Kabanata 50 PUMASOK ang sinasakyan nila sa may kalakihang pulang gate, dumirekta si Diablo sa may garahe. Nang tumigil na ang sasakyan ay akmang aalisin niya ang kanyang seat belt nang pigilan siya ni Diablo. “Bakit?” tanong niya sa binata. “Mauna ka nang lumabas, Ryan. Mag-uusap lang kami nitong asawa ko,” seryosong sabi ni Diablo kay Ryan. Narinig niyang bumuntonghininga ang lalaki. “Sige, mauna na din ako sa loob.” “Sige, huwag mong sasabihin ka nila about kay Marie dahil ako ang magsasabi,” giit ni Diablo na pinagtaka niya. Ano ang pinagsasabi nito? Bakit nito sinasabi kay Ryan ang bagay na iyon at sino ang sinasabi nito na huwag sabihan ni Ryan tungkol sa kanya? Hindi kaya’t mga magulang ng lalaki? Nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip. Akala ba niya ay nasa manila ang mga ma

