bc

Doppelganger

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
curse
mystery
multiverse
another world
disappearance
illness
secrets
like
intro-logo
Blurb

Iris Llana Dela Costa and her family moved into another place. There she found a strange and mysterious gadget called TeleVerse, and met her other version in another reality, who will soon also take her own life.

chap-preview
Free preview
I - Casa Dela Costa
Pagkakabasa ko sa malaking sign sa may gate ng bahay na lilipatan namin. We're here at Merionnes, ang province ni Papa. Ang bahay na ito ay malaki na parang mansion na rin, pero malaki ang family ko so this is just normal for us. Ang bahay na ito ay malapit lang sa may dagat which I kinda like, malapit lang din kasi ang resort house na pagmamay-ari namin dito. Kaya siguro dito rin nilang naisipang lumipat. I just shrugged eventhough I’m not bothered. Moving into another house seems to be quite messy and difficult but I find it interesting, since this is a new place. Parang nagsisimula kami ng panibagong buhay. New place, new people. Excited akong makahanap ng panibagong adventure at mga makakasama sa lugar na 'to. Ano naman kaya ang matutuklasan ko rito? ———————————————————————— "Iris, pwede ba tumulong ka naman dito." Narinig ko ang nagmamagaling kong nakakatandang kapatid. Si Ate Hera, she's my second eldest sibling. Lima kaming magkakapatid, and I'm in the middle. Natauhan na ako at tumulong na lang. Actually, bukas pa ililipat ang mga gamit namin. Maglilinis at aayusin muna namin ang buong bahay para pagdating bukas ay ilalagay na lang ang mga gamit. Tiningnan ko ang loob ng bahay. Medyo naging mukhang modern na ito kumpara noong una naming pagbisita rito. Nirenovate ni Papa ang bahay para naman daw kaaya-aya tingnan. Ang theme ng bahay ay cream color and some coffee colors, ata ang mga ito. Dati naman ay purong brown and red ang kulay ng bahay, binago nila. Pagpasok, sa kanan ay may pader agad at sa kaliwa ay may hagdanan pataas. Naglakad ako pa-diretso at bumungad paglagpas sa hagdanan ang malaking living room. Napatingin naman ako sa kaliwa at sa kabilang gilid ay may pinto ito, at sa kabila naman ay parang hallway. Dumiretso ako roon at nakitang may mga pinto rin, at another hagdanan pataas ulit. "Dito ang laundry room, at tatlong guests room," wika ni Manang Lora. Nagulat pa ako dahil sa pagsulpot niya. ‘yong laundry room ata ay ‘yong malapit na sa pinto na palabas din. Binuksan ko iyon at tama nga dahil labas na ito. Bumalik ako sa malaking living room at dumiretso naman sa kabilang hallway, nakita ko ang dining room at katabi n'on ay ang malaking kusina, may mga pinto rin doon. Siguro mga kwarto para sa storage and other things like room ng mga kasambahay. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang hagdanan pababa. Namangha ako dahil may basement pala rito. Bumalik na ako sa malaking living room at umakyat naman sa taas. Malaki rin ang second floor, bumungad ang mas maliit na living room at mga kwarto. Naabutan ko sila mama roon na nag-aayos. "Oh, ituturo ko na sa inyo ang mga kwarto niyo. Wala nang mag-aaway kung kanino ang para sa kanino dahil magkakasing-laki lang ang mga ‘yon, okay ba?" saad ni Mama. Tumango naman ang mga kapatid ko. Si Mama ay sobrang maasikaso pagdating sa bahay at pagnenegosyo. Ang palagi niyang natututukan sa aming magkakapatid ay si Kalliope, dahil siya ang bunso. Si Kalli ay 8 years old habang ang pang-apat kong kapatid na si Jason naman ay 13 years old. I'm 16 years old, and si Ate Hera naman ay 19 years old. Ang panganay naming kapatid na si Kuya Gelos ay 23 years old na at nasa Manila nakatira. But sometimes, umuuwi pa rin naman siya dito. Si Papa naman ay busy sa trabaho namin sa resort at iba pang businesses. Pero minamake sure pa rin niyang nakakasama kami everyday kaya umuuwi siya nang maaga as much as possible. Masasabi kong marangya ang buhay namin, masaya kaming buong pamilya at walang kahit na anong away or what. I'm happy and contented with what I have and in who I am today. Pagkatapos magpaliwanag ni Mama, pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Malapit