5th Sizzle

1339 Words
VANESSA dolled up nicely for dinner in Fern's fancy restaurant that specialized in Asian cuisines. She wore her sexy little black dress which showed her curves in all the right places, makeup, and her new high stilletos. She kept her hair up in a loose bun. Ayon kay Fern kanina nang ihatid siya nito sa unit niya para makapaghanda, ito raw ang magiging "exclusive executive chef" para sa dinner nila. Ito raw mismo ang magluluto ng specialty nito, at ang bagong dish na hindi pa raw inilalabas sa menu ng restaurant nito. Siya raw ang unang patitikimin nito niyon bilang "lucky charm" daw siya ng binata. Pagdating niya sa restaurant, nagpakilala agad ang waiter na naka-assign sa table niya–si Ivan. Mukhang inaasahan na siya nito. Binigyan siya ng complimentary drinks at sinabing mayamaya lang ay ise-serve na nito ang mga dish na si Fern mismo ang nagluto at naghanda. Habang nasa kalagitnaan si Ivan ng pagpapaliwanag kung ano-anong klase ng pagkain ang inihanda ng boss nito, may isang babae ang lumapit sa kanila at magalang naman na nag-excuse para makausap ang lalaki. The waiter smiled apologetically at her when she turned to the other girl and accommodated the new guest. Hinayaan na niya dahil na-detect niya ang desperasyon sa boses ng babae. Base sa usapan ng dalawa, mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-usap ang mga ito. Kumunot ang noo ni Vanessa nang marinig na hinahanap ng babae si Fern, kaya napatingala siya rito. Nagulat pa siya nang nakilala ito. Nagpagupit kasi ng buhok ang babae kaya hindi niya siguro nakilala agad. Saka mas makapal na rin ang makeup nito, kumpara noong ilang beses niya itong nakita. Fern's ex-girlfriend, sabi niya sa isip na mabilis din niyang binawi. Oh, not ex-girlfriend, but his former hookup. "Pasensiya ka na, Miss Sabrina," nahihiyang sabi ni Ivan, saka binalingan si Vanessa. "Pero si Miss Vanessa ang date ni Sir Fern ngayong gabi. Sa palagay ko ay hindi ka mahaharap ng boss namin ngayon kaya kung puwede, bumalik ka na lang sa ibang araw." "Vanessa?" kunot-noong tanong ni Sabrina, saka siya binalingan. "You're Vanessa?" Marahan siyang tumango. Bilang prangkang tao, dineretsa na niya si "Sabrina." "I'm Vanessa. Do we have a problem?" "Can we talk?" sa halip ay tanong nito. Tiningnan ni Vanessa si Ivan na mukhang hindi na alam ang gagawin, kaya sinenyasan na niya ang pobreng lalaki na umalis at siya na ang bahala roon. Mukhang nakahinga ito nang maluwag at mabilis na tumalima. Pagkatapos, binalingan naman niya si Sabrina. "Join me, Sabrina." Tumango naman ang babae, saka inokupa ang silya sa tapat niya. Tiningnan siya ni Sabrina na para bang hindi ito makapaniwala na nakikita siya nito. "So you're a real person." "Excuse me?" "Vanessa," mapait na sabi nito na parang binabanggit lang ang pangalan niya at hindi dahil tinatawag siya nito. "That was the name Fern said while he was f*****g me." Okay, nabigla si Vanessa doon. Dahil sa trabaho niya na maraming "surprises" (kagaya na lang ng biglaang pagba-backout ng food stylist ilang oras bago magsimula ang shoot) ay malaking bagay na kapag may gumugulat pa sa kanya. Iyong klase ng gulat na hindi siya makapag-react. Ngumiti nang mapait si Sabrina. "When I asked Fern if 'Vanessa' was someone else he was seeing, he said no. Ang sabi pa niya, you're just a college fantasy that he could never have. Of course, I didn't believe him. Pero nang komprontahin ko siya, he coldly reminded me that we were not officially together so if he was seeing someone else, it was none of my business. Then he said we should stop seeing each other." Nangilid ang mga luha nito. "Too bad because I had already fallen in love with him. He tried to apologize to me, pero masyado na 'kong nasaktan." Sa totoo lang, walang pakialam si Vanessa sa mga drama ni Sabrina. Well, naaawa siya rito dahil babae rin naman siya. Pero kasalanan din naman nito ang nangyari. When you enter a casual