“So this is home.”
Iginala ni Aiah ang paningin sa loob ng penthouse ni Jacob sa isang high-end condominium. Dito siya nito dinala matapos ang dinner. Maalwan ang unit ni Jacob. Modern at masculine ang interior at kumpleto sa kagamitan. Black, gray and white tone ang dominating color sa loob pati sa mga gamit. Dalawa ang silid na nakikita niya. Natural, tig-isa sila ni Jacob dahil hindi naman nila kailangang magsama sa iisang kama.
Naalala pa niya ang biro ni Baxter kanina na nagpapula ng mukha niya. "Kumain ka ng marami, Aiah. You need strength. Wedding night ninyo ngayon, ‘di ba?" Simula ngayon, kahit ang pagiging maloko ng bestfriend ni Jacob ay kailangan niya na ring makasanayan. Pero paano ba ang masanay? Estranghero sila ni Jacob sa isa’t-isa. They knew too little about each other.
“Let’s go to your room?”
Sinundan niya ito. Di niya maalisan ng titig habang nakasunod rito. Jacob is so massive.Kay laki at tangkad nitong mama. His muscles are on the right place of his body. Ang katawan nito ay tila nagsasaad ng ibayong security kapag nakulong sa katawan nito. Napatda siya sa daloy ng isip. Saka iyon ipinilig.
Nang mabuksan ang silid na nakalaam para sa kanya, sumalubong sa kanya ang magandang silid at ang kamang nasasapinan ng putting bed sheet. Walang gaanong appliances sa loob maliban sa lampshade na nakapatong sa nightstand sa gilid ng kama. Isang sofa at dresser sa isang sulok. Minimal but elegant.
Looking at the bed, tila ba hinihila siyang talunin iyon. Wala namang pisikal na nakakapagod sa ginawa nila ngayong araw pero pakiwari niya, drained ang energy niya. Gusto niya nang itiklop ang mga mata pero nakakahiyaan niyang itaboy ang may-ari.
"Do you need anything?"
Umiling siya.
“Kung may kailangan ka, don’t hesitate to knock. I’ll be in the other room.”
“Jacob?” Nasa bungad na ito ng pintuan na kasalukuyang binubuksan. "Thank you."
Umangat ang gilid ng labi nito. “Good night, Aiah.”
Sumarado ang pintuan. Finally, she was left alone.
Pata siyang naupo sa kama at inilibot ang paningin sa loob. Nakakapanibago ang lahat lalo na ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri. Bigla ang pagsigid ng katotohanan. Opisyal nang magsisimula ang bahay-bahayang ito. Inilabas niya mula sa bag ang bond paper na nasusulatan ng mga rules nila ni Jacob. Idinikit niya iyon sa ulunan, sa bahaging unang-una niyang namumulatan paggising niya.
“Mrs. Jacob Samaniego.” Paulit-ulit niyang sambit habang nakahiga at nakatutok sa kisame.
Masasanay din siya sa bagong buhay. Isang taon lang naman, Aiah. Isang taong pagpapanggap para sa mga taong nanakit sa kanya, sa kanila sa Jacob.
***********
“What the hell is that?”
Nagising si Jacob sa kaluskos na nagmumula sa labas ng kanyang silid. Alas singko y medya pa lang ayon sa kanyang digital clock na nakapatong sa bedside table. ‘Di ito ang nakasanayan niyang gising ngunit nabulahaw ang mahimbing niyang pagtulog. Kung bakit ba kasi hindi niya naisaradong mabuti ang pintuan.
Bumangon siya upang alamin kung ano ang pinagmumulan ng ingay sa labas. Amoy ng bacon at bawang ang sumalubong sa kanyang ilong. Pumuno iyon sa airconditioned niyang unit. Naglaho nang tuluyan ang antok niya. Humakbang pa siya paliko sa kitchen. Sa mesa ay may nakahain nang tinapay na maayos na nakasalansan sa tray at may utensils nang nakalatag.
Then, his eyes were directed to that petite frame of a woman standing right next to the digital stove. May hinahalo itong kung ano sa skillet.
Who is this woman? Kumunot ang noo niya. Suot-suot nito ang maluwang niyang t-shirt na nagmumukha ng duster para rito. Pati jogging pants niya na tinupi ng ilang beses sa gawing hemline para magkasya rito ang ipinampares sa shirt niya.
“Hi!”
Nakalingon na sa kanya ang babae at direktang nakipag-ugnayan ng titig. That shy smile painted on her lips.
Ewan niya ngunit para bang may pumitik sa kailaliman ng dibdib oras na matanaw niya ang ngiting iyon.
“Sorry. Pinakialaman ko na ang kusina mo.” May pag-aalangan sa boses at kilos nito. Tila estudyanteng takot na mapagalitan ng guro. Bakit nga naman ba siya magagalit sa ginagawa nito? The smell of that home-cooked meal is so inviting. Unang beses na may nakialam sa kusina niya. The women he brought here, hanggang kama lang ang tanging narating. They only left the s*x scent afterward s. Breath of fresh air na may babaeng amoy ng pagkain ang idinudulot.