ako hagdanan na nakalocate sa may taas ng laundry room. Napatingin naman ako sa katabing pinto ng kwarto ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa'kin ang hagdanan na pataas. Oh wait, there's a third floor? "Attic 'yan, anak. Mamaya mo na 'yan asikasuhin dahil masyado pang maalikabok d'yan. ‘yong kwarto mo na muna ang pagtuunan mo ng pansin," Mom said. Sinara ko na ang pinto na ‘yon at pumasok na sa kwarto ko. Pagpasok ko, wala pang furnitures ang loob nito. It's empty and dusty. Medyo malaki pa ang kwarto, I think because it's empty. Siguro ‘yong kaunti ng space ay gagawin kong walk-in closet. Nilinis ko na ang kwarto ko for how many hours, pininturahan ko rin ito ng favorite kong color which is purple and put some decorations on it. It looks cute and aesthetic tho. Pagkatapos kong maglinis, naabutan ko ang mga kapatid ko na nakatambay sa may living room na nandito sa second floor. Nagmemerienda pa sila, and guess what. Hindi man lang ako tinawag! So unfair. "Hoy, hindi niyo man lang ako tinawag ah!" sigaw ko sabay upo sa tabi ni Jason na kumakain ng sandwich. Kumuha ako ng isa sa may maliit na table. "Ikaw din pinakamabagal mag-ayos," saad naman ni Ate Hera. "Whatever," I said while chewing my sandwich. Nandito rin pala si Kuya Gelos, tumulong din siya since kailangan niya rin namang ilipat ang mga gamit niya rito. May sariling kwarto pa rin siya at umuuwi pa rin naman kapag gusto niya. Nakatutok sa kanyang laptop si Kuya na mukhang busy sa kanyang work. Kakagraduate lang niya ng college, BS Accountancy ang kurso niya. And kakatanggap pa lang niya sa trabaho niya after niyang makapasa sa board exam. Masasabi kong si Kuya ang pinakaclose ko pagdating sakanila, dahil siya ang palagi kong nakakausap dati. Ngayon na palagi na siyang wala rito sa bahay, medyo hindi na rin kami masyadong nakakapagbonding together. Si Ate Hera naman ay 2nd year college at Mass Communication ang kursong kinuha niya. Siya ang tipo na masungit at maarteng kapatid. I just said it, palagi kaming hindi magkasundo ni Ate pero minsan ay nagkakasundo naman kami kapag may deal na napag-uusapan. Palagi niya kasi akong inaasar at pinapahiya sa harap ng maraming tao. Hindi ko siya gets, kulang siguro siya sa aruga. Anyways, kahit na gan'on ay wala naman akong literal na sama ng loob sa kanya. Hindi naman kami umaabot sa sakitan at heavy bully. Tumingin naman ako kay Jason na siyang nakaubos ng natitirang sandwich, naglalaro siya ng game sa kanyang nintendo switch. Itong batang 'to ay masyadong masiba sa pagkain. Puro online and video games ang inaatupag at pagkain na rin. Buti nga't hindi siya tumataba kahit anong kain ang gawin niya, he also wears eyeglasses dahil malabo na ang mga mata niya. "Hala, wala nang sandwich? Mama!" I saw Kalli shouted and cried looking for Mom. Naubusan na siya ng pagkain dahil naubos na ito ni Jason. Si Kalli ay spoiled pagdating sa mga material things, dahil alagang-alaga ito ni Mama. Hindi ko naman sinasabi na si Kalli lang ang inaalagaan ni Mom, pero may sariling yaya pa siya so talagang alagang-alaga siya dito sa bahay. Nabibili lahat ng gusto niya, especially dahil marami siyang matatandang kapatid. Pero kahit na spoiled siya, never naging problema ang ugali niya. Kapag hindi na niya nagugustuhan ang toys niya ay pinamimigay na niya ‘yon sa iba. She's a good child and so adorable. Siya ang pangalawa kong pinakaclose, at sa tingin ko kapag lumaki siya ay siya na rin ang magiging pinakamalapit kong kapatid. Bumaba na kami nang tawagin kami ni Papa. Sabi niya ay tapos na raw ang paglilinis ng buong bahay. Sumilip ako sa bintana and I just realized that it was already night. "Pa, I have a question. Bakit kailangan pang baguhin ang ayos ng buong bahay kung pwede namang linisin na lang ‘yon?" tanong bigla ni Ate Hera. "Ganito kasi ‘yon, ang sabi ng caretaker dito ay masyado nang luma ang bahay at matagal nang hindi nagagamit. Ang alam din niya, may past ang bahay na 'to," kwento ni Papa. "Past? What do you mean?" ulit ni Kuya Gelos. "Hindi magandang nakaraan," paglilinaw ni Papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook