Sa gym ni Baxter nasumpungan ni Jacob ang sarili. Isang tingin pa lang ay alam na kaagad ni Bax ang bigat ng dinadala niya. Umakyat sila sa rooftop at doon niya nilunod ang sarili sa alak. Nakainom na siya sa bahay pa lang pero walang talab ang espiritu ng alak para mamanhid ang pakiramdam. And here he is, with a can of beer and that sight of the most magnificent Manila Bay Sunset. Sumikdo ang dibdib niya. It was a romantic sight and it pained him. “Pakawalan mo na muna siya pasamantala.” Out of the blue sinabi ni Baxter ilang sandali ang nakalilipas na pinakiramdaman lang siya nito. “That’s bullshit!” Napatayo siya at inihagis sa kung saan ang lata ng serbesa. Tumilamsik ang natitirang laman niyon at tumunog ilang saglit ang pagtama nito sa metal railing ng hagdanang inakyatan nila.

