“Talaga bang okay ka lang dito?” Nilingon ni Aiah si Linette at nginitian ng pilit. “Syempre naman.” Habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng silid ni Linette sa apartment nito ay nakaramdam siya ng kahungakagan. It was so unfamiliar, yet, it made her feel safe. “Pasensya ka na, ha. Wala lang talaga akong ibang alam na lapitan.” Nahihiya siya kina Tita Jocelle. Dapat ay nasa apartment siya ngayon pero heto siya at nasa maliit na silid ng maliit ding tirahan ni Linette. Dalawang araw na nga siyang naririto sa bahay ni Linette. Naninikip ang dibdib niya kapag nasa apartment siya. Napatingin siya sa labas ng bintana. Malapit nang dumilim. Ilang minuto mula ngayon ay uuwi na si Jacob sa bahay. “Sa mga oras na ito nasa kusina dapat ako. Naghahanda ng hapunan ni…” Napahinto siya sa pagsasa

