Singapore. Dati, ibayong tuwa ang naramdaman niya oras na nakatungtong siya sa banyagang lugar na ito. Sa bansa kung saan nabuo niyang muli ang tiwala sa sarili. Singapore had been her land of opportunity. Kung tutuusin, itinuturing niya itong tahanan sa loob ng nakalipas na mga taon. Bakit hindi ko na maramdaman ang excitement sa tuwing narararanan ang magandang tanawin sa paligid? May dumadagang bigat sa kanyang dibdib. Parang noong unang beses na napadpad siya sa lugar na ito. “Welcome home, Addy!” Nagpatiuna nang umibis ng sasakyan si Linette at sinimulang ipasok sa loob ang ibang mga bagahe. Pati na ang nakakahong pasalubong na padala ni Nanay Martha. Lahat ng paborito ni Linette. “Si Nanay talaga at ke usu-uso na ng text at chat pero tingnan mo, Aiah.” Nakatuping yellow pape

