Chapter 43

1442 Words
Where here in Megan’s house for house blessing nila. Lahat ng friends namin ay nandito kasama na doon si Jessa na buntis. “What's up buntis” naabutan namin si Jessa na kumakain ng Shanghai. “Siguro pinahihirapan mo si Alfred na magluto ng shanghai” biro ni Patricia. “Di naman lagi naman siyang gumagawa nun kapag nauubos na sa lalagyan” saad niya. Si Alfred ay pinsang buo ni Jessa at kasama niya ito sa condo unit dahil ayaw niya ipaalam sa magulang ang nangyari sa kanya. Sa katunayan ay nakapasa ito sa board exam na sumabay pa sa nalaman nito na buntis siya. Di agad siya nakapagtrabaho dahil maselan ang pagbubuntis nito. Hinabilin lang namin ito na wag kasobrahan sa mamantika pero buti na lang ay may iba pa itong pinaglilihian bukod sa shanghai. “Siya nga pala wala ka na ba talagang balita kay Yam?” tanong ko. Umiwas lang ito ng tingin. “Di ko pagaksayahin ang isang tao ayaw magpakita at nandidiri sa ginawa niyang pagkakamali” inubos niya ang shanghai at uminom ng tubig saka tumayo para umalis. “Sundan ko lang” paalam ni Patricia. Tumango lang kami at umalis na siya. “Para napasama ata yung tanong ko sa kanya” sabi ko. “Di yan baka ayaw niya lang pag-usapan” saad niya. “Why did she leave?” napatingin ako kay Xieron. “I ask about kung may balita na siya kay Yam. Kailangan niyang panagutan si Jessa pero kung di talaga siya magpapakita sa kanya tutulungan na lang namin siya kapag nahihirapan siya sa pagbubuntis niya. Sana nga wag makarating kay Xiara yung nangyari baka sugurin niya si Yam sa Japan” saad ko. “Speaking of Xiara, I see her sa Pampanga nung friday” nabigla ako sa sinabi niya. “Ha? Seryoso ka?” tumango siya. “I think you ask Tito Kyron about that baka sabihin niya sayo yung nangyari kay Xiara this past 4 years” saad niya. “Yeah, kailangan nga dahil gusto ko nang sabunutan si Xiara sa biglang pagkawala niya” natawa na lang siya sa sinabi ko. “Congrats par” nakita namin sina Jarred, Mico at Stephen pero mas nagulat ako na kasama niya si Doc Joaquin. “Himala, sumama ka” saad ni Xieron. “Pinilit na lang namin ito sumama kaysa naman na magpawork alcoholic siya sa opisina niya” saad ni Stephen. “Shut up!” napailing na lang si Xieron sa pagiging moody ng kaibigan niya. “Huy! Nasa labas pa ba si Pat?” tumango ako pero may narinig kaming nagbukas ng pintuan. “Uy Nurse Marco buti nakarating ka agad” kumunot ang noo ko dahil kung bakit niya kilala si Nurse Marco at naisipan na imbitahan sa house blessing niya. “Inimbitahan ko siya dahil nandito si Patricia at isa pa para di niya pagtuunan ng atensyon si Doc Joaquin” napailing na lang ako. “Sa tingin mo gagana yan?” tanong ko. “Ewan, malay natin” sagot niya. “Oo nga pala bakit mo pala kilala si Nurse Marco?” tanong ko. “Well, he’s my classmate nung fourth year kami. First semester yun” sagot niya. “And then, nalove at first sight daw siya kay Patricia nung unang kita niya sa kanya. Di ka ata kasama nun kasi nasa Taguig ka noong mga panahon na yun” dugtong na sabi niya. “Oowww, you invited him?” tumango siya. “Tara nandun si Patricia sa labas kausap si Jessa” pagpaparinig ni Megan kay Doc Joaquin umalis na sila para puntahan sina Patricia at Jessa sa swimming pool. “Hmmm… how much did the house you bought cost?” biglang tanong ni Doc Joaquin. “It's around 300 million kasama yung lupa doon na 60 million” sagot niya. “Grabe nakakalula yung presyo” sabi ko. “Sinabi mo pa” sabi din ni Megan. “Tch! I can buy a house more than 300 million” napangiwi na lang sila lalo na si Xieron dahil sa sinabi ng kaibigan. “Tss! Parehas naman kayo ni Xieron na kayang bumili nang mas hihigit pa sa 300 million” saad ni Mico. Sinamaan lang siya ng tingin ni Xieron. “Kumain muna tayo dahil gusto ko nang