III - TeleVerse

1193 Words
In a blurry night vision, I see myself running. It’s like I’m being chased by something. Basta takbo lang ako nang takbo. Hanggang sa mahulog ako sa isang bangin. Hindi naman ako nasaktan, agad akong bumangon at tumakbo pa rin. Takbo lang nang takbo. Napatigil lang ako nang may makabangga ako. Tiningnan ko ang babae. Nagitla ako nang makita ko ang sarili ko. Tumakbo lang siya nang tumakbo na parang may humahabol sa kanya. Habang ako ay nagtataka kung ba’t siya tumatakbo. Gayong wala namang humahabol sa sarili ko? ————————————————————————— Napasinghap ako nang tuluyang magising. Kinapa ko ang leeg ko para tingnan kung nandito ba ang pendant ko. Nahawakan ko ang pendant. Oo nga, nandito nga. Nawala ba ito? Tumingin ako sa paligid. I just realized na nandito na pala ako sa bagong kwarto ko. Tuluyan na akong kumalma. My dream is weird. Medyo magulo, dahil nakikita ko raw ang sarili ko? I shrugged. Maybe it's a third person's point of view? Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa CR na malapit sa kwarto ko. Nagshashare kami ni Kuya Gelos, Ate Hera, at Jason dito, habang sa kabilang CR ng second floor naman ay sina Mama at Papa, at Kalli ang nagshashare. Nagskin care na ako at nagtoothbrush para mukha naman akong maayos. Nagpalit din ako ng damit. Bumaba na ako at tamang-tama na naghahain na ng almusal. Being in a big family is really loud and messy. Buti nga ngayon na malalaki na kami, hindi kagaya dati n'ong mga bata pa lang. At least ngayon ay medyo messy na lang, pero maingay pa rin. "How's your sleep?" tanong sa'min ni Papa. "It's quite good, komportable ang kwarto ko. Kung pwede lang umuwi dito gabi-gabi," kwento ni Kuya. "Don't worry. On your birthday, we'll buy you a car," kalmadong saad ni Papa. Mukha namang tuluyang nagising si Kuya dahil sa balita ni Papa. "Really, Pa?" tanong ni Kuya na mukhang nanalo sa lotto. Tahimik lang na tumango si Papa habang si Mama naman ay nakangiti. "Hay, sana all!" singit ni Ate Hera habang nasandok ng fried rice. "Si Ate, nagpaparinig! Baka maunahan ka pa ni Ate Iris mabilhan. Mas matataas grades niya kaysa sa'yo," asar naman ni Jason kay Ate Hera. Sumama ang tingin ni Ate Hera kay Jason at sa'kin. "Ano? Nananahimik lang ako rito," irap kong saad habang tahimik na nakain ng almusal. "Di hamak nga na mas matataas ang grades niya or niyo, whatever. Pagdating niyo naman ng college, mararanasan niyo ring bumagsak! Hwaha!" saad ni Ate Hera. I guess gan'on talaga kapag kolehiyo. "By the way, Jason and Iris, maghanda na kayo dahil mamaya ay pupunta tayo sa school na pag-eenrollan niyo," remind ni Mama. Tumango lang kami ni Jason. Nang matapos na kaming kumain, si Papa ay dumiretso na sa kanyang opisina habang si Kuya Gelos ay bumalik na sa Manila. Naiwan kami rito, at ako naman ay dumiretso sa aking kwarto para maligo na't mag-ayos. When I finished taking a bath, dumiretso ako sa walk-in closet ko nang may mapansin na chest box. "Hala?" saad ko. Naalala ko, pumunta pala ako sa attic at kinuha itong box na 'to. Nagmadali akong nagbihis at pagkatapos ay dinala ko ang chest box sa may tabi ng kama sa lapag. Dahan-dahan kong binuksan ang chest box, at bumungad sa'kin ang mga bagay na 'di ko ineexpect na makikita ko. Pinulot ang radio na nakabukas, siguro ito ‘yong maingay kagabi. Nilapit ko pa sa tainga ko ang radyo para pakinggan kung may maririnig ba akong malinaw pero wala naman. Pinagmasdan ko ang hitsura ng radyo na 'to. I must say that this is not a modern radio, it looks very old. Pero ang pinagtatakhan ko lang, bakit nagana pa rin 'to? Hinanap ko naman kung may battery ba 'to or saksakan, pero wala naman. Wala itong battery, tumayo tuloy ang balahibo ko. Itinago ko na ang antenna at biglang tumahimik ang radyo. Dahil lang sa antenna kaya nakakareceive ng signal ang radyo na 'to? Itinabi ko na muna ang radio at pinakialaman naman ang iba pa. I just realized na radio lang ang tanging bagay na nalalaman ko rito. May old technology things ang nandito na hindi ako familiar, except sa isang bagay na nakapukaw ng atensyon ko. It looks very new na parang hindi pa nagagamit. Nagtaka ako nang ilabas ko ito, it looks like a tablet or ipad na anyong picture frame dahil sa style nito. May malaking button ito sa gilid ng baba. Pagkatingin ko naman sa gilid, nagulat ako nang makita ang telepono. Kumunot ang noo ko. What the fudge is this? Medyo makapal ang likod ng bagay na 'to, parang television na luma pero hindi naman sing-laki n'on. Sa gilid may buttons din pero kaunti lang, I think this is for the telephone? I'm confused about this gadget. Is this a new trend or what? TeleVerse Dinukot ko ang isang papel na nakasulat sa tabi ng gadget na 'to. Find yourself in a different place. Huh? I laughed as I read that note. Ano raw? Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi nito. Itatabi ko na lang sana ang TeleVerse na gadget nang aksidente ko naman itong mapindot. Napasinghap ako. Biglang may nagflash na light sa may mukha dahilan para matumba ako nang kaunti, nabitawan ko tuloy ang gadget. Tumingin ako roon, nakita ko ang monitor na nakastatic at parang T.V. na naghahanap ng channel. Natakot naman ako dahil baka mamaya may biglang jumpscare pala sa gadget na 'yan. Mas lalo naman akong kinabahan nang mag-iba ng frame background ang monitor. Lumalit ako para tingnan ang monitor, may nakita akong background ng living room. That place looks familiar, pero kakatwa dahil first time ko pa lang naman 'to makita. Jamais vu? Nagitla ako nang may babae akong nakita sa monitor, pinakinggan ko kung anong sinasabi niya sa gilid. "Salamat po sa bagay na 'to, makakaasa kayong aalagaan ko ito," rinig kong saad niya. "Hija, paalala ko lang sa'yo na hindi 'yan pangkaraniwang na kagamitan. Maaari mo 'yang magamit kapag kinakailangan mo," saad naman ng kausap ng babae. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Hanggang sa nagulat naman ako nang humarap ang babae sa'kin at nakita ko ang mukha niya. Nakita kong nagulat din ang babae nang makita ako. Teka, nakikita niya ako!? S-she looked exactly like me! Tumayo ang mga balahibo dahil doon, para akong nananalamin. Pero imposibleng ako 'to, dahil hindi ko naman 'to alam. I mean, paano ako mapupunta sa place na 'yan kung nandito ako sa kwarto ko? "Iris, tara na! Aalis na tayo!" tawag sa'kin ni Mama habang nakatok sa pinto. Dali-dali kong binitawan ang gadget at linagay iyon sa chest box, tapos tinago ko ang box sa may walk-in closet ko. Sakto namang nabuksan ni Mama ang pinto. "Ano ba, halika na!?" stress niyang sabi at tahimik lang akong sumunod sa kanya. Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang nakatagong chest box. It looks like I'm being haunted by that strange gadget.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD