Soleil’s POV MAXIMUS WAS right. Ang ilaw ay nakasunod ngayon sa isang lalaking nakaputing tuxedo, but I can’t see his face because he is still wearing his black half-mask. Unti-unting nagsuot ang lahat ng kan-kanilang maskara, putting an emphasis on this masquerade ball. I was following him with my eyes as he walked toward the stairs of his mansion. Lahat kaming nandoon ngayon ay pare-pareho ang ginagawa—all looking at him and waiting for the moment that he reaches the center and kunin na niya ang mask na nakatakip pa rin sa mukha niya. I remained standing, pero unlike the others, unti-unti kong tinanggal ang suot kong maskara. Nagsisimula na ang mga bulong-bulongan, lalo na't dinadaanan na ang kumpol nila ni Mr. Montague. His aura speaks of authority and power. He is giving me goose b

