RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)
BABALA: ANG MGA SALITANG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY MEDYO MASESELAN AT HINDI ANGKOP SA MGA BATA KAYA KUNG MAY KATABI KANG BATA NGAYON, SA PAGBABASA NITO, EH MAMAYA KANA MAGBASA PAG WALA KA NG KATABING BATA O KUNG IKAW MISMO AY BATA PA, PATANDA KA MUNA SAKA MO TO BASAHIN. DAHIL ANG ISATORYANG ITO AY TUNGKOL SA DALAWANG LALAKING NAGKAIBIGAN AT NAGMAHALAN. KAYA KUNG AGAINST KA SA TEMA NG ISTORYANG ITO....EH "GET LOST"....
PROLOGUE
CLICK CLICK CLICK
Yan agad ang tumambad sa akin pagbabang-pagbaba ko palang sa kotseng sinsakyan ko, mga click ng camera at nakakasilaw nitong mga ilaw, mga sigawan ng taong pawang tuwang- tuwa na makita ako, at mga nagtutulakang tao para mahawakan lang ako.
Habang naglalakad sa mahabang "red carpet" ay hindi ko mapigilang mapangiti sa dahilang hindi ko akalaing ganito karami ang magmamahal sakin dito sa modelling industry. Iba rin naman kasi yung alindog ko eh. Bukod kasi sa mga damit panglalaki ay suma-side line din ako ng pagmomodel sa mga damit pangbabae. Kaya ayon, andali kong sumikat sa industriyang ito. Kesyo daw versatile ako kasi kahit ano kaya kong i-model, tsaka androgynous din daw kasi napakagwapo ko daw kung lalaki at napakaganda din daw kung babae. Marami ngang nagsasabing retokado daw ako kasi too good to be true daw tong beauty ko. Biniradahan ko nga ng five pages manila paper na speech nung minsang nagpapresscon ako. Eh di mga nadala. Akala ko nga tapos na yung career ko noon kasi baka napangitan sa inasal ko yung mga followers at fans ko, pero wag kayo mga solid to mga tol kasi imbis na mabawasan, abay dumami pa. Kaya love na love ko talaga sila. Binigyan ko pa nga sila ng title eh. Mga Aphrodieties, oh diba lakas makadyosa ng ganda.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy pa ring tumitingin sa mga tao sa paligid ko hanggang sa malapit na ako sa may pintuan, pero may isang taong nakaagaw ng pansin ko, isang napaka gwapong nilalang at uwaaahhhhh ang gwapo nya talaga hahahahaha, pero parang may kakaiba sa kanya parang....PULA ATA YUNG MATA NYA!??
---------
A/N: pasensya na yan lang kinaya ko sa ngayon, bawi na lang sa next chapter...
vote naman po oh and be a fan