She was never the confrontational type pero kinanti ni Jacob ang pasensya niya. Ngayon ay nangangambang sumambulat ng kusa ang naipong galit sa dibdib. “Mag-usap? Para ano? Para magtahi ka ng mga kasinungalingan?” Galit ang boses at mukha niya pero durog ang puso niya, nanginginig ang kalamnan at nagbabanta na namang pumatak ang natipong tubig sa kanyang mga mata. Bumalikwas siya ng bangon at binalak na lumabas ng silid ngunit maagap na naiharang ni Jacob ang malaking bulto ng katawan. Nakaamba na sa isang sulok ang away na nangangambang mamagitan sa kanila ni Jacob. “Hindi ka lalabas ng silid natin at hindi matatapos ang gabing ito na hindi naliliwanagan ang lahat.” Hindi pa sana siya handa. Bakit ba kasi ang hina-hina niya. Hindi niya kaya na hindi siya naiiyak. “Kanina pa ako n

