4

1206 Words
The dawn was gently breaking. Ilang minuto lang ay yayakapin na ng liwanag ang kadilimang bumabalot sa paligid. Ngunit siya ay nakatitig pa rin sa kisame habang nakahiga sa kama. Bumabalik sa kanyang isip ang mga sinabi ni Jacob kagabi. “Why you? Why not? You are as much a victim as I am. Pareho tayong niloko ng mga taong 'yon.” Ni hindi man lang kayang banggitin ni Jacob ang pangalan ni Sabrina. Kinapa niya ang sariling damdamin. Galit siya kina Vince at Sab, hindi maitatatwa. Ginago siya ng mga ito. Muli niyang itinutok sa kisame ang paningin na para bang naroroon ang kasagutan. Until the sun started to shine. Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang paglinaw din kanyang isipan. Binaklas niya ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Naupo siya sa gilid ng kama at ilang sandaling ibinaon ang titig sa kawalan hanggang sa napagawi ang tingin niya sa suot na bracelet sa kaliwang bisig. Regalo iyon ni Sab noong fourteenth birthday niya. "Ikaw ang best friend ko, Aiah, and this bracelet will be a token of my friendship with you." Nasa Tagaytay sila noon, isinama siya ng mag-anak sa resthouse ng mga ito. "Mamahalin ito, Sab. Hindi ko matatanggap." Sabrina rolled her eyes. "Mura lang 'yan, 'no. I bought that from my own savings kaya huwag nang maraming angil, okay?" Ito pa ang mismong nagkabit niyon sa kanyang bisig kasunod ay ang pagbati nito sa kanya. Simula noon ay hindi na iyon humiwalay sa katawan niya. Pibahahalagahan niya iyon ng husto kagaya ng pagpapahalaga niya sa pagmamahal niya rito. Pero sadyang may mga bagay na nagbabago. Kagaya na lang ng pagbali nito ng pangakong walang anumang bagay ang mamamagitan sa kanilang dalawa. "Nothing will ever come between us, Aiah, and definitely, not any man." Then, there was Vince. Ang kauna-unahang lalaking minahal niya. Ang magiging dahilan nang tuluyang pagkakasira ng samahan nila ni Sabrina. "Puso, isasantabi muna kita pansamantala." She would be reckless. Just this once. ******* Surreal. Ang pakiramdam ni Aiah habang nakaupo sa leather sofa ng library ng bahay ng isang Judge Ignacio na pinagdalhan ni Jacob sa kanya. Ngayon ang araw ng civil wedding nila. She is trembling deep inside, pinipilit niya lang itago sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga palad. Tama ba itong naging desisyon niya? Ni sa hinagap ay hindi niya inaasahang magiging asawa ang isang Jacob Samaniego pero kapag bumabalik sa utak niya ang kataksilang ng mga taong ‘yon, nasasabi niya sa sariling ito ang pinakatamang desisyon. Napatingin siya sa sariling repleksyon mula sa salamin sa tokador na nasa mismong harapan niya na nakapwesto sa likuran ng mahogany desk ng judge. Tumititig pabalik sa kanya ang isang simpleng babaeng nakasuot lang din ng simpleng lampas tuhod na puting bestida. Hanggang siko ang manggas niyon, medyo hapit ang ibabang bahagi at may kalaliman ang neckline. Sa kabila ng lungkot at kaba ay nagawa niyang tapunan ng paghanga ang kanyang kabuuan. Ang sekretarya pa ni Jacob ang bumili niyon pati na ang two-inch heeled shoes na gamit niya. Ang buhok niya basta na lang niya ipinusod at tanging pulbo at manipis na liptint lang ang nagsisilbing cosmetics. Magiging Mrs. Samaniego siya ng wala sa plano. Ang pangarap niyang maging isang maybahay ay ibang tao ang tumupad. Nang bigla ay tumabi si Jacob sa kanya mula sa pakikipag-usap nito sa sekretarya. Nag-ugnay ang mga titig nila sa salamin. Jacob always looked so dapper kahit anuman ang isuot nito. At nakaliliyo ang bango nio. His manly scent na humalo sa kaaya-ayang gamit nitong pabango. He is a gorgeous and expensive-looking man. Sa mga oras na ito ay 'di