Loyola Memorial Cemetery. Minsan ang kabutihan ng tao ay nasusukat sa araw ng kanyang kamatayan. Si Tito Clarence ay tunay na mabait kung ibabase sa dami ng hugpong ng mga taong nakiisa sa araw na inihatid ito sa pinakahuling himlayan. Business associates, mga kamag-anak ay nag-ipon-ipon sa araw na ito. Higit na mas nakakamangha ang pagdalo ng mga taong walang pagdadalawa nitong tinulungan- scholars, mga maralitang sa iisang sabi lang walang pag-aalinlangang sinusuportahan. “I never thought Dad would be this good, Aiah. Seeing all these throngs of people, gusto kong maiyak sa tuwa,” si Sabrina. Pride ang mababanaag sa mga mata nitong nangingislap sa luha. “Alam ko. Isa kaya ako sa mga naging recipients ng kabutihang loob niya.” Napatingin siya sa mga taong patuloy sa pagdagsa. ‘Tito Cl

