"Sir, the Myanmar delegate will arrive few minutes from now.” Tinapos ni Jacob ang pakikipag-usap sa video call isa sa safety engineers sa minahan sa Carascal. Every now and then ay ina-update niya ang operation sa site simula nang magkaroon ng kaunting aberya ang minahan sa Palawan. Hinarap niya si Karen. “Bring everything that we need.” Kagagaling lang nila kanina sa isa pang meeting at heto na naman ang isa pang kakaharaping responsibilidad. Emisaryo ng isang Burmese mining company, potential partner nila sa gagawing mining venture sa bansang Myanmar ang kakausapin sa ngayon. Kung tutuusin ay pwede namang isa sa mga executives niya ang ipadadala. Kaya lang nais niyang mas makasiguro. Brainchild niya ang joint venture na ito. Siya ang nag-udyok sa ama na pasukin ang kailan lang nagbuk

