Being alone in Jacob’s house felt like a dream. Panaginip na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing magiging tauhan siya. Naririto na rin lang siya sa sitwasyong ito ay yayakapin na niya ang bagong role na ito nang lubusan. Humiling na rin naman siya ng permiso kay Jacob kaya minabuti niyang ayusin ang maayos na namang unit nito.
Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya mananatili sa bahay na ito. It's better to put Aiah’s touch inside. Naglinis siya. Nagpalit ng kubre-kama at nagsabit ng chiffon curtain sa glass wall na nakaharap sa labas, sa gawing porch ng unit nito. May blinds na nakaharang doon ngunit ngayong kurtina ang nakatakip, it somehow feels homey. Pati rugs ay pinalitan niya rin ng bago. Gamit ang sariling pera niya ay mabilisan pa siyang bumaba ng building at namili sa kalapit na tindahan.
Magugustuhan kaya ni Jacob ang bagong bihis na pamamahay nito? Para siyang timang na asawang nag-aalala sa maaaring reaksyon ng kanyang esposo. Ito naman talaga ang pinangarap niya dati pa- be a stay-at-home wife and a hands on mother to her kids. Kasama sa mga tinahi niyang pangarap para sa sarili.
Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang may nag-buzz sa pintuan. Isang executive-looking na babaeng mukhang hindi nalalayo sa kanya ang edad ang napagbuksan niya. May nakahanda kaagad itong malawak na ngiti sa kanya. A genuine smile, to be precise. May kasama itong may edad nang unipormadong lalaki.
“Hi! I’m Karen, Mr. Samaniego’s secretary.” Naglahad ito ng kamay na tinanggap niya naman. “Ito nga pala si Mang Boyet, isa sa mga company drivers,” pagpapakilala ng babae sa kasama na magalang na yumukod pa sa kanya.
“Hi po, Mang Boyet!”
“Sa wakas, nakita din namin ang asawa ni boss,” ani Mang Boyet na pinasadahan siya ng titig.
Mukha nga ba siyang asawa ni Jacob kung tingnan? Suot pa rin niya ang damit ni Jacob na nahanap niya sa cabinet. Namamawis pa siya at ang buhok niya ay basta lang naka-messy bun. Buong akala niya ay iuuwi pa siya ng binata sa apartment niya. ‘Di na rin siya umangil nang dito siya dinala. Kahit papano ay ayaw niya munang manatili sa apartment. Ang daming bagay na ipapaalala ang bahay na iyon sa kung anong meron sila ni Vince roon.
“Pasok kayo, pasok!”
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto upang bigyang daan ang mga ito. Saka pa lang niya nabigyang pansin ang iba-ibang shopping bags na nakalagak sa sahig. May mga tatak na karaniwan ding binibili ni Sabrina. Namamalikmata siya sa dami ng mga iyon.
“Hey, tatayo ka na lang ba riyan?” amused na tinitigan siya ni Karen. Nagpatiuna nga nga itong maupo sa itim na leather sofa sa sala. Saka pa lang din siya nakatinag.
“Dito muna kayo ha.”
Mabilisan siyabng gumawa ng meryenda. Mabuti na lang pala at may natira pang pan de sal sa pantry. Binili pa niya iyon sa bakeshop sa ibaba ng building. Hiniwa-hiwa niya ang mga iyon ng pahalang at isalang sa nakasalang na skillet sa stove habang binuksan ang canned tuna at inilagay sa strainer ang laman. Matapos i-dry toast ang mga tinapay at mabilisan siyang nag-whisk ng sour cream at Miracle Whip sa maliit na bowl. Idinagdag niya ang drained tuna at minced na sibuyas. Sa nagmamadaling mga kilos din ay nilagyan niya ng topping ang bawat slice ng tinapay. Inilagay niya iyon sa platter. Huli niyang ginawa ay magtimpla ng powdered juice sa pitsel.
“Wow! Canape.” Palatak ni Karen na kaagad na pumulot mula sa platter nag ilapag niya iyon sa centertable. Pati si Mang Boyet ay nakigaya na rin. By the looks of it, mukhang at home rito ang dalawa.
Sinalinan niya ang dalawang baso at pagkatapos ay naupo sa tapat ng mga ito.