Natagpuan na lang niya ang sariling pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib at isinandal ang kanang bahagi ng ulo at katawan sa dingding. Tila naengganyo siyang panoorin ang babae.
The sight of Aiah holding the wooden spoon in her hand habang nakahawak sa handle ng skillet ang isa pa is quite a treat in this beautiful morning. Nakakaaliw itong titigan.
Nang hindi siya sumagot ay dahan-dahang napalis ang ngiti nito, saka bumaba ang paningin. Napadako ang mga mata nito sa kanyang katawan at namaybay paibaba ngunit kaagad din iyong binawi. Para itong napapaso at kaagad na nagbago ang kulay ng mukha.
Natanto niya ang dahilan nang pamumula ng mukha nito. s**t! He is almost naked. Tanging boxers lang ang suot niya.
Bakit, hindi ba nito nakikita ang hubad na katawan ng ex-boyfriend nito?
“I’ll be back.”
Naiiling na pumanhik siyang muli sa kwarto at nagbihis.
"Too careless, Jacob."
Sanay siyang matulog ng naka-boxers lang at kung minsan ay nakahubad pa nga. Mag-isa lang naman kasi sirya rito. Ngayong may kasama na siya at babae pa at halatang conservative, magpa-practice na siyang magiging disente.
Naligo muna siya at naghalungkat ng maisusuot sa cabinet. T-shirt at sweatpants ang nahablot niya sa closet. Nagmamadali na siyang bumalik ng dining. Inatake na rin siya ng gutom and breakfast just looked so promising.
“Hindi ko alam kung anong oras ka nagbi-breakfast pero nakahain naman na ang lahat kaya maaari ka nang maupo at mag-agahan.”
He never had women who were doting to his needs. Si Aiah ang una aside sa Nanay niya. Kung ganito ito kamaalaga, Vince is insane enough to let go of this woman.
“A-ayaw mo?”
Goodness! Mukhang nag-panic na naman ito.
“No! I am starving, actually," maagap niyang sagot upang mapayapa ang kalooban nito.
They dined in silence. Sanay siya sa presensya ng ibang kababaihan but Aiah just rendered him speechless. Kung susumahin, pareho silang nagpapakiramdaman sa isa’t-isa. The silence between them was deafening. Ano nga naman ba ang common topic nila? To top it all, baka walang ni isang bagay na compatible sila maliban sa dahilan ng pagsasama nilang ito.
“Jacob?”
Si Aiah ang unang bumasag ng katahimikan. Nagsalubong ang mga titig nila. Ngayon niya lang natanto na maganda din naman pala ang pares ng mga mata ni Aiah. May bahid ng ka-inosentihan ang mga mukha lalo na ang mga mata nito. Ngunit naroroon din ang sakit, piping nakasungaw.
“Hindi ba napaka-reckless ng ginawa nating ito?”
“In a way, yes.”
Itinungkod niya ang dalawang siko sa mesa at hinigop niya ang ginawa nitong kape. Creamy at masarap. Sanay siya sa black coffee with no sugar pero nasiyahan siya sa timpla ni Aiah. Pati sinangag nito ay masarap din.
“We decided in a haste.”
Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit sa puso niya ay sigurado siyang tama ang desisyon nila na magsama at magpanggap.
“’Yong mga magulang mo, sina Tita Jocelle, ano na lang kaya ang sasabihin nila?”
Inilapag niya ang tasa ng kape. Pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at tuwid sa mga matang tinitigan ito. “You have to learn how to be strong para hindi ka aapak-apakan ng ibang tao. Stop thinking about other people, Aiah. For now, maging selfish muna tayo. Sarili mo naman muna ang isipin mo.”
Napatangu-tango ito. Nakataas ang parehong gilid ng bibig, almost a grin but a sad one. Pati ang mga mata nito, nalalambungan ng pait.
“Maging selfish,” mahinang ulit sa sinabi niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Dapat ay kumain na rin siya pero nanatiling nakapako ang mga mata niya sa babae. How could he simply ignore tha fact that there was something brewing in his chest? ‘Yong hangarin na protektahan si Aiah at dahan-dahang palisin ang sakit sa mga mata nito.
"Vince, huwag mong gawin sa akin ito. Mahal na mahal kita." She said those words while sobbing.
Sa kanilang dalawa,, mas malalim ang sakit na nararamdaman nito. Tagos sa puso ang pait. Ang mga lalaki, lagi at laging magkakaroon ng option pero ang mga babae, kadalasan, ‘pag naka-set na ang isip at puso sa taong mamahalin nila, ay ipinapako na ang pangarap na ‘yon na ang makakasama habang buhay.
Naiinggit siya sa pagmamahal na kaya nitong ibigay kay Vince. How he wished someone would love him as much as Aiah loved Vince. Ang uri ng damadamin na inialay nito sa lalaki, ‘yon ang pagmamahal na totoo.
Ipinilig niya ang ganoong isipin. Love is out of the picture. It is a gamble not worth betting.
'This is just temporary, Jacob, and it is bound to end one day.'