Bago pa man mabasa ni Aiah ang laman ng text message ay rumehistro sa screen ang call ni Hubby. Nakangiti siya. She swiped the screen open. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng asawa niya. “Sumaglit ako sa bahay. Wala ka roon. I thought, nakauwi ka na from Klein.” “Oo. Nasa labas ako.” Nagiging stalker niya na ang asawa. Halos minu-minuto nitong inaalam ang mga galaw niya. “Iniutos mo na lang sana kung may gusto kang bilhin o 'di kaya sinabi mo sa akin para nasamahan kita.” Nginusuan niya ito. “Ang OA naman. Binisita ko lang naman sina Linette, ah. Konting despedida kasi aalis na siya sa trabaho.” Saglit siyang nagkwento sa asawa tungkol sa pagkakaantala ng plano nila ni Linette. “Love, hindi ka busy? Baka naagaw na kita masyado sa mga responsibilities mo riyan.” Lumarawan