“Para saan ang mga ‘yan?” Sa mga shopping bags nakatuon ang pansin niya. Sa pagkain din nasentro ang atensyon ni Mang Boyet.
“Para sa ’yo,” simpleng sagot nito na hinuli pa ang takas spread na nalaglag sa daliri nito. “Ano nga palang spread nito, Mrs. Samaniego?”
Nakakatawa ang Mrs. Samaniego. Siguro'y masasanay din siya. Mukhang sanay na nga siyang patungkulan si Jacob na kanyang 'asawa'.
Sinagot niya ang tanong ni Miss Karen.
“Masarap ha. Kaya pala puring-puri ni boss ang pagkain sa condo niya."
Siya, puring-puri ni Jacob? Ah, hindi! Ang pagkain niya lang. Pero iilang beses pa lang naman silang nagkakasabay sa hapag. Nevertheless, nakaramdam siya ng ibayong tuwa sa dibdib.
"’Nga pala,” anitong ibinaba ang hawak na nakagatan nang piraso ng canape, “’yang mga ‘yan are your basic necessities.”
“A-akin lahat ng ‘yan?” naninigurado niyang tanong na itinuro pa ang sarili, saka inabutan ng flat napkin si Karen.
Natawa si Karen sa inasal niya. “Yes, you are Mrs. Samaniego now, and you have to live up to the expectations. Please, don’t get me wrong but wearing shabby clothes, dapat mong iwasan.”
Malayong inaaba ni Karen ang kabuuan niya. May punto rin naman ito. Ngunit parang may mali lang. Ayaw niya namang baguhin ang imahe niya base sa mga mamahaling damit, mga lahas, sapatos at kung anu-ano pa na kayang bilhin ni Jacob sa kanya.
Siguro ay ayaw ni Jacob na nakikita siyang suot-suot ang damit nito. Siguro maselan ito kaya imbes na sitahin ay binilhan na lang siya ng mga bago. Mayaman nga naman ito.
“Ang mamahal naman kasi ng mga ‘yan. Parang nakakahiyang isuot.”
Muli, natawa si Karen sa sinabi niya. Saka nito binalingan si Mang Boyet at inutusang ipasok sa silid niya ang lahat ng mga ‘yon pagkatapos kumain. Sa tingin niya ay hindi lang basta sekretarya si Karen. May kakaibang sense of authority din ito.
“Aiah, can I call you, Aiah?”
Tumango siya. Mas komportable nga naman ang first name basis. Ang pormal kasi ng Mrs. Samaniego. Masyadong nakakaasiwa.
“Dapat mo nang sanayin ang sarili mo sa buhay na pinili mo, ninyo ni boss.”
Alam ni Karen ang totoong score sa pagitan nila ni Jacob. Ito pa lang naman ang inutusan ni Jacob na bumili ng wedding ring nila.
“Your husband is a good man. A bit difficult and stubborn sometimes, but he’ll definitely take care of you.”
Oo, mabuting tao si Jacob. Safe at secure siya kahit napapag-isa sa loob ng iisang bubong. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Kung nakakakain ba ito ng tama sa oras. Isang ideya ang nabuo sa utak niya. Bago umalis sina Karen ay sinigurado niya munang may bitbit itong pagkain para kay Jacob. Sa paraang yon man lang ay magagantihan niya ang kabutihan nito. Iyon lang ang kaya niya.
But deep in her heart, may pumunong tuwa na may nagagawa siya kahit kaunti para kay Jacob, para sa 'asawa' niya.
Asawa.
Parang matamis na hampas iyon sa tenga niya ngunit mabilis niyang sinawata ang daloy ng pag-iisip pati na ang biglaang pagiging aligaga ng kanyang puso. It was a sudden reaction na sinawata niya. Anu't-ano pa man, dapat na pigilang umakyat sa utak at gumapang sa kanyang sistema.
"Tumatanaw ka lang ng utang na loob. Walang anumang iba pang kaguluhan, walang damdaming kalakip."
Sariwa pa ang latay ng sakit na iniwan ni Vince sa puso niya. Her heart was wrecked. Alam niyang matatagalan bago matutong tumibok muli ang puso niya. Kung sakaling muli man siyang magmahal, sisikapin niyang hindi sa isang Jacob Samaniego. Si Jacob ay isang sugal. Bet her heart on him and she'll surely end up on the losing end.