kumain” natawa na lang ako sa asal ni Megan. “Kanina pa siya nag-aasikaso sa mga bisita kaya ako muna ang magbabantay sa anak namin” nagpaalam muna si Jervy sa mga kaibigan nito. “Megs, di ba pumunta yung parents mo?” huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. “Di ko na sila pinapunta dahil alam ko na galit pa rin sila sa akin dahil di ko sinunod ang gusto nila” saad niya. “Pero di ko pinagsisihan ang ginawa ko kung ito ay nagpapasaya sa akin. Kahit tinakwil na ako ng mga magulang ko ay nandito naman ang mag-ama ko na handang suportahan ang gusto ko at saka isa pa balak ko na lang makisosyo sa bagong tayong restaurant ni Winslet” saad niya. “Parang business partner ganun?” tumango siya. “Pero sa ipon ko yun galing nung mula high school hanggang sa makapagtapos ako lumaki lang yun dahil kay Jervy” sabi niya. “Ikaw ba anong balak mo sa naipon mong pera mula sa allowance na binibigay sayo ng dalawa mong Tita?” bigla akong napaisip. “Investment na lang gagawin ko” sagot ko. “Bakit di ka magpatayo ng isang establishment?” tanong niya. “Nagtatrabaho ako as nurse sa hospital di ko pwedeng iasa kay Xieron saka na kapag nagkapamilya na” sagot ko. “Sabagay, kapag nagpakasal na kayo ni Xieron ay papatigilin ka na nun sa trabaho dahil kaya ka naman buhayin niya at isa pa di ka naman materialistic na tao kaya magaan yung magiging buhay niyo in the future” saad niya. “Sinundo na ni Alfred si Jessa, pinapapasok ko nga para kumain muna pero sabi niya may meeting pa daw siya na kailangan iattend kaya di ko na lang siya pinilit” sabi ni Patricia. Umupo naman ito sa tabi ni Megan. “Kumain ka na ba?” umiling si Patricia sa tanong ni Marco. “Kinomport ko muna si Jessa baka kasi mastress at magkaroon na naman siya ng bleeding” sagot ni Patricia. Napatingin na lang kami ni Megan sa kanila. *** “Baka malasing kayo niyan sinasabi ko sayo Jervy wag kang magpakalasing kung ayaw mo matulog sa labas” banta ni Megan sa asawa niya. “Okay noted po” natawa na lang kami sa pagiging magalang nito sa asawa niya. “Halatang under pare” panunukso ni Mico na ikinatawa naman ng iba. “Bakit di niyo ba naranasan maging under sa mga girlfriend/ asawa niyo?” natahimik naman ang iba sa tanong ni Jervy. “Labas kami dyan” sagot ng dalawa. “Di pa dumadating yung mon amour ko” sabat naman ni Jarred. ‘Naku kung alam mo lang nandito na sa Pilipinas yung mon amour mo’ “Di ako gumagawa na ikinagagalit ni Abi” saad naman ni Xieron. “Weh? Sa pagkakaalam ko nagalit si Abi sayo nung tinangka mong bilhan ng house and lot yung anak nila Jervy ah” biro ni Mico. “Tss! Si Jervy ang may kasalanan nun kung ano kasi pinagsasabi kaya nagalit si mon chéri” natawa na lang ako bigla sa sinabi nito sa kaibigan niya. Bigla naman ngumuso sa akin ang baby damulag ko. “Hoy! Ang pangit mong ngumuso mukha kang aso” “At least poging aso di katulad mo kamukha mo si pulgoso” pang-aasar ni Jervy kay Mico. Napasmirk na lang si Doc Joaquin sa mga kaibigan nito na nag-aasaran. “Uuwi na kayo?” tanong ko. “Sensya na tumawag kasi yung doctor ng pasyente ko nagseizure kasi tapos may operasyon pa ako kailangan iassisst” saad niya. “Ikaw rin ba Marco uuwi ka na rin ba?” tanong ko. “Oo maaga kasi yung pasok ko bukas ihahatid ko muna si Patricia sa condo unit niya para kumuha ng damit saka ihahatid ko ulit siya sa hospital” sagot niya. “Ganun ba sige mag-ingat na lang kayo sa daan” saad ni Megan. Bigla akong napatingin kay Doc Joaquin dahil sa talim ng tingin niya kay Marco at yung pagkakahawak niya sa baso ay parang may balak na siyang durugin at basagin. Napansin ko lang na umalis na yung dalawa napatingin na lang ako kay Xieron na kumunot ang noo nito dahil sa reaksyon nito sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD