Soliel’s POV
“HUSH, TAHAN NA, chikababes. Nandito lang naman ako, akong makikinig sa’yo.” I don’t think this moron could be this big of a help to me.
“Gwapo ko talaga ‘no, chikababes?” hirit na naman niyang nagpahiwalay sa akin sa pagkakayakap sa kaniya.
“Tsk! You and your narcissistic attitude,” saad ko while wiping my tears.
“At least kahit papaano nainis ka ulit. Tumahan ka tuloy sa iyak, muntik-muntik ko na makitang tumutulo uhog mo!” panunukso niya.
“Kilala mo si Dad? Paano?” Pagbabalik ko sa sinabi n’ya kanina.
“Oo naman, bakit hindi? Isa kaya kayo sa pinakamayamang pamilya sa lugar natin.” Akala ko nasa underground din siya.
“What are you even doing here? Sinusundan mo ba ako?” balik ko sa kaniya. Hindi ko alam na nakasunod na pala siya sa akin.
“Sumunod ako kasi naiwan ko ‘yong jacket ko sa kotse mo. Hindi ko naman akalain na ‘yon pala ang isasalubong ng tatay mo sa’yo.”
“You heard it?”
“Hindi masyado, pero kitang-kita kong sinampal ka ng sarili mong tatay. Hindi ko lubos akalain na may ganong klaseng magulang,” aniya. Napangisi ako.
“You don’t understand my Dad at all. Hindi naman siya ganoon kasama tulad ng iniisip mo,” depensa ko. I know Dad is just having a hard time accepting that I’m really the one at fault for Mommy’s death.
“Hindi, chikababes, kahit magulang mo siya, hindi rin naman siya perpekto kaya wala siyang karapatang saktan ka ng ganon.”
“Nope, he has and he can. Siya ang nagpapakain at bumubuhay sa akin kaya it is my duty to fulfill what he wants, and I didn’t fulfill it, that’s why I deserved that slap,” I said.
“Responsibilidad ng mga magulang na pakainin at palakihin tayo, chikababes, pero hindi natin obligasyon na maging perfect para sa kanila. Kasi walang ganoon, walang perpek na tao,” he insisted.
“What you’re saying has substance, huh? Pero teka lang, paano ka pala nakasunod sa akin hanggang dito?” tanong ko.
“Hindi mo yata napansin,” bulong niya.
“I didn’t notice what?”
“Na sumabit ako sa likod ng kotse mo? Akala ko nga katapusan ko na. Ang bilis mo pa naman magpatakbo, buti na lang nabuksan ko pa ang pinto sa likod ng kotse mo kaya nagawa kong makapasok sa loob,” aniya. He is weird.
“Nagawa mo ‘yon?”
“Obvious ba? Nandito pa nga ako, eh, tignan mo ‘yong galos ko sa balikat, saksi ‘yan sa pagsunod ko sa’yo,” aniya sabay turo sa napunit niyang sleeves.
“Tsk! Sino ba naman kasi sa inyo ang nagsabing magbuwis buhay ka?”
“Ay! Huwag kang gan’yan, chikababes, bad ‘yan. Naiwan ko nga kasi ang jacket ko. Mahal pa naman ‘to at baka itapon mo lang.”
“Ang dami mong sinasabi. Get your jacket and get lost. Siguraduhin mo lang na may jacket ka talaga sa kotse ko, at kung hindi, sisipain talaga kita.”
“Grabe ka naman magmahal, chikababes! Mapanakit!” I didn’t bother to talk back to him and just watched him as he walked to my car. May kinuha siyang blue na leather jacket mula sa shotgun seat.
“Kitams? May jacket, hindi ka naman siguro gagamit nito?” aniya, but I just crossed my arms and looked at him while raising my eyebrow.
“Oh, so? Ngayong nakuha mo na ‘yan, you can go,” I reminded him.
“Hindi mo lang ba ako ihahatid?”
“Why would I?” tanong ko pabalik.
“Kahit sa labas lang, eh?”
“Give me reasons para ihatid kita. Marunong ka ngang sumabit sa kotse ko ‘di ba? Tapos pag-uwi, hindi mo magawa?”
Few minutes had passed, and I had no choice but to walk him out of our gate. Dahil ang concern pala ng lalaking ito ay baka raw hindi siya makalabas ng buhay sa dami ng tauhan naming may dalang baril. What a freak.
Pagdating namin sa tapat ng gate ay agad akong huminto habang siya dire-diretsong naglalakad. Daldal siya nang daldal pero hindi ako nakikinig. Puro kayabangan lang naman ang alam.
“Chikababes, naman! Nagsasalita na pala akong walang kausap dito!” aniya habang bumabalik sa kinatatayuan ko.
“What? Akala ko ba ihahatid lang kita palabas? We are outside at ligtas ka ng nakalabas,” I reminded him.
“Grabe ka naman, chikababes! Hindi ka man lang ba nag-aalala baka pag-trip-an ako sa kanto?” I rolled my eyes at him.
“Malaki ka na, kaya mo na ‘yan. Go and get lost, hindi na ako natutuwa sa pagmumukha mo,” ani ko naman sa kaniya before going back to the mansion.
“Bye, chikababes! Ingat ka sa pag-uwi! Salamat sa paghatid!” pahabol niya pa. Natawa pa ako saglit noong marinig ko siyang sumigaw pa.
“Yes! Buhay akong nakalabas!” What a moron!
While I was walking back to the mansion, I saw Kade at the second floor’s veranda, waving his hands at me.
“Ate, bilisan mo na. Kakain na raw tayo, sabi ni Daddy!” my brother shouted, and I saw the joy in his eyes.
He wants us to join him for dinner? Himala.
I nodded to Kade, and I saw him run as fast as he could to go downstairs. Sakto naman pagpasok ko ng pintuan ay nakita ko rin siyang pababa ng hagdan.
“Ate! Kakauwi mo lang ba? Nasaan ‘yong mga gamit mo?” he asks. I almost forgot that I didn’t get my things from my car.
“Hindi kanina pa, may hinatid lang akong asungot,” I said in a low voice near a whisper.
“Huh? What did you say, Ate?”
“Nothing, nasa kotse pa kamo ang mga gamit ko,” I said but wasn’t able to utter another word when he dragged me towards the dining table. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa sarili niyang upuan.
Hindi naman nagtagal noong dumating si Daddy at umupo sa dulo ng lamesa. Nasa kanan ako ni Daddy at nasa tabi ko naman si Kade.
I saw Mrs. Nerry with the maids serving the food when Dad called Maximus and Lorenzo.
“Ano pang ginagawa ninyo d’yan, Lorenzo at Maximus? Saluhan niyo na kami sa hapunan na ‘to,” aniya.
Tahimik namang sumunod ang dalawa sa utos ni Dad. Si Mrs. Nerry ang nag-serve ng kanin at inilagay n’ya pa ‘yon sa plato ko at kay Kade.
“Mrs. Nerry, hayaan mo na ‘yang mga alaga mo. May mga kamay naman ‘yan. Marunong na ‘yang kumuha ng sarili nilang pagkain. Mas mabuti pa ay maupo ka na at saluhan kami.”
It was a nice dinner. At first, everyone was silently eating the food while Kade was continuously giving Mrs. Nerry compliments about the food’s taste, but he was interrupted when Dad started talking.
He wiped the side of his lips using the tablecloth and cleared his throat.
“Soleil, humihingi ako ng despensa sa nagawa ko sa’yo kanina. I am just disappointed with what I heard from your Uncle Bart. I am sorry for him and his team. Huwag mo sanang masamain ang intention ko,” he started, and nagkatitigan kami ni Kade.
“Bakit? Anong nangyari, Ate?”
“But the mission is still on, Soleil. Pagbibigyan kita sa kapalpakan mo ngayon because according to Maximus, Mr. Montague is one of a kind. I’ll give you and your team the benefit of the doubt.”
“Yes, Dad, we’ll do our best,” I nonchalantly replied.
“Don Alessandro, the heiress is doing her best to catch that Mr. Montague, and to be honest, at this rate we can easily find that mysterious mafia boss sooner,” Maximus added.
“Really, Maximus? O baka naman pinagtatakpan mo lang ‘tong amo mo. Remember, ako muna ang boss mo bago si Soleil,” Dad pointed out.
“Totoo ang sinasabi ko, Don Alessandro. Laganap na sa underground ang balita tungkol kay Mr. Montague kaya marami na ring clan ang naghahanap sa kaniya, pero sinisigurado namin ko na kami pa lang ang muntik-muntik na sa kaniyang makasupil. The heiress was able to shoot his left arm,” ani ni Maximus na hindi ko alam.
“Did I?”
“Oo, heiress, actually our men were able to follow his trace due to the blood from your shot pero mali lang kami at hindi namin masyadong kinabisa ang lugar kaya mabilis niyang naiwala ang mga tauhan natin.”
“That’s good to hear. By the way, we have a large transaction supposedly tomorrow—10 million worth of our products—pero kanina lang tumawag kay Lorenzo, na-cancel na lang daw at nalaman naming sinulot sila ng mga Montague,” Dad announced. Sabi ko na nga ba at may kailangan siya.
“I am assigning you, Soleil, and your team to fix this transaction. Ayaw kong mawala sa atin ang transaksiyon na ‘yon,” he added.
“Dad, bakit hindi na lang sila Lorenzo ang i-assign mo rito? It’s too risky for Ate. The Montagues must be preparing right now dahil sa nangyari sa kanila kanina,” Kade suggested.
“Young Master, may edad na kami. Sa totoo lang, hindi na namin kayang makipagsabayan pa lalo kung kami lamang. Huwag kang mag-alala dahil sasama rin kami; kailangan lang namin ang tulong ng Ate mo para mas maging maayos ang trabaho,” Lorenzo explained.
“See? You know the risk but you are still pursuing this?” Kade exclaimed, pero hinawakan ko na ang kamay niya.
“It’s okay, Kade. I can manage. Just give us the date and location, Lorenzo. Maximus can communicate with you.”
“Good. Don’t disappoint me this time, Soleil,” Dad said before leaving the dining table.
“Ate! Mom told you to take care of yourself, right? Bakit ka pumapayag sa mga ganitong transaksiyon? You are risking your life!”
“Kade, I want to prove myself to Dad. I want to show him that he’s right when he thinks that I am weak.”
“Siya nga pala, heiress, pinabibigay ng isa nating tauhan baka makatulong,” si Maximus at tinaggap ko ang isang envelope.
Pagbukas ko ay naglalaman iyon ng mga pictures ng isang lalaki.
“Sino ‘to?”
“Si Mr. Montague.”