Nag-unat ng katawan si Julia matapos ng kahindik-hindik na company report na kanyang tinapos. Buong gabi niyang pinagpuyatan ang mga dokumentong iyon para maipasa sa chairman on board. Mamaya na kasi ang dating ng pinaka-malaking investor nila, at siya ang inaasahan ng CEO na maka-kumbinsi sa mga ito na mag-invest sa kompanya nila. Napa-iling na lang ang dilag nang matuon ang atensyon niya sa kalendaryo, ika-labing dalawa ng Enero ngayon. Ang araw na tutungtong siya ng ika-dalawampu’t anim niyang kaarawan. Pitong taon na mula nang lisanin niya ang kasuklam-suklam na lupain ng mga San Martin. Ngayon ay nasa Maynila siya, naka-tapos ng pag-aaral at matiwasay na naninilbihan sa isang umaasensong kompanya. Lahat ay nasaayos mula noong nagpagdesisyonan niyang baguhin ang takbo ng buhay nila ni

