48

1608 Words

“Is that your only best?” Isa-isang nagsiliparan ang hard copy ng proposals para sa napipintong pag-take over nila sa isang copper and steel manufacturing company sa Iligan. Papasukin na rin nila ang manufacturing. Parang tutang isa-isang pinulot ng dalawang tauhan ang nagkalat na A4 documants sa sahig. “Out!” Animo’y lalapain ng liyon na mabibilis ang mga hakbang na lumabas ng opisina niya ang mga ito. Lahat ay napagdidiskitahan niya. Pagdating na pagdating kanina ay kaagad siyang nagsagawa ng surprised check sa mga departamento. Slacking from the job is his worst nemesis. Lahat nang hindi niya naiibigan ay nasita niya. He is so unfair, he knows. Sarili niya ang kinayayamutan pero nadadamay ang mga tauhan. Hindi niya napaghiwalay ang personal na problemang iniwan niya sa bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD