It's as if someone whispered in her ears, hindi coincidence ang pagkikita nilang ito ng matapobreng babae. Sinuri ito ni Aiah. Istrikta pa rin sa unang tingin ang mukha ng aristokratang babae pero, may bahid na ng lambot sa mga mata. Malayo na ito sa babaeng nangmaliit sa kanya noon. “I can see Jacob in her. She has Jacob’s features.” May pangungulila ba sa mga mata ng ina ni Jacob? “How are you, Aiah?” She had known her for years at hindi ito ang tipong nagungumusta sa kanya. Galit ito sa kanya. She abhorred her, in fact. “Okay naman po.” Napalingon siya kay Linette. Pasimple siyang siniko ng kaibigan. Nagtatanong ang mga mata nito kaya ipinakilala niya ito sa senyora. “Ow, Jacob’s mother, huh? Bakit hindi na muna natin papasukin si 'biyenan' sa loob ng bahay?” Wala siyang tiwala

