PAGKADATING nila sa baguio ay hapon na, unti-unti nang bumababa ang araw at hindi mapigilan ang sariling mapatingin sa kalangitan sabay pikit ng kanyang mga mata. “Sana’y magin maayos ang lahat habang narito ako,” mahinang hiling niya. Marami na kasing nangyayari sa buhay niya at hindi niya lam kung makakaya niya pa tumanggap ng isa pang problema. “Marie?” pukaw ni Diablo sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay kaya’t napatingin siya sa lalaki nasa terminal sila. Marahan siyang tumango, wala namang silbi kung magmukmuk siya kaya’t i-enjoy na lamang niya ang kanyang biglaan na pagbabakasyon sa may lugar ng kanyang ex-boyfriend. “Mas mabuti na din na sa kanya ako manatili kaysa mapunta ako sa demonyong iyon.” mahinang bulalas niya. “Hindi ka na ba nahihilo o nasusuka? May malapit na p