maiwasang maliitin niya ang sarili. Napakapit siya ng mariin sa magkabilang gilid ng kanyang bestida. “Nervous?” “Oo.” ‘Di naman iyon natatago. Naramdaman niya ang paggagap nito sa kanyang palad at marahan iyong pinisil. That unusual warmth na nanulay sa kanyang kaibuturan ay naroroon na naman. “We are in this together. Every step of the way, magkasama nating tatahakin.” Security ang hatid ng pangakong iyon ni Jacob. Hanggang sa magsimula ang maikling seremonyas na hawak-hawak pa rin ni Jacob ang kamay niya. “You are now officially and legally husband and wife.” Opisyal na nga ang lahat. Nasusuotan na ng singsing ang mga daliri nila. She wonders how this ring must cost. “Jacob, bro, kiss the bride na raw,” nakangising tudyo ng kaibigan ni Jacob na si Baxter, ang tanging tumatayong witness sa pag-iisang dibdib nila. Nang iangat ni Jacob ang baba niya ay nagtagpo ang mga mata nila. Jacob has such beautiful pair of eyes. Those orbs na tila hinihigop ang kaluluwa niya at napapabilis ang pagpintig ng kanyang puso. Sa pinakaunang pagkakataon ay ganito kalapit ang mga mukha nila. She could even smell Jacob’s manly scent na humalo sa pabangong gamit nito. Bumaba ang mga titig ni Jacob sa mga labi niya. Napalunok siya. Napuno ng antisipasyon ang kanyang puso. At nang tuluyang bumaba ang mga labi nito sa kanya ay napapikit siya at hinintay ang luwalhating kayang ibigay ng halik nito. Their first kiss as Mr. and Mrs. Samaniego. But Jacob’s lips landed on her cheeks, instead. No kissing. No s*x. Siya ang gumawa ng kundisyong iyon. Kasama ng nakalistang iba pa sa papel na sinulat nila noong araw na pumayag siya sa kasunduan. Sa puso niya ay may lihim na disappointment. Gusto mo bang halikan ka niya, Aiah? Odd, pero oo ang sagot sa bahagyang panghihinyang na nararamdaman. ********* Sa isang fine dining restaurant ang mini celebration. Nakakaasiwa lang na pawang estranghero ang mga kasalo ngayon. Well, not a total stranger, both Jacob and Baxter, but not that close either. Sa gitna ng dinner ay tahimik lang siyang nakatungo sa sariling pinggan. “Are you alright?” Tipid na ngiti lang ang isinukli niya sa tanong na iyon ni Jacob. He looks so concerned. “May iba ka bang gustong kainin?” Nananamlay lang talaga siya pero okay na ang lahat ng pagakain na nakahain sa mesa. “Okay na ako. Masarap naman.” Umakto siyang ginanahan sa pagsubo. “You have to eat properly, Aiah. Tonight’s your wedding night and you need plenty of energy.” Double meaning iyon ni Baxter, batid niya. Sinasabi ng nakakalokong ngiti habang nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ni Jacob ang pansin. Batid din niya na nagkulay mansanans siya sa sinabi nito. “Bax!” Kita naman ang uneasiness sa kilos niya kaya sinawata ni Jacob ang biro ng kaibigan nito. “What?” pabalewalang turan ng lalaki, unmindful sa uneasiness na nararamdaman niya. Ang sarap lang ding batukan ng gago. Ilang minuto pa ay natapos ang dinner. Nagkanya-kanyang lulan sila ng sasakyan. Jacob is a bit of a gentleman after all. Lagi itong nakahandang ipagbukas siya ng pintuan ng kotse. Tahimik lang nilang binaybay ang daan patungo sa kung saan man siya iuuwi ng asawa. Napabuntung-hininga siya. itinuon niya ang mga mata sa kalsada, ang magdadala sa kaniya sa walang kasiguraduhang patutunguhan. Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap ay kakapit na lang siya sa binitiwang pangako ni Jacob na kasama niya ito. “Don’t overthink, Aiah.” Matipid lang na ngiti ang itinugon niya sa katabi na bahagya siyang sinulyapan. She won’t overthink. Sasakyan na lang niya ang lahat ng mga pangyayari at makikiayon sa daloy ng pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD