Chapter 2

1543 Words
Lumipas na ang isang buwan at palalim ng palalim ang pagkahulog ko kay Dave, siya yung laging sa harapan nakaupo. Kasulukuyang akong nakikinig sa prof namin at di ko maiwasan tumitig kay Dave na nagsasagot sa recitation sa harapan ‘Sana ol matalino’ Nakakainggit naman kasi eh always active sa klase pagdating sa mga explanation and pagiging leader niya sa ibang kagroup niya kapag mayroon kami group activity. May time nga na may papremyo sila kapag tama yung sagot eh kaya yung balat nung binigay niya sa akin ay itinabi ko sa isang libro na paborito kong binabasa pero sa mismong dulo na yun para mabasa ko pa ulit yung libro. “Girl, baka matunaw ah” lumingon ako kay Megan na nakatingin na sa akin. “Sa kakatitig mo sa kanya baka ikaw na susunod na matatawag sa recitation natin” umayos ako ng upo at kinuha ko ang libro ko saka ko itong binuklat at nagbasa. Ayoko pa naman na bigla akong tinatawag nawawala ako sa focus at mga nareview ko ay di ko na matandaan. “Ganyan” ngumiti ako sa kanya at binalik ang atensyon ko sa nireview ko. “Sebastian” ngumisi ako kay Megan at nakasimangot ito. “So pano yan ikaw yung tinawag” ngising sabi ko. Inirapan lang niya ako at nagsimula na siyang magsalita. “Jusko, nastress na ako” dumukdok siya sa mesa. Kasalukuyang kami nasa library ngayon at nagbabasa para sa gagawin namin activity sa Reading History. “Wala ka pang binabasa stress ka na agad” angil ko. “Paano ako di mastress ikaw ba naman biglang tawagin agad sa recitation” maktol niya. “Kailangan ba talaga natin hanapin yung nangyari sa Pre-Colonial period” tumango ako. “Para madali lang natin magawa yung activity” saad ko. “Siya kukuha pa ako doon, may nakita pa kasi ako doon eh” kinuha ko pa yung libro at binasa ko. ‘Masyado naman pala luma ito kaya nakakatakot hawakan’ dinahan-dahan ko itong buksan para di masira. Bigla akong nagulat dahil may malakas na bumagsak na libro sa lamesa na ikinagulat ng marami. “Megan, dahan-dahan naman” saway ko. “Sorry napalakas” nagpiece sign ito at inirapan ko lang ito. “Umupo ka na dyan at maghanap ka na” kinuha na niya ang libro na kinuha niya at binuklat niya. Kumuha ako ng papel at ballpen para isulat ang mga nakuha kong information about sa Pre-Colonial period. *** “Kamusta?” kumibit balikat ako sabay kagat ng burger na binili niya sa kanto. “Sinasabi ko sayo Abigail tigilan mo muna yan baka masaktan ka na naman” kumagat na lang ako ng burger. “Siya nga pala nagpadala si Mommy ng allowance natin dito sa bahay. Andito rin yung allowance mo, yung sa Tita Maris mo bukas pa raw maipapadala late na kasi siyang nakauwi dahil madami raw aplikanteng nag-apply sa kompanya” tumango na lang ako. “Dapat na ko na palang kausapin yung Mommy mo na wag na niya akong padalhan ng pera. Nagpapadala naman si Tita Maris eh” saad ko. “Naku kahit pagsabihan mo si Mommy na wag magpadala di rin yun titigil” kumagat din siya ng burger. “Buti na lang nag-iba ka na ng number at gumawa ka na lang ng dummy account para tumigil na sila sa kakakulit sayo” nalaman na niya ang nangyari dahil naikwento ko sa kanya at nalaman din ni Tita Xiera ang nangyari dahil sinabi din ni Tita Maris. Gusto nga niya sugurin yun eh pero pinigilan lang siya ni Tita Maris. “Kaya di yun titigil sa kapapadala sayo ng pera para di mo na maranasan yung hirap sa kamay ng nanay mo. Naaawa nga ako sayo eh ikaw yung naiipit sa nangyayari sa inyo” humigop na lang ako ng shake. “Pero in fairness hanggang ngayon wala pa rin jowa yung Tita mo. Ilan taon na nga pala yung Tita mo?” tanong niya. “32 pa lang siya ngayon” saad ko. “Tingnan mo wala pa ngang asawa pero tumataas ang dugo niya sa nanay mo” humigop siya ng shake at ikinataka ko kung bakit napakarami namang s**o. “Bakit ang daming s**o?” Takang tanong ko. “Eh nagpaadd ako eh” humigop pa siya. “Sana naman ireto siya ni Mommy dun sa walang asawang kapatid ni Daddy” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “May kapatid pa pala yung daddy mo na wala pang asawa?” tumango siya. “Si Tito Kyron wala nga lang siya rito sa Pilipinas nasa U.S kasi siya andun kasi yung kumpanya niya tapos kasosyo lang sila ni Mommy sa company here sa Manila” kwento niya. “Saan dito?” tanong ko. “Sa Taguig nakatayo yun” tumango ako. “Pero uuwi rito sa Pilipinas yun and didiretso siya sa Pampanga sakto makikita niya yung Tita mo” tumawa na lang ako sa pangbubugaw niya sa Tito niya sa Tita ko. “Baka malay mo may girlfriend na yun eh” sabi ko. “Wala ngang girlfriend yun focus yun sa kompanya. Babaero nga lang pero kapag may nagustuhan yun na isang tao magiging stick to one na yun parang si Daddy lang. Ganun kasi si Daddy dati tumino lang nung napangasawa niya si Mommy” kwento pa niya. “Bahala ka” kumagat na lang ako ulit ng isa pang burger. “Sabagay, masyadong workaholic yung tita mo eh” kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya saka binuksan. “Oh my god” napatingin ako kay Xiara. “Bakit?” Takang tanong ko. “May project kami kailangan namin ipasa next week” kinuha ko ang cellphone niya. “Eh bakit kaaga naman eh wala pang isang linggo ang pinasok niyo?” Takang tanong ko. “Kaasar naman yung matandang hukluban na yun” pagmamaktol niya. “Hey don't say bad words” saway ko. “Kaasar naman kasi yung love birds sa likod namin eh kung bakit pa doon sa klase namin naglandian syempre may teacher kaming bitter sa pag-ibig” kwento niya. “Nadadamay kami kaya ewan ko na lang kung anong mangyayari bukas kapag pumasok kami. Sure ako sabay-sabay kaming pupunta sa detention office” dugtong pa niya. “Pero wish mo ay wala ka doon sa scene na yun dahil kapag nagkataon mapupuntahan ka dito ng parents mo alalahanin mo may kamag-anak ka rito sa Maynila at kakilala nung may-ari ng school baka isang iglap nasa tapat na natin sila ng bahay” paalala ko. “Oo na kapag after class natin punta ako sa cafeteria para magtambay tawagan mo na lang ako kapag papunta na kayo ni Megan sa canteen” tumango na lang ako. “Oo nga pala may balak ka pa bang maghapunan?” Umiling ako. “Nabusog ako sa kinain natin eh” tinuro ko ang dalawang burger at yung shake. “Sabagay, nabusog na rin ako eh, umakyat ka na ipadlock ko lang yung gate para maaga tayo makapagpahinga” tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanya. *** Andito kami sa cafeteria at kasama namin si Xiara dahil mukhang tama ang hinala niya dahil nag-away-away ang mga kaklase nito dahil sa di inaasahang ipinagawa sa kanila ng prof nila. Pinatawag silang lahat buti na lang ay yung mga kaklase niya ay umalis din para bumili ng pagkain pero pumunta din sila sa office para sa agarang explanation tungkol sa nangyari pero di sumama ang babaita baka raw malaman ng Tita niya na nagtatrabaho sa admin mg school. Pinsan ito ng daddy nya kaya malabong di malaman ni Tito Ellian ang totoo. “Naku napakabitter talaga nung guro na yun kaya wag niyo nang asahan na ipagawa sa inyo ang di dapat ipagawa dahil wala pa kayo sa kalagitnaan ng second sem” kwento niya. “Sabagay, kwento sa amin nung isa mga teacher namin na hiwalay ito sa asawa dahil yung asawa nun ay may ibang babae kaya ganun na lang siya kabitter sa mga love birds sa room namin” sabi niya. “Eh kamusta naman itong pinsan ko patay na patay pa rin ba dun sa kaklase niyo?” Sinamaan ko ng tingin si Xiara. “Ay oo! Grabe kilig niya nung magkasama sila ni Dave sa isang group activity namin” ngumuso ako dahil nilaglag niya ako sa pinsan ko. “Ganyan talaga yan kahit nung Senior High School pa lang kami” mas lalo pa akong sumimangot dahil sa pang-aasar nila. “Uy may tanong ako” humihigop lang ako ng citrus drinks “Ano yun?” “Di ba same department mo yung anak ng may-ari nung Techno Institute Inc.?” Tumango siya. “At bakit?” Tumaas ang kilay nito. “Wala lang” humigop siya ng citrus tumawa ako dahil alam ko may crush siya dun sa isa sa mga barkada nung tinatanong niya. “Kwento ko sayo later” bulong ko. Tumango na lang siya. “Tara na baka malate tayo at ikaw pumunta ka na sa room niyo baka nandun na yung mga kaklase mo” tumango na lang siya at tumayo na siya saka binitbit ang iniinom nitong citrus drinks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD