si Fern. Pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya nang tawagin ng art director nila para ipagpatuloy ang ginagawa nito.
Nang matapos na ang shoot, past lunch na at gutom na si Vanessa. Siguradong ganoon din si Fern na siyang may pinakamaraming trabaho na ginawa para sa araw na iyon. Pamilyar siya sa mga kainan malapit sa studio na iyon kaya siya na ang nagtanong kung ano ang gusto nitong kainin.
Dahil pareho silang nalipasan na ng gutom, pareho silang tumanggi sa ideya ng heavy lunch. Kaya napunta sila sa isang cozy restaurant na nagse-serve ng pandesal panini na may palamang sisig. Puno na ng mga customer sa loob, kaya pumuwesto na lang sila sa front porch.
Nasa pandalawahang mesa sila sa gilid ng salaming dingding kung saan may berdeng umbrella na pumoprotekta sa kanila mula sa sinag ng araw.
"Fern, again, thank you," sabi uli ni Vanessa. Tumahimik na kasi uli si Fern simula nang umalis sila ng studio hanggang makarating sila doon, kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagsisimula na kasi siyang mailang sa katahimikan bilang madaldal siyang tao.
"You don't have to thank me again and again, Vanessa," sabi naman ng lalaki, pormal na uli ang boses. "Ginawa ko rin 'to para makabawi ako sa 'yo sa ginawa mong pagtulong sa 'kin no'ng college tayo."
Napakurap-kurap siya. "Sorry, pero hindi ko naaalala 'yon. Ano bang tulong ang ginawa ko sa 'yo dati?"
"Medyo cliché, actually," pagsisimula ni Fern sa kuwento. Now, she could hear a smile in his voice. "Madalas akong ma-bully no'ng nasa college tayo. I was that tall, skinny, nerd guy that every bad boy in the class hated. Tuwing PE class natin noon, madalas nila 'kong ginagawang pader kapag nagpa-practice sila ng tennis. Hanggang sa dumating ka at pinigilan ang mga nambu-bully sa 'kin. Pinagbabato mo sila ng tennis ball, pagkatapos umiyak ka para maawa sa 'yo ang instructor natin, at para maparusahan ang mga bully. Dahil do'n, hindi na uli nila 'ko binalikan."
Kumunot ang noo ni Vanessa. Kilala niya ang sarili, kaya hindi siya sigurado kung bakit siya magliligtas ng isang kaklase na hindi naman niya ka-close. Hindi naman kasi siya nakikialam sa bullying sa school nila dati. "Talaga? Ginawa ko 'yon para iligtas ka?"
Umiling si Fern. "Hindi para iligtas ako. After that incident, you started dating the leader of the group who bullied me."
Now, that sounded like what she would have done in that situation. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagkapahiya. Naaalala na niya ang insidenteng iyon dahil ang tinutukoy ni Fern sa kuwento ay ang first boyfriend niya. "Nagpapapansin lang ako kay Timothy no'n kaya ko siya inaway, in pretense of saving a poor classmate."
Tumango lang si Fern.
Biglang nakonsiyensiya si Vanessa. "I know this is long overdue, Fern. But I'm sorry for being a jerk back then. Teenager pa 'ko no'n kaya medyo gaga pa 'ko sa idea of love. You must have hated me after that, right?"
Umiling ang binata at wala namang ni katiting na hinanakit sa mukha nito. Instead, he gave her a gentle gaze. "Iba man ang intensiyon mo sa pagligtas sa 'kin, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit tinigilan na nila 'ko. I was miserable then, being in a course that my parents forced me to take, then there was the bullying. Your little act of kindness somehow made me... happy."
Natigilan si Vanessa. Ewan ba niya pero may kung anong mainit na bagay ang nangibabaw sa kanyang dibdib dahil tinitingnan siya ni Fern na para bang ang laki ng utang-na-loob nito sa kanya.
"I believe that you served as a lucky charm to me," pagpapatuloy nito mayamaya. "After you gave me your handkerchief the day you saved me from my bullies, good things started to happen to me. Nakumbinsi ko na ang mga magulang ko na itigil ko na ang pagkuha sa Business Management dahil hindi naman talaga 'yon ang gusto kong pag-aralan. Pagkatapos, pinayagan na rin nila 'kong lumipad sa LA para mag-enroll sa isang culinary school do'n. Dahil do'n, natupad ko ang mga pangarap ko."
"'Yon ba ang dahilan kung bakit hindi mo 'ko nakalimutan kahit ten years na ang lumipas?"
Nagkibit-balikat si Fern. "Maybe. Plus, it's hard to forget a very beautiful woman like you."
Natahimik si Vanessa. Okay. Hindi naman si Fern ang unang lalaki na nagsabi sa kanyang maganda siya. Nagulat lang siya dahil ito lang ang nagsabi niyon sa paraan na parang bale-wala lang ang papuring ibinigay nito sa kanya, pero naramdaman naman niyang sinsero ito.
To say it simply, he complimented her not because he wanted to get her in bed, but because he simply meant it.
Sa sandaling iyon na tumahimik siya, na-realize niyang tumahimik din pala ang binata. He was now looking at her intently. The gentleness she saw in his eyes earlier was replaced by something more intense. He gave her the somewhat "dark look" that he had when they danced a few months ago. But it was gone as quickly as it appeared.
Tumikhim si Fern. "Now that you know my little secret, allow me to properly thank you for bringing luck to my miserable life before."
Natawa nang mahina si Vanessa dahil sa pagbibirong nahimigan niya sa boses nito. "You don't have to, Fern. Sigurado naman akong nagkataon lang ang mga nangyari."
"I insist," giit naman ni Fern. "Can I take you out to dinner tonight, Vanessa?"
Napatitig si Vanessa sa binata. Nagbibiro ba ito? Sa tingin ba nito, makakatanggi siya gayong inaya siya nitong makipag-date gamit ang bedroom voice nito?
Napangiti siya. "Well, if you insist."