Ten past ten. He's late than usual. He skipped dinner at home for the first time. Kailangan niyang personal na asikasuhin si Mr. Nang at siguraduhing ayos ang magiging gabi nito sa hotel. Bago sila naghiwalay ay niyaya pa muna niya itong maglaro ng golf at sinamahan sa dinner nito. Nakakatuwang isipin, sa buong durasyon na magkasama sila matapos ang business meeting, wala na silang ibang pinag-usapan kundi pamilya at ibinida ang mga asawa nila. Oh, Aiah. 'Speed limit sucks.' Kung sana ay maaari niyang utusan ang company driver na i-set sa isang daan ang bilis ng takbo ng sasakyan. "Mang Odi, ang bagal ng takbo natin, ah." "Baka sitahin tayo, Sir." Pinagkasya na lang niyang sumandal sa sasakyan at inilinga ang mga mata sa paligid. Sa inip ay pinagkasya niyang buksan ang cellphone.

