Simula
Umuulan, yan ang salubong sa akin ng lumabas na ako galing school at nag-iintay sa waiting shed para makasakay ng jeep papuntang boarding house. Iniisip ko pa rin ang nangyari nung lunes dahil sa mga nalaman ko.
‘kung kailan handa na akong aminin ang nararamdaman ko saka pa lang dumating ang balita na labis kong ikinasaktan’ napapikit ako at napaluha.
“Hello” napapunas ako ng luha dahil may biglang nagsalita sa tabi ko. Lumingon ako at parang may biglang anghel na bumaba sa langit dahil sa aking kagwapuhan nito. Bigla akong natauhan at binalik ang tingin ko sa daan.
‘Kaya ka nasasaktan eh dahil ang hilig mo sa mga gwapo eh’ saway ng isip ko. Napatingin naman akong muli sa kanya at may kausap ito sa phone nito.
“I’m here sa…..” bigla itong lumingon sa akin.
“Miss, anong street ito?” tanong niya.
“Katipunan St. po” magalang kong sagot. Syempre malay natin mas matanda sa akin ito ng ilang taon. Nakakahiya naman kapag di ko lagyan ng “po”.
“Yeah katipunan st. pakisundo ako dito thanks bro” binaba na ito ang cellphone niya.
“Are you studying here?” tumango ako.
“What course?” tanong pa niya.
“Nursing” tipid kong sagot.
“Owww” tumango tango pa ito.
“Kayo po?” tanong ko.
“Business Management but I’m already graduated here may kinuha lang akong credentials dito and kaya lang nasiraan ako sa daan kaya iniwan ko muna dun sa gilid ng school and then tumakbo ako rito dahil umuulan na nga” tumango ako.
‘Sabi ko na nga ba eh mas matanda sa akin ito’
“You, are you going home na?” Tumango ako.
“Nag-iintay lang po ako ng masasakyan” sagot ko.
“But your suit is all white baka mabasa ka or madumihan” ngumiti ako.
“Okay lang po saka lalabhan ko na lang po pagdating” paliwanag ko.
“Hmm… pwede ka naman sumabay sa akin eh saan ka ba nakatira?” biglang napataas ang kilay ko na napansin niya. Di ko masyadong nagustuhan ang sinabi niya parang iba kasi dating nito sa akin.
“Sorry masyado yata ako napasobra ng nasabi” tumawa ako ng mahina at umiling.
“Okay lang po saka dumating na rin po yung jeep” huminto ang jeep sa waiting shed at tumayo na ako saka ako tumakbo at pumasok sa loob.
“Ingat” ngumiti ako at bumilis ang t***k ng puso ko.
‘Abi, kalma’
“Sige po” kumaway ako sa kanya ag umalis na yung jeep na sinasakyan ko. Pero nawala din ang ngiti na yun dahil naalala ko na naman siya.
‘girl tama na please nasaktan ka na wag mo nang ulitin muli’ nagbayad na ako ng pamasahe.
“Sa Escoda St. po” sabi ko. Tumingin lang ako sa labas at lumanghap ng preskong hangin kahit umuulan. Maliit lang naman yung pagkabukas ko ng bintana
***
Pagkababa ko sa may Escoda buti na lang ay tumila na yung ulan. Naglakad na ako at sumorkat na lamang para makabilis akong makauwi sa bahay ng pinsan ko.
“Baks” pagkapasok ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Xiara na kakatapos lang maglaba ng uniform nito.
“Oh, mukhang naabutan ka ng malakas na ulan ah” tumango ako.
“Oo eh naabutan ako dun sa waiting shed buti na lang tumila na nung malapit na kami sa Escoda eh” saad ko.
“Oh siya magbihis ka na dun may natirang dun na may sabon para di ka na maghalo ng sabon sa tubig” pumasok na ako sa kwarto at saka nagbihis na ako.
Lumabas na ako at naabutan ko si Xiara na nagluluto na ng hapunan namin.
“Nabalitaan ko na may girlfriend na yung labdilabs mo” napasimangot ako dahil pinaalala pa niya.
“Oo umamin yung kasama ko sa duty nung monday” saad ko.
“Eh bakit di mo sinabi?” Pumunta na ako sa likod at nilagay na sa timba yung damit ko na pangpasok bukas. Sumunod ito sa akin.
“Eh natatakot ako na baka sermonan mo na naman ako” sabi ko.
“At talaga sesermonan kita di ba sinabi ko sayo hinay-hinay lang wag masyadong mafall ng todo dahil di ka niya sasaluhin kapag nahulog ka” napasimangot ako bigla.
‘Kaya ayokong magsabi sa kanya eh para siyang nanay ko kung makasermon sa akin’
“Sorry naman” sabi ko. Bumuntong na lang siya ng hininga.
“Maligo ka na muna baka magkasakit ka niyan” tumango na lang ako at pumasok na ako sa loob.
Kinagabihan ay kakatapos ko lang labhan ang damit ko na pangpasok bukas at kakaligo ko lang din. Naghahain ako ng pagkain namin ay napansin ko na nakabusangot si Xiara.
“Oh para binagsakan ka ng langit at lupa dyan sa reaction mo” saad ko.
“Wala na graduate na yung crush ko” umarte itong umiyak.
“Yung bang kinukwento mo sa akin dati?” Tumango ito.
“Sabi sa akin ng classmate ko na pumunta pala siya para sa mga credentials niya and speaking of nakapasa siya sa board exam topnotcher pa raw” lumapit ako sa kanya.
“Tapos sabi pa raw ng classmate ko na siya na raw yung magiging CEO ng Techno Institute Inc. papalitan na daw yung daddy niya” kwento pa niya.
“Mukhang mayaman yung labdilabs mo ah” saad ko.
“Oo nung highschool daw siya yung napiling maging endorser ng mamahalin watch” pero bigla akong nacurious kung sino yung tinutukoy niya.
“Xiara, patingin nga yung picture niya” napataas ito ng kilay.
“Aagawan mo ba ako ng crush” umiling ako.
“Curious lang di ko naman masyado nakikita sa University natin” sabi ko.
“Okay” saka ito hinanap sa gallery niya ang picture nung kinukwento niya.
“Eto” pinakita sa akin at biglang nanlaki ang mata ko dahil ang lalaking kinukwento ni Xiara ay yung nagtanong sa akin kung anong St. ang sinilungan niya.
“Bakit?” Umiling ako.
“Siya nga pala si Frank Xieron Caballero” tumango ako.
“Ahmm kain na tayo” umupo na ako sa upuan ko at kinuha na yung kanin at ulam.
“May problema ba?” Umiling ako.
‘Jusko paano ko ba sasabihin na naencounter ko siya kanina nung pauwi na ako’