Chapter 1

1175 Words
Xiara” kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Xiara dahil tatanghaliin na naman ito sa pagpasok nito. “Xiara, malalate ka na” tawag ko pa ulit. “Babangon na” naramdaman ko na bumangon na siya saka ko palang bumaba at pumunta sa kusina. I’m currently first year college and taking Bachelor of Science in Nursing sa UP Diliman. Si Xiara naman ay Business Management ang kinukuha nito dahil may sarili silang negosyo nasa Pampanga. “Morning” nakasalubong ko si Xiara pababa ng hagdan at nakabihis na ito. “Morning din” inayos ko ang buhok ko at messy bun ang ginawa ko dahil mahigpit ang UP pagdating sa proper grooming. “Paalis ka na ba?” Umiling ako. “Di pa ako kumakain” sabi ko. “Okay, sabay na tayo pumasok” umupo na ako sa lamesa at nagsimula na kaming kumuha ng pagkain. “Saan ka ba kakain mamaya?” tanong niya. “Sa cafeteria na lang” sagot ko. “Di ka lalabas ng campus?” umiling ako. “Tinatamad ako at saka madudumihan ko lang yung uniform ko” sabi ko. “Hay naku ayan na naman ang pagiging malinis mo sa katawan baka magkasakit ka na niyan kapag sobra yung linis mo ng katawan” inirapan ko lang ito. “Di naman kung lalabas ako at biglang madudumihan nakakahiya sa mga kaklase ko dahil sila malinis yung uniform at ako naman ay tumalsik yung putik sa katawan ko” paliwanag ko. “Sabagay, siya hugasan ko muna ito baka madumihan yung UNIFORM MO” diin pa niya sa huling sinabi nito. “Ako na lang mamayang gabi” sabi ko. Pumunta muna ako sa sala at inayos ang mga gamit ko pati libro. Di ako katulad ng mga kaklase ko na may sarili silang Ipad dahil di namin afford at mas gusto ko pa yung libro dahil mas sanay akong gamitin ito. “Alam mo kung tinanggap mo lang sana yung Ipad na binigay ko di ka na sana magpapakahirap magbitbit ng libro” napatingin ako kay Xiara. “Pshh! Wag na baka pagtripan pang ibenta ng nanay ko yung Ipad.” angil ko. May time kasi na yung cellphone ko na pinag-ipunan ko galing sa pag-extra ko nung nasa Bulacan ako ay binenta ng magaling kong nanay na ginamit sa pambayad utang niya. Lulong sa sugal ang nanay ko at ang step-father ko naman ay walang trabaho at may time na ito ay nagconstruction worker pero laging napaalis sa trabaho dahil na rin sa pikunin at maikli ang pasensya at demanding pa dahil mababa ang sahod. Lumaki ako sa isang broken family, nag-iisang anak lang nila ako. Iniwan ako ng tatay ko ay 4 na taon pa lang ako nun. Masama ang loob ko sa tatay ko kung bakit di niya ako sinama nun pero nalaman ko rin na kakasuhan siya ni Mama kapag kinuha nya ako ni tatay sa puder niya. Di ko na rin alam kung nasan na ang tatay ko pero may nagsasabi raw na may pamilya na rin ito. Pagkatapos kaming iwan ng tatay ko ay nag-asawang muli si Mama at yun ang batugan kong amain. “Pshh! Di ba sabi mo ay lumayas ka na sa inyo nung tinangka kang gahasain nung amain mo at di naniwala yung nanay mo” bumusangot ako. “Syempre pupunta yun kay Lola alam mo naman nanay ko malikot ang kamay kapag nakita akong may gamit na bigay ni Tita Maris or ni Tita Wendy ay kinukuha niya at sasabihin na hihiramin niya muna pero bukas-bukas ay malalaman mo ay binenta na niya” naalala ko ay sumabog sa galit si Tita Maris na nalaman niya na binenta ni Mama yung regalo niya sa akin na kwintas nung nag-17th birthday ako last last year. Nawala kasi ito bigla at nalaman ko na lang na binenta na niya ito. Buti na lang ay binenta niya ito sa kumare ni Tita kaya agad niya ito binawi. “Tara na malate pa tayo terror pa naman yung magiging teacher ko” tumango na lang ako at lumabas na ng bahay. *** Kasulukuyan akong nasa cafeteria at iniintay si Megan, ang kaibigan ko na bumili ng pagkain namin. ‘Pshh! nakakasawa na kaya puro introduce yourself tuwing pasukan” “Nakabusangot ka dyan?” umiling ako. “Alam ko na yan dahil sa walang kasawaang introduce yourself yan noh” tumango ako. “Parehas tayo friend parang gusto na lang munang umabsent bukas eh kaya lang baka pagalitan tayo ng teacher sa susunod natin meet up sa kanila” paliwanag ni Megan. Kinuha ko rin yung mineral water at tinapay ko. “Pero in fairness ang gwapo nung guy nasa harapan talagang titig na titig ah” inirapan ko si Megan sa pang-aasar niya. “Frenny, may tumatawag sayo” kinuha ko ang phone ko at si Tita Maris ang tumatawag. “Ta, bakit po?” tanong ko. “Wag na wag mong ibibigay ang address mo sa nanay mo” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Maris. “Bakit po?’ takang tanong ko. “Tumawag sa akin si Tita Wendy mo kahapon at tinatanong kung saan ka nag-aaral ngayon. Mukhang nalaman ng nanay mo na wala na rin ako sa Bulacan. Buti na lang at di sinabi ni Weny kung saan ako nakatira ngayon tapos sinabi daw niya na tatawagan ka niya para ibigay mo yung address mo at pupuntahan ka mukhang hihingi sila sayo ng pera galing sa pinapadala kong allowance at bigay ng Tita Xiera mo” binaba ko ang kinakain kong tinapay. Ang alam ni Mama ay ako lang ang pumunta ng Manila dahil na rin sa mga chismosang kapitbahay namin na may mga anak na nakita ako sa Maynila na nag-aaral sa UP. “Di ko po talaga ibibigay yung address ko dahil di naman na nila alam yung number ko eh at isa pa ay nagiba ako ng f*******: account para po di nila ako mahahanap. Pagkatapos niya akong di paniwalaan saka siya hihingi sa akin ng pera” angil ko. “Kaya nga para na rin magtanda sila” sabi pa ni Tita Maris. Nakatira na ngayon si Tita Maris sa Pampanga kung saan siya nagtatrabaho sa kompaniya ng family ni Xiara as HR. Kasama ko siyang umalis dahil di ako sasama kay Tita Xiera kapag di kasama si Tita Maris pero nung sumama si Tita sa akin ay maganda na yung pamumuhay ni Lola ngayon at nakaapartment na rin kami ngayon. Umalis na rin siya sa bahay nila Tita Xiera makalipas ang two months niyang pagtatrabaho sa kumpanya at pumayag naman si Tita Xiera. “Sige na baka may klase ka pa ibaba ko na ito” “Sige po Tita” pinatay na ni Tita Maris ang tawag. “Grabe naman yung nanay mo parang di ka tinuturing anak ah” sumubo ito ng pagkain at ako ay napapainom ng tubig dahil sa galit ko sa nanay ko na walang ginagawa kung di gawin ako atm card.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD