Kanina pa pinagmamasdan ni Jacob ang nahihimbing na si Aiah. Kanina pa rin gustong umangat ng palad niya para haplusin ang makinis nitong mukha. Jesus. Kung alam lang sana ni Aiah kung gaano siya nagpipigil na gawin iyon. Nasa pagitan siya ng gusto niyang mayamot kay Aiah dahil sa ginawang pagtatago sa anak nila pero malaking bahagi sa kanya ang nananabik sa babae. No, his whole being is aching for her. Naikuyom niya ang kamao. Ang lapit-lapit nito pero hindi niya maaaring hawakan at baka kakaripas ito ng takbo. He couldn’t afford it anymore. Mababaliw na siya ‘pag nagkataon. Kailangan pa niyang gumawa ng ganitong mga tricks para lang masigurong makakalapit sa mag-ina niya. How his heart leaped habang tinititigan ang larawang ipinadala ni Sabrina sa kanya sa messenger. “Jacob, are you

