Maaliwalas ang paligid. Napakaaya ng panahon. The sun peeping in the horizon is a promise of a good day. Katamtamang lamig lang ang dumadampi sa balat niya. Ang sweater na kanina ay isinuot ipinampatong niya sa kanyang uniporme ay hinubad pa niya. ‘Always summer!’ sa isisp-isip niya. Napangiti si Aiah habang nakatingala sa bughaw na kalangitan. “A promise of a new day.” Ilang metro pa ay minanionra na niya ang company car na minamaneho niya. The usual space na nakalaan sa kanilang mga empleyado. Tinanggal niya ang seatbelt na nakakabit sa katawan. Tsinek muna sa salamin kung maayos baa ng hitsura niya. Okay pa naman ang matte nude lipstick na gamit niya. Polbo at lipstick at kung paminsan-minsan ay nagma-mascara. Ang lampas balikat na buhok na nakasanayan na niyang nakalugay lang sa ka

