Mabilis na sinara ni Julia ang pintuan ng opisina ni Don Lucio nang siya’y lumabas. Pormal lang siyang nag-paalam para sa pag-alis nila ng kanyang pamilya sa Hacienda de San Martin. Pilit siyang pinipigilan ng matanda pero naging matigas siya sa desisyon niya, sinubukan niya ring itago ang pagka-muhing nararamdaman niya sa Don at pinigilan ang sariling isumbat ang katotohanang nalaman niya tungkol sa pag-patay nito sa kanyang ama,. “Mag-hintay ka lang, Don Lucio San Martin. Babagsak ka, kasama ng buong Haciendang ‘to” mapait na bulong ng kanyang isipan habang naglalakad siya patungo sa grahe kung saan naka-lagak ang sasakyang gagamitin nila papunta ng bayan para doon na manirahan, at para makapag-aral sila ni Ella. Sinisiguro ng dalaga na sa kanyang pag-babalik, bulag lang ang hindi mamam

