Nagngangalit na sunud-sunod na tunog mula sa cellphone ang gumising sa diwa niya. Hubby calling. Imbes na sagutin, inilipat niya ang paningin sa labas. May manaka-nakang patak ng ulan na lumilikha ng ingay sa bubungan. Lumulusot din sa bahagyang nakabukas na bintana ang lamig. Nagsisimula na ring palitan ng dilim ang liwanag sa paligid. Hindi na niya matantiya kung ilang oras na siya sa higaan. Nawala ang ring. Napalitan ng message tone. Babe, you’re making me worried sick. Babe. Worried. Pawang kasinungalingan. Muli ay tumunog ang cellphone. This time, hindi na pangalan ni Jacob ang nakarehistro sa screen kundi ng ama nito. Napilitan siyang sagutin ang tawag na iyon. “Aiah, hija.” Gusto niyang maiyak at magsumbong sa hilaw na biyenan na mainit ang pagtanggap sa kanya. ‘Di na

