Katok sa pintuan ang nagpamulat sa kamalayan ni Aiah. Nang idilat niya ang mga mata ay sumambulat ang liwanag sa kanyang mga mata. It’s already twenty past eight. Halos mag-uumaga na rin naman kasi nang dalawin siya ng antok. “Aiah, Babe.” Pumait na naman ang pakiramdam niya nang marinig ang boses na iyon sa labas ng kanyang silid. “Aiah, ano ba? Buksan mo naman ako.” May kasama na iyong pagbayo and she could almost feel frustrations in his deep baritone voice. Bumangon siya at sumandal sa headboard habang yakap ang mga tuhod. Ayaw niya munang makita si Jake. “Aalis muna ako pero pagbalik ko, mag-uusap naman tayo, ha. Please.” Nabuhayan siya ng loob nang marinig ang papaalis na mga yabag nito. Dali-dali siyang bumangon at sinilip ang bintana. Halos gumuho ang mundo niya nang makitan