relationship (also known as non-relationship, no strings attached, friends with benefits, etc.), you are not supposed to fall in love with your f**k buddy. That was the rule. Break it, then it was game over. Nang mga sandaling iyon, isang linya lang sa mahabang litanya ng babae ang tumatak sa isip ni Vanessa. "Vanessa... that was the name Fern said while he was f*****g me." Did Fern really call Vanessa's name while he was f*****g someone else? Did he close his eyes and imagine it was her who was naked beneath him and moaning his name and not this crybaby? Did he want her that much? f**k. That was hot. Very, very hot. Isipin pa lang niya na siya ang nasa isip ni Fern kahit ibang babae ang ka-s*x nito, nag-iinit na ang kanyang buong katawan. Lalo na sa parte na mukhang kailangang-kailangan na ang atensiyon ng binata. Fuck you, Fern. I'm getting wet here! reklamo niya sa isip, pero mabilis ding nawala lahat ng protesta niya nang sa likuran ni Sabrina ay nakita niyang nakatayo ang guwapong-guwapong si Fern. Base sa gulat at pagkapahiya na nakita niya sa mukha ng binata, narinig nito ang lahat ng sinabi ng babae. Pero nang bumaba ang mga mata nito sa suot niya, partikular na sa kanyang cleavage, ay biglang nag-init ang tingin nito. Mas lalo din tuloy siyang nag-init. Ah, s**t. f**k me, Fern. "Pumunta ako rito para sana makipag-ayos kay Fern," pagpapatuloy ni Sabrina na ngayon ay humihikbi na at pinupunasan ng tissue ang mga luha. "But you're here now..." "I'm sorry, I can't listen to your s**t anymore," nagmamadaling sabi ni Vanessa, saka siya tumayo at dumeretso sa labas nang hindi tinatapunan ng tingin si Fern. Mabilis na lumabas siya ng restaurant at nagtungo sa car space. Pero nanginginig ang kanyang mga kamay sa paghahanap ng susi ng kotse sa clutch bag niya kaya natagalan siya. Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang balikat. Napapikit siya nang masamyo ang pabango ni Fern na ngayon pa lang ay paborito na niya. Gustong-gusto na niyang humarap sa binata, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa kasi siya kalmado kaya hindi niya alam kung ano ang puwede niyang magawa. Like ripping his clothes off and licking his body right then and there. "Vanessa," he said in a hoarse voice laced with guilt. "I can explain. Don't hate me, please." Hate him? Nagbibiro ba siya? Malayong-malayo sa "hate" ang nararamdaman ko para sa 'yo ngayon, Fern Fletcher! Pumihit si Vanessa paharap kay Fern. Dahil sa mga nalaman niya nang gabing iyon, hindi na "kaibigan" ang tingin niya sa binata. Matagal niyang pinigilan ang sarili dahil may respeto siya sa mga nagiging bahagi ng barkada nila. Pero kung para sa lalaking ito na pinag-iinit nang ganoon katindi ang kanyang katawan? Puwedeng kalimutan ni Vanessa ang prinsipyo niya. "Do you want me, Fern?" "Yes, Vanessa," mabilis at halos pabulong na sagot ni Fern. "I want you. So damn much." Ah, ngayon ay naiintindihan na niya kung ano ang ibig sabihin ng tinging ibinigay sa kanya ng binata nang gabing nagsayaw sila. That fleeting look was sheer want. "s**t, Fern. Bakit ngayon mo lang inamin? What took you so long?" Nagmura si Fern na parang nakikipagtalo pa sa sarili, pero mabilis din itong humakbang palapit sa kanya para halikan siya sa mga labi. Dumeretso ang isang kamay nito sa kanyang batok, habang ang isa naman ay pumulupot sa kanyang baywang. Kinabig siya ng binata palapit sa katawan nito. Nanunuksong dinilaan nito ang mga labi niya para maghiwalay ang mga iyon. Pagkatapos ay marahan naman nitong kinagat ang kanyang ibabang labi. She kissed him back. Bahagyang ibinuka pa ni Vanessa ang mga labi at sinamantala iyon ni Fern para ipasok ang basa at mainit nitong dila sa kanyang bibig. The next thing she knew, she was moaning softly when he kissed her harder and deeper. "Sorry for taking my time," bulong ni Fern sa pagitan ng mga halik. "I'll make up for the lost time, promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